Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Day 27 – minsan talaga nag-iiba ang ikot ng mundo

Posted by Paurong sa Sabado, Hulyo 15, 2006

8:50 pm
pc

meron palang pasok. binati ko kaagad si mhadz dahil 14 ngayon at ipinaliwanag sa kanya na walang salitang monthsary–dapat mensiversary.

wala si sir balitao kaya wala kaming ap. ipinakita sa akin ni arvin ang kanyang portfolio. siyempre, binasa ko! nagkuwentuhan kami kasama sina mhadz at fame. biglang pumasok sa room namin ang guidance counselor ng fourth year na si ma’am ignacio. ipinaalala niya sa amin ang naging behavior ng pilot class nang mabalitaang suspended ang classes last wednesday. bakit daw hindi kami nangagsipag-uwian kaagad. sa susunod daw, kami na (1st floor ng phase II ng main bldg.) ang huling makakaalam ng mga announcements dahil daw hindi namin makontrol ang aming mga emosyon.

sumunod na klase ang values. as usual, doon na naman kami ni mhadz–na lagi ko namang seatmate–sa pinakasulok. atat na atat kaming magreport. napag-usapan namin ang pre-marital sex. maya-maya, biglang umentra si sir guevarra at hinanap ako! gagawa daw sa avr ng assignment na ibinigay ni dr. john man. so, hindi na ako nakapag-report.

pumunta kami ni chesca sa speech lab at simula noon nagpalakad-lakad na kami patungo doon, pabalik dito… gumawa ako ng excuse letter tapos pinaulit ni ma’am shei! pumunta kami sa ir. una, nagpapirma kami kay ma’am lacsamana (head ng tle department), tapos, para abisuhan sina ila. pagbalik namin sa speech lab, hinintay ko nang magparinig ang in-love na si ma’am sheila. sabi ba naman “kumusta drama ng buhay mo”… tapos, ginawa pa naming issue yung mahaba niyang pirma. tingin kasi namin, e, parang may nadagdag sa kanyang lagda. ang kulit nga ni chesca, eh! nainis tuloy si ma’am shei dahil sa mga pinaggagawa niya. nariyan na yung pabirong paghagis ng papel kay ma’am shei at pamimilosopo. tawa ako ng tawa sa loob ko. ilang minuto lang, dumating sina angge at kathleen. napag-usapan namin ang tungkol sa alitan between journalism and enriched math. ano ba naman kasi ang pakialam ng mga math na yan sa buhay naming mga journ? ang kulit 0talaga!

a little later, i was with angge. nagbago daw ako, sabi niya. tinanong ko kung paano niya nasabi. marami daw dahilan. kinulit ko siya pero hindi niya daw masabi. hindi na daw ako yung katulad ng dati na nakakausap niya.

actually, i was astonished on what she uttered. many of the people around me are telling me that changes are recently lingering around my life, and i can’t even deny the fact that this whole damn world of mine is driving me startled because of the daily predicaments i am encountering. but, as they say, people truly change, whether or not they want it. they can’t blame me just because i am facing the betterment i am aspiring. they can’t upbraid my relinquished cruelty against anyone. can’t they understand the truth that i am seeking reality? i am already upholding a start on my hand, unless otherwise people begin to ruin my life again.

eto na naman ako. nag-iingles. mamaya sasabihin na naman ng mga tao mayabang ako. they’ll say i’m bragging. salbahe daw ako. lahat na yata ng negative naipukol na sa akin.

can’t you just let me live a life i’m cherishing?

masyado na naman akong madrama. napapansin na yan ng lahat. pero sabi nga ni angge, hindi lang nila ako naiintindihan. meron daw kasi siyang nakausap na girl. classmate namin.

“matalino si jonell, ‘no?”

“oo,” sagot ni angge.

“kaya lang weird siya.”

“hindi siya weird. hindi mo lang siya naiintindihan.”

“sila ba ni pam,” tanong nung girl.

“hindi.”

“ang weird din ni pamela.”

“hindi mo lang siya naiintindihan.”

napagkuwentuhan namin yan ni angge habang hinahagilap ang mga second year na kasama sa avr. bumili ako ng burger sa may tindahan by the sedp. tapos, tinignan namin sa science building. nagtago kami kay sir paja, kasi wala pa kaming excuse letter that time. hiniram kasi ng second year, kaya nga namin sila hinanap. doon kami sa second floor dumaan. nasa labas ang ilang III-1 at interesting ang ginagawa nila that moment. they were disecting frogs. naalala ko tuloy ang biology namin noong second year. si sir aquino din ang teacher namin. pero ngayon, biotech na ang itinuturo niya. hindi kasi nag-biochem ang third year pilot ngayon noong second year sila. parang physiology at anatomy ang scope ng curriculum nila. malay ko! kumakain pa man din ako noong lumapit kami sa kanila. tapos, si jordan bumulalas ng katagang “isipin mo si ponciano yan [palaka]”. hindi naman ako nasuka habang kumakain nang pinapanood ang pagbabalat nila sa palaka. bottom line: hindi namin nahanap ang mga second year.

doon na kami tumambay sa avr. sabay kaming kumain ng lunch ni chesca nang dumating sina ila, jordan, sarah, at karen. ang ganda ng ginawa nila! habang kumakain kami, ikinuwento nila ang ginawa nila sa biotech. mabuti na lang nakayanan ko at hindi ako nabilaukan man lamang. nakasama din kasi hindi ko naubos ang baon kong lunch. puro pang-aasar ang ginawa ni jordan. kasama pa si ila. si sarah, hindi naman masyado. si karen, parang hindi nag-exist.

inutusan ako ni ma’am beltran kasi favorite niya daw ako. jonell. jonell. jonell. pinapunta ako sa ir… doon sa dulong room sa first floor ng left wing.

“sir, kayo po ba si sir samson?” tanong ko sa lalaking nakatambay sa loob ng room na iyon.

“bakit?”

“sir, kayo po ba si sir samson?”

“bakit nga?”

“kayo nga po ba?”

“ako. bakit?”

“pinasasabi po ni ma’am beltran na hindi niya na daw po ipare-reproduce yung module para sa ohs na nakalagay sa kulay blue.”

“o, ano?”

“ipinakukuha niya na po.”

para siyang ermintanyo. pasalamat siya nakapagtimpi ako sa ugaling ipinakita niya sa akin. pwede niya naman kasing sabihin ng maayos kaagad na siya ang hinahanap ko, hindi yung nagsungit siya na parang ang taas-taas niya. nakakainis!

mga isang oras pa ang nakalipas, kaunti lang ang itinulong ko doon sa assignment. hindi nga siguro nila napansin yung ginawa ko kasi ako lang mag-isa nung inayos ko yung mga pinaggagawa nila. inutusan ako ni ma’am santiago (familiar lang siya sa akin, pero hindi ko siya teacher). pinapunta niya ako kay sir guevarra sa fourth floor. bakit ba laging ako ang itinuturo ni ma’am beltran para utusan. wala ba silang paa? mabuti na lang wala sa room niya si sir guevarra. hindi ko rin kasi naintindihan yung instruction na ibinigay sa akin ni ma’am santiago.

maya-maya, pumunta kami nina sarah at jordan sa library. may math seminar. tapos, nandoon pa si homer. nasa malayo si arvin, katabi sina khaye at jane. nagkuwentuhan lang kami ni sarah. hindi naman kasi namin naintindihan yung pinagsasabi nung speaker na slang ang pananalita. napag-usapan namin ang book pres. naki-angal din sina jordan at patrick (yung nagsabi dating huwag mong titigan si ponciano; baka matunaw). nagmagaling itong si jordan. book presentation nga pala ng III-1 ang julius caesar, hamlet, romeo & juliet, at taming of the shrew. madami pala silang problema bunsod ng nalalapit na book pres. kung alam lang nila ang mangyayari! hahaha! sikreto muna! kami lang ni arvin ang nakakaalam!

matapos ang math seminar kuno, bumalik kami ni chesca sa speech lab at nakipagtalakayan panandali kay ma’am shei. ipatatawag niya na lang daw kami sa monday para maipagpatuloy ang paggawa sa avr. nakipagkulitan na naman ang pasaway na chesca. pagbalik namin sa main, naghiwalay na kami.

may pulong sa room! hindi muna ako pumasok. nakipagkuwentuhan pa ako sa maraming taong nasa labas. may nalaman pa ako tungkol kay florgie! hindi pa niya ipinakikilala sa amin yung christian na iyon. suitor daw niya! wahaha! bakit daw niya sasabihin, e, ako nga hindi ko sinasabi yung tungkol daw sa third year. ha? ang gulo nila. maya-maya, kausap ko sina maan at fatima at napansin nilang kasulat ko daw si arvin. binago ko kasi yung pagsulat ko. pagbabago nga, di ba? lumabas din sa wakas si arvin sa room.

pumunta kami ni arvin sa gym. wala siya_ _ _. tsk. tsk. tsk. kulang daw ang araw niya kapag wala siya_ _ _. nung papaalis na kami sa gym, nagpaalam kami kay ma’am lising. tinawag namin ng ilang ulit. ma’am! ma’am!! ma’am!!!! ayaw talagang luminga! ayun, buti naman natawag din namin ang pansin niya at nakapagpaalam na kami. medyo napagtawanan pa nga namin si ma’am lising kasi ang kulit niya… pati mga simpleng bagay, tinatanong, at panay sumang-ayon.

paglabas ng campus, bumili muna ako ng pagkain kasi nagugutom na talaga ako. dumiretso na kami ni arvin sa presby. saktong nung malapit na kaming pumasok, biglang umulan! inubos ko pa yung pagkain ko bago kami pumanhik para sa fellowship.

has the bible been corrupted? yan ang topic namin. masarap talaga ang feeling kanina. masayang purihin ang Diyos… grabe! kantahan, prayer, discussion…

habang nanonood ng documentary, natingnan ko yung kuwintas ni arvin. inisip ko na sana ibigay niya sa akin yun. nagkatotoo naman! para bang naiisip ko yung mga naiisip niya! nung natapos naman ang masayang fellowship, tinignan ko yung notebook niya at nakita kong may dalawang pilas na pahina! muntik na akong mag-alboroto sa inis! nayamot din daw siya pero hindi naman daw siya ang may gawa. si clara daw. tapos ipinakita niya sa akin yung tissue noong magkasama sila ni siya_ _ _. napagtuunan ko ng pansin yung drawing niya. na-curious talaga ako kasi hindi ko siya natanong tungkol doon noong isang araw… noong ginawa niya iyon! dalawang lalaki kasi yung iginuhit niya. tinanong ko kung sinu-sino ba iyon? sabi niya, masama ba! yung isa, obvious na siya kasi may shirt na katulad ng sa kanya. umamin siyang siya iyon. tapos, ako pala yung nasa tabi niya! ipinapaliwanag ko sa kanya yung drawing pero ayaw niyang sumagot. nakakayamot! ayaw sumagot ng maayos. ang problema pa naman sa akin, kapag hindi ko nalaman ang sagot sa isang bagay, ikapagpapabagabag ko iyon nang buong gabi.

nai-share ko nga pala kay kuya popeng yung tungkol sa nangyari sa akin ilang linggo na ang nakalilipas. ganito kasi iyon… noong patulog na ako, naramdaman kong parang nablangko ang paligid ko. pakiramdam ko, may humahalakhak. malakas. tapos, waring hindi ako makahinga. animoy mabigat ang dibdib ko. gusto kong sumigaw pero hindi ko nagawa. pakiramdam ko noon mamamatay na ako. dalawang beses iyon nangyari; isang bagay lang ang naging solusyon ko. i uttered jesus’ name and prayed our father… unti-unting nag-fade yung takot, yung dilim sa paligid ko.

napaka-powerful talaga ng Kanyang pangalan, at ng Kanyang salita. He’s the reason why i’m coming back to the heart of worship. sabihin man nilang nag-iba ako, wala silang magagawa. kasuklam-suklam ako noon, inaamin ko, pero may karapatan naman akong magbago.

hayaan niyo naman akong ipakitang nag-iiba ang ikot ng mundo. (10:12 pm)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: