Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Day 29 – tumama ang bala ng baril sa aking mukha

Posted by Paurong sa Miyerkules, Hulyo 19, 2006

10:30 pm
pc

late si gng. herrera kaya natapos ko ang assignment sa filipino. nagpagkatang-gawain at nagkanda-ewan-ewan na naman ako sa pagiging leader. pinutol ang aming pag-uulat nang mag-time na.

pati si arvin late; mapeh na siya pumasok. pinag-usapan ang tungkol sa mental health. nakakainis yung nangulit sa akin na dinedma ko naman. palagay ko, magiging suplado ako habang nakikita ko ang atribida niyang pagmumukha! sinundan pa yun ng pag-abot sa akin ng isang sulat na hindi ko naman agad na binasa. inipit ko muna iyon sa aking notebook at nagpakasasa muna sa pag-recite.

nag-recess kami ni arvin sa tindahan by the gym. burger on the go na naman ang trip namin. binigyan niya ako ng isang chubby. pagbalik namin sa room, napag-isipin niyang bumili ulit. bumili siya ng tubig samantalang bumili ako ng zesto iced tea para magkalasa naman ang kinain ko.

sa research, sa likod ako umupo katabi si arvin. nagkwentuhan lang kami. usap. kanta. kung ano-ano! halos hindi kami nakinig. binasa ko yung sulat na hindi ko naman masyadong pinansin di tulad ng pagkapansin naming natututo nang magalit si ma’am jagmis. nung sinabing tse-tsekan ang research notebook, nawindang kaming dalawa! napa-isip ako kung paano ba kami makatatakas? deliryo ang labas kung sakaling wala kaming maipakitang notebook! dahan-dahan kaming umiskapo at hindi ako makapaniwalang nakalabas kami.

hindi nga pala kami nag-isa! nakasama namin si jian sa pagtakas. pagtingin namin sa kabilang phase ng building, nakita namin sina kristine, alex, dia, at gelween. sumenyas akong wag na silang bumalik. pumunta kami sa library at doon tumambay. may kinwento silang kanta…

do – dodo ni r*****
re – reynaldo a*****
mi – melinda p. i****
fa – fanga ni sir p******
so – so small ni ma’am n***
la – laway ni g******
ti – tigidig ni ma’am v****

masyado kaming maingay kaya pinalayas kami (hindi naman masyado!). saan kami nanatili? sa may cr! pasulyap-sulyap na lang kami sa room at hinintay na makaalis si jagmis. nung lumabas na siya ng room, akala namin pwede na kaming bumalik… bigla ba namang naupo pa siya sa labas ng IV-2. hindi namin alam ang gagawin kung paano makababalik sa classroom. pumanhik kami sa third floor at bumaba sa kabilang phase. at dumating si darna! este si ma’am lising pala! kinausap niya si ma’am jagmis kaya natakpan kami sa pagbalik namin sa classroom! ayos!

mas lalo namang maayos sapagkat wala si sir pacheco! walang math! after magawa ang assignment sa english, kumain na kami ni arvin sa long table, together with brian, jian, kram, etc. matapos kumain, nakatulog ako bago ko man maulanigan na parating na pala si ma’am aniana.

nag-long test sa english. lagpas 100 items… sa huli, naka-41 lang ako. ang saklap talaga! tapos itong si arvin, napagalitan pa ni ma’am aniana dahil sa pakikipag-usap habang nagsasalita siya. katulad pa rin ng dati, overtime!

hindi naman nagalit si ma’am cristy sa advanced chemistry class namin. sobrang nakakatamad. ipinagpatuloy nila ang pagtapos sa result ng activity kahapon. ni hindi ko nga alam kung ano ba yung pinaggagawa nila kasi nga antok na antok ako! nakakatamad ang adchem, sa totoo lang!

pagbalik sa classroom, nakatulog na naman ako! nang dumating si sir ghie, nag-graded recitation. about if functions… kung isa sana ako sa mga natawag kanina e di ayos na ako! alam ko kasi yung mga tanong kanina.

pagkatapos ng tle, ito namang si arvin ang natulog. maya-maya umihi kami sa labas ng campus (dun sa kina rinnah). bumili ako ng pagkain. pagbalik namin, nakasalubong namin si bff.

habang nagpa-practice ang IV-3 para sa cheerdance, nagliwaliw kami ni arvin. pumunta kami sa gym para makita siya_ _ _, pumunta kaming ir para mag-iwan ng isang mensahe para kay elmo, nakasama namin si arnold sa paglalakad patungong batibot, at napag-usapan ang kung ano-anong bagay.

gabi na nang nagkasama kami ni mary joy sa kabilang phase para pag-usapan ang choral namin. tapos, biglang nawala si arvin. tae!

naka-isang oras ako sa the link at 15 minutes naman sa study net. tama na ang kasipagan, jonell, inaantok ka na! matutulog na ako! marami pang dapat gawin para bukas! sana magawa ko. (11:00 pm)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: