Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Day 28 – walang kalalagyan ang tuwirang pagkayamot

Posted by Paurong sa Martes, Hulyo 18, 2006

10:30 pm
pc

muntik-muntikan na akong ma-late, buti na lang late si sir balitao. sa pintuan pa lang, habang kinukuha ko ang cover shoes ko mula sa aking bag, nangalabit na si arvin. hindi ko nga dapat siya papansinin dahil sa hindi niya pagsipot sa presby kahapon, pero pinansin ko pa rin siya! unang beses kong hindi naghapit ng assignment sa ap; bukas na lang siguro ako magpapasa.

makintab nga pala ang kwarto namin! umaasenso na! hindi na kagaya ng dati na hukluban ng dumi at di-kaaya-ayang paligid… gayunman, nagulat naman ako sa sarili ko dahil hindi pala ako nakapagdala ng panyo kaya kulang na kulang ako kanina. tapos, wala pa akong bimpo sa likod… paano na lang kung matuyuan ako ng pawis?

nakakayamot talaga kanina! lalo na nung nag-filipino na. inis na inis si gng. herrera dahil walang hinandang sabayang pagbigkas ang tatlong pangkat maliban sa pangkat isa. sabi ba naman niya, kailangan daw bukas mai-present ang buong piece, at ang pinakamataas na grade ay 5 imbis na 10. ang saklap! ako naman, pangiti-ngiti lang.

nainis talaga sa amin si ginang kaya pagkalabas niya ng kwarto, nagsulat ako ng patalastas sa pisara na nagsasaad na mag-o-overnight kami para matapos ang sabayang pagbigkas.

sumabay pa yung pang-iiwan sa akin ni arvin papuntang physics. paglingon ko wala na siya. mag-isa lang tuloy akong pumunta sa lab. loner na naman… sa may sulok ako umupo habang nakalatag sa sahig ang libro sa pagkakabisa ko ng mga unang linya para sa sabayang pagbigkas. sa labas muna kasi kami nag-physics bago pumasok sa lab. pagpasok sa loob, tinuro ni sir pajarillo ang colors… masaya pero hindi ko pinagtuunan ng pansin kasi nga bad trip na bad trip ako. sabi naman ni arvin sa sulat, nagmadali lang daw siya sa pagpunta sa science bldg. para maagang mai-set-up ang magic trick nila (candle in water). hindi ko rin pinansin yun kasi nga wala ako sa mood. sa loob ng isang oras, feeling ko hindi ako nag-exist.

maagang natapos ang physics. pinuntahan ko muna si mrs. rodriguez sa library para kunin yung ibibigay niya sa akin na reviewer (english) para sa upcoming upcat. pagbalik ko sa room, inayos nila yung “welcome” sa pinto. kinulit ko si angge na wag na kaming mag-math sapagkat kailangan naming tapusin ang assignment ni dr. john man (puro na lang siya!).

pagdating ni sir pacheco, nagpaalam kami ni angge na pupunta kami kay ma’am sheila. itinanong ni sir kung meron na ba kaming unit test sa math. sabi namin wala pa. gusto niya bukas na kami mag-test, pero napilit siya ni angge na sa thursday na lang.

bumili kami ni angge ng tig-isang binx sa tindahan by the gym. pagkatapos, pumunta na kami sa speech lab, at doon nadatnan naming parang ewan si ma’am sheila. ako na naman ang gumawa ng excuse letter. binigyan kami ni ma’am sheila ng chocolate (nakalimutan ko na ang tawag dun). pinuna ko na naman ang mahaba niyang pirma… ehehehe.

kapagdaka’y pumunta kami ni angge sa ir. mismong pagpanhik namin sa unang flight of stair, nakasalubong ko si bff… na masugid na nakikinig sa pinakamamahal niyang mp3 player. dedma na naman siya. ewan ko ba kung kinalimutan niya na ba yung kasalanan niya sa akin dati… masamang magnakaw ng work ng iba, right? is that called plagiarism? anyway, pagdaan namin sa room ng III-2, buti na lang sarado, kundi baka kung ano na naman ang sabihin tungkol sa akin at kung ano na namang tsismis ang kumalat sa third year pilot.

si ma’am bachicha ang teacher sa III-1 nang mga sandaling iyon. tinawag namin sina sarah, jordan, ila at karen para ma-excuse sa mga klase nila. anong himala kaya ang dumapo kay dudan na walang gel ang buhok? samantala, habang palabas na ng classroom si ma’am bachicha, nag-usap kami. ang kulit talaga! tuwang-tuwa na naman siya sa mga sinasabi ko sa kanya.

back to the excused students, pinadala nila sa akin ang mga mabibigat nilang bag! at nang dumaan kami sa main building, mukhang nagtago itong si jordan… sa avr, ilang minuto lang ako doon dahil malapit na ring mag-english nang panahong iyon. pagbalik ko sa room, mabilis kong ginawa ang assignment sa paggawa ng bibliography. kumaripas ako sa pagkain ng ilang subo ng aking baong lunch at nagpatira na lamang ng ilang lagok ng tubig ni mary joy. pinatext ko si ma’am shei para ma-excuse man lamang kami pero hindi na siya nag-reply nung mga oras na iyon dahil may klase daw siya (debate, malamang). isa lang ang ibig sabihin: mag-i-english ako!

time na ni mrs. aniana nun pero wala pa rin siya. pinansin ko na si arvin kasi medyo humupa na yung tampo ko. habang wala pa rin si ma’am, nakipagkwentuhan ako kina quints at fame. usapang buhok. pagdating ni ma’am, hindi niya kinuha yung assignment na pinagpaguran ko (kahit na maiksi lang iyon!). binati namin siya ng isang “belated happy birthday”. birthday niya kasi last friday (july 14) kaya hindi namin siya nabati. wala kaming english class that day, eh! nag-report lang si rm tungkol sa footnote. muntik pa kaming mag-away ni ma’am dahil sa superscript at subscript. as usual, overtime na naman… pinasa-pasa yung papel na pinagsulatan ng greetings for cyclops–este–ma’am aniana! ako pa nga yung nagbigay, eh!

hindi kami nag-advanced chemistry ni angge. para bang hindi ko maramdaman ang presence ng subject na yaon! isang oras kaming tumambay sa avr. nagkwentuhan lang sila habang busy ako sa pag-e-mail ng gawa namin kay dr. man, na sinundan ko naman ng makapigil-hiningang pagba-blog. hanggang alas-tres lamang kaming nanatili sa avr dahil sa may meeting si mrs. beltran ng ganung oras.

tumambay kami sa library. to be particular, doon kami sa partition ng journalism. maya-maya, may binanggit sa akin si jordan na nag-text daw sa kanya si homer noong isang araw ng may tungkol sa akin. na-curious ako. kinagawian na na hindi ako mapapakali hangga’t hindi ko nalalaman ang isang bagay na binuksan na. kumbaga, nalanghap ko na ang kape, hindi ko pa iinumin… (ano yun?) hanggang sa sinulat mismo ni jordan sa notebook ko ang text sa kanya:

kinikilig ako kay justine. naaawa ako kay rj. kinakalimutan ko pa lang si arvin jay. naguguluhan ako kay jonell.

tandang-tanda ko pa yung sinulat niyang iyon. and i truly hold his word na totoo nga iyon. pagkakuha ko sa notebook ko ay bumalik na kami ni angge sa classroom para makapag-tle. ipinakita ko kaagad iyon kay arvin. tae talaga!

sa tle namin, para na namang everyday-orientation sort ng pagtuturo. para na namang bangag si arvin dahil sa panay ang pagtungo niya para matulog. sino ba naman ang hindi aantukin kung panay ang pagpupuyat mo.

nagkaroon ng magandang balita! hindi na daw bukas ang sabayang pagbigkas. sa huwebes na! at hindi na lahat, kundi isang saknong na lang talaga! sabi ko na nga ba hindi Niya ako pababayaan, eh! masyado akong nawalan ng pag-asa!

nagkaroon ng meeting/practice para sa intersection cheerdance competition. hindi namin binalak sumali ni mary joy. habang nagsusulat ako sa aking notebook, napuri na naman ako ni kristine dahil sa maganda ko daw na sulat. umuulan pero sumugod kami ni mary joy sa labas para bumili ng pagkain. nasa room din nga pala namin kanina sina allison, brien, cyril…

nung lumabas ako ng classroom, may sumutsot sa akin. paglinga ko, nakita ko si arvin… aba! ako pala yung tinatawag. buti namansin din! nag-usap kami sa may pasilyo. nakakatuwang isipin na kasama niya sina clara at siya_ _ _ kanina nang biglang padaan-daan si homer. tinawag ba naman! tawa kami ng tawa! ang kulit kasi ng mga pangyayari. tapos, gumawa pala siya ng tula kaninang math. ipinakita niya rin sa akin yung dedication sa likod ng picture ni siya_ _ _. nagkuwentuhan muna kami hanggang sa nagpahatid na sa amin si jona palabas ng campus. normal lang naman nang biglang nakasalubong namin ang mga papauwing third year… and guess what! napagtanto namin na ayun pala si elmo! kunwari hindi namin nakita. alangan namang mag-react kami ng “uy! musta na, elmo?”. dire-diretso lang kami palabas ng campus, tapos sa may gate halos magkabanggaan pa kami that time nung lumingon kami pabalik. ang kulit talaga ng pangyayari! at dahil dala namin ni arvin ang aming mga notebook, pinilas ko ang page na sinulatan ni jordan at ipinaabot kay elmo. hanggang sa makasakay na nga si jona ng jeep papuntang san joaquin… tumawid kami ni arvin papunta kina rinnah kasi ihing-ihi na talaga ako. nakita pa yata kami ni elmo habang nakasakay siya sa tricycle, na most probably papuntang maybunga. nakinita kong may pagkayamot sa kanyang mukha.

pagbalik namin ni arvin sa classroom, tumambay kami sa tapat ng room ng IV-2… later on, pumasok din kami sa room namin at nakapag-practice na sila. samantala, tinulungan ko si mary joy sa paggupit ng scotch tape para sa inayos niyang mga quotes na ilalagay sa classroom. nag-iimprove na nga talaga ang katinuan ng silid-aralan ng chronicles… kung ano-anong bagay na naman ang napag-usapan namin ni mary joy.

maya-maya, naisip ko nang gumawa ng assignment sa ap (yung hindi ko nagawa kaninang umaga). hiniram ko ang notebook ni mary joy at kinuha ko ang ap notebook ko mula sa bag ni arvin. nakapagsimula na ako nang nagyaya na si arvin na umuwi. nakakagulat yung pinaputok niyang plastic… hindi ko makalimutan.

madilim na nung naglakad kami palabas ng campus. arvin shared me something tungkol sa kakaiba niyang aptitude. paglabas namin, hindi ko siya naantay na makasakay kasi parang pabagsak na ang ulan.

tumuloy ako sa study net. doon, hindi ko inakala na aabot ako ng dalawang oras! i targeted pa man din na mag-half hour lang pero hindi ko nagawa dahil sa isang masalimuot na kaganapan! nasira yung blog ko at kinailangan kong ulitin ang lahat. napag-isip talaga ako kung paano ko aayusin. nakakayamot talaga… buti na lang natapos ko siya nang hindi ako nagipit. may ilan kasing umutang sa akin ngayong araw kaya kailangan ko silang masingil bukas.

nalalapit nang matapos ang isa na namang araw. marami pa akong dapat na tapusin at dapat na paghandaan. sisilay na naman ang panibagong umaga… bubuhos pa rin ba ang ulan, arvin? (11:40 pm)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: