Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

ang pangalawang upcat review

Posted by Paurong sa Linggo, Hulyo 16, 2006

9:09 pm
pc

isa na namang araw ng paggising ng maaga para pumasok sa eskuwelahan. mayroon kaming upcat review.

late si arvin. tae talaga. lumagok na naman… inantok tuloy! physics ang unang subject. si mrs. ferrera ang nagturo. sobrang haba naman nung test na iyon! habang physics, pinasok kami ni mrs. eden, ang teacher sa english, at sinabing hindi niya kami matuturuan. sandali lang siya sumingit sa klase ng physics para magdadada…

nung bandang alas-diyes na, lumabas kami ng campus. nag-basketball sina arvin, quints at jose, samantalang kumain kami ni khaye.
pagbalik sa room, nagyaya sina fame at ramon na mag-internet. pumunta kami sa study net. 30 minutes lang ako. inayos ko ang blog ni fame. tapos, biglang may kumalabit sa akin–si jordan ba naman! adik daw ako! maya-maya dumating na sina arvin at nag-counter strike sila. tinulungan ko si quints sa paggawa ng blog niya. gagawa na rin sana si jose pero malapit na siyang mag-time. mag-a ala una na nung bumalik kami sa may campus.

kakain dapat kami ng lunch kina rinnah pero humantong kami sa burger. pagbalik sa room, nag-math sila. teka, bakit sila? pumunta kasi ako sa room ng section 2. sumali ako sa kanila. english kasi ang subject nila at hinintay lang nila si mrs. rodriguez.

nag-usap kami ni fatima at marami daw siyang nalaman na hindi ako mahal ng section 3. sabi pa niya, mas mabuti daw na doon na lang ako sa kanila sapagkat mahal nila ako at lagi nila akong naaalala. nakaka-miss naman talaga ang section 2, eh! nag-usap din kami ni maan. hanggang sa dumating na si mrs. rodriguez. masaya naman ako dahil marami akong natutunan sa kanya. tinalakay niya ang mga dapat naming tandaan at isaalang-alang sa araw ng upcat exam. napagalitan si jeff, na president ng IV-2, kasi naiwan niya sa library yung mga reviewer. panay ang banggit ng pangalan ko; panay din ang saway ko sa kaingayan nila!

bandang alas-kwatro, naging busy na ang halos lahat ng mga kaklase ko sa pag-eensayo para sa sabayang pagbigkas sa filipino. hindi kami gagawa. basta! ang gulo kasi ni mrs. herrera! pati group 4, hindi gagawa. nag-usap kami ni mary joy. yamot na yamot kami sa mga nangyayari sa classroom… lalo na ang tungkol sa iisang attitude ng iba naming kaklase. grabe talaga!

a little bit later, lumabas na kami ng campus nina arvin, quints at jose para umuwi. halos tumambay kami ng ilang minuto sa labas para maghintay ng jeep. hindi ko pa nun alam kung saan na ako pupunta. ayoko pa kasing umuwi nung mga oras na iyon. halos walang jeep kaya naghintay pa kami. hanggang sa nakita namin si jordan… nagmadali yata sa paglakad.

nang may masasakyan na, sumakay na ng pasig palengke sina arvin (may meeting daw sila) at quints (na kukuha ng allowance kahit late na), samantalang naghintay pa kami ni jose ng jeep papuntang marikina palengke. naisip ko kasing bumili ng shake sa pag-asa. nakakainis kasi walang matinong jeep na dumaan. gumawa tuloy ako ng kondisyon… sabi ko kay jose, kapag tatlong jeep na pero wala pa ring masakyan, hindi na lang ako bibili. isa. dalawa! nakasakay kami! pagdating ko sa pag-asa, naghiwalay na kami.

bumili ako ng cookies and cream. sinamantala ko na kaya yung malaki ang binili ko. hindi ko namalayan na wala palang matinong jeep na masasakyan kasi puro puno ang dumadaan. nilakad ko hanggang sa the link. naisip ko pang mag-online! isang oras ako doon.

pag-uwi ko sa bahay, nairita ako sa isang bangaw na nakapasok sa loob. hinabol-habol ko ang pesteng bangaw hanggang sa siya ay lagutan ng hininga.

halos hindi ko na mahintay ang bukas. sunday na! sunday na! (9:52 pm)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: