Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

"aking hiling sa pagsikat ng araw"

Posted by Paurong sa Huwebes, Hulyo 20, 2006

ang pagsikat ba ng araw ang nagdidikta sa umaga
at nagtatakda ng mga gawain ng bawat nilalang?
ang pagsikat ba ng araw ang dapat na taglayin
ng sinumang bihag ng dalita at pag-ibig?

bakit ba nakatago ang karimlan sa likod ng liwanag?
bakit nga ba nauudlot ang bawat salin ng alamat?
bakit ba dumudungaw ang panibagong mukha
ng isang panibagong araw sa ating harapan?

ang pagsikat ba ng araw ang maghahanda sa balana
sa nalalapit na pagtatapos ng langit at ng lupa?
ang pagsikat ba ng araw ang magpapawalang-uhaw
sa tigang na lupang inakala nating may buhay?

ang pagsikat ba ng araw ang siya nating hinihintay
at pinakikiusapang magpalaganap ng kulay
sa bawat umiinog na planeta at talang makikita
sa mapusok na anyo ng malawak na kalangitan?

ang pagsikat ba ng araw ang dapat na abangan?
bakit nga ba hindi natin masilayan ang liwanag?
ang pagsikat ba ng araw ang siyang katotohanan
na dapat panatilihin sa ating mga kamay?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: