Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Day 30 – ceteris paribus (other things being equal)

Posted by Paurong sa Huwebes, Hulyo 20, 2006

sumablay na naman ako sa pagpasok ng maaga. pagdating ko sa may classroom, dumaing kaagad sa akin si arnold ng tungkol sa away nila ni kathleya. pinakinggan ko siya ngunit wala naman akong naging aksyon sapagkat malamig na ang paligid nang pumasok ako sa classroom. agad akong naghapit ng report para sa ap. ngayon lang yata nag-overtime si sir balitao.

tapos, nag-recess kami ni vin sa tindahan by the gym. pagbalik namin sa room, research na! tumambay kami sa labas at kunwari’y kasali sa pag-decorate ng pinto (yung “welcome IV-3”). napag-usapan na naman namin ang pagiging abnormal ni ma’am jagmis. nung medyo patapos na ang research, sumimple na ako ng paghahapit ng assignment sa ap.

pumunta na kami ni vin sa annex ng lab. pagkakita sa akin ni sir paja, inutusan niya kami ni apollo na pumunta kay sir pascual para kunin yung mga instruments para sa projectile motion at upang hiramin ang color chart. pinagka-interesan ni sir ang pangalan ko. sabi ba naman ni vin, tae daw ako habang yung isang kapangalan ko ay taong gwaping! nagkaroon ng game sa physics. nakasali sa newton group (sa amin) si vin samantalang siya ay sa maxwell. nakakapagtakang wala man lang nagprotesta sa kanyang di-kaaya-aya paglipat. ako na naman ang naging tagasulat ng newton group. ano nga ba ang ibig sabihin ng opaque? kung nasagutan lang namin iyon, e di sana tie kami nung group na nag-first… pagpasok namin sa lab, review ako. nakaraos naman at nakilala na ako ni sir paja (sa wakas!). pagtingin ko sa tabi ko, aba’y wala si vin, nang biglang may kumalabit sa paa ko at napagtanto kong nasa ilalim siya ng mesa at nagnaius na matulog. maya-maya, nahuli siya ni sir. pinag-recite tuloy siya.

sa mapeh naman, nagpaka-filipino class teacher si ma’am lising. nag-groupings kasi. tapos, kahit malapit nang mag-time, nagkalaro pa kami ni pinoy henyo.

mabilisan lang ang lunch namin ni vin. habang nagsisimula siyang kumain, naghagilap ako ng dalawang e-way sa mga kapitbahay na section. nahirapan talaga ako. sa huli, nakahiram ako kay leemervi. humiram din ako kay aljohn pero mas una akong napahiram ni kathleen. hindi ko na naman naubos ang lunch ko.

pinag-usapan ang connectors (conjunctions) at business letter sa english. as usual, overtime na naman. itong si kathleya, bigla ba namang napasigaw ng “p*ke!”… buti na lang hindi iyon masyadong pinansin ni ma’am aniana.

pumunta na kami ni vin sa lab para sa adchem pero napag-isip naming magliwaliw muna. isipin niyo naman, gumala pa kami sa ir bago pumasok sa advanced chemistry. hindi rin naman kami nakinig kasi nagkwentuhan lang kami.

pagbalik sa classroom, marami ang kinabahan dahil sa graded recitation sa tle. nakakainis kasi hindi man lang ako natawag. madadali lang naman yung mga tanong kung talagang alam mo. para na namang kami lang ni sir ghie ang magkausap dahil halos kami lang ang nagkaintindihan. advanced daw yung alam ko tungkol sa ganyan-ganyan-ganyan… overtime tuloy!

pagkalipas ng ilang minuto, hindi ko napansin na may sinabi pala si vin na “nandyan na ang bata!” hindi ko iyon napansin kaya pagkalabas ko, nakita ko si kristine (bakit ba hindi na homer ang tawag ko sa kanya?) at biglang akong umalumpuhit pabalik sa classroom. ewan ko ba kung bakit. pagkakita ko, nandun din pala si jordan… nakipagkwentuhan kay pamela. maya-maya nakausap ko si kristine… blah.. blah.. blah.. puro marasigan ang bukambibig! ang hilig naman sa mga pangalang may “j”. hmmmph…

simula nun, nagulo na ako. hanggang sa mag-practice kami ng choral sa may museum. pagbalik namin sa classroom, nainis ako nung sabihin ni brien (yung leader ng cheerdance) na “o, kayo, be sure maganda yang choral niyo bukas!”. nabwisit ako. tapos dumagdag pa yung mga nagsabing competitive daw yung leader sa filipino… sino kaya yun? lumabas na lang kami ni vin ng campus at nag-uwian na.

pagkahiwalay ko kay vin, nakita ko sina fatima, lee, at monica sa mini-stop. napabili din ako ng ice cream. tinago ko pa nga yung resibo (nakatago sa notebook ko). tapos, sa may rotonda na lang sila sumakay para daw may kasabay ako (how sweet!).

nag-study net pa ako nang lagay na iyon pero 15 minutes lang. hindi ako makapaniwala! pag-uwi ko sa bahay, hindi ako nakasulat ng post para sa blog kaya naghahapit ako ngayon (huwebes na kasi).

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: