Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Day 31 – ipikit mo ang iyong mata… ano ang nakikita?

Posted by Paurong sa Biyernes, Hulyo 21, 2006

bago magsimula ang klase, nag-practice ng sabayang pagbigkas ang bawat pangkat. late pumasok sa amin si ma’am lising para sa mapeh. sabi niya, magku-quiz lang daw para makapag-practice kami. habang nagku-quiz, nag-grand entrance ang late na si arvin.

“Arbin, herri ap!… Arbin, get a lengtways peyper… Arbin, start at namberr six…”

naka-10 out of 20 pa ako sa quiz! nag-practice kaagad para mayroon kaming mabuo. sa kinagandang-palad naman ay nakaraos din kami sa sabayang pagbigkas sa filipino. ay! armando! pagkatapos ng masayang pagtatanghal, ipinagpatuloy talakayin ang liham pangangalakal. overtime.

nag-recess kami ni arvin sa tindahan by the gym canteen sa neptali. naka-isang turon lang ako samantalang nakadalawa siya. ipinakita niya sa akin ang isang notebook na walang spring, pink ang cover, may no. 14 sa harap, at mayroong your BE HAPPY ‘tudes sa likod.

late pala kami sa physics! pasimple kaming pasok sa lab pero nahuli din kami. dedma lang si sir paja! bigla ba namang nagkaroon ng group reporting. ilang minuto bago mag-report, nagpa-una na ako sa on-the-spot na pagreport ng tungkol sa “mirage”. nang mapaupo ako malapit kay donnafer, napansin niya ang notebook ko at namangha siya (bakit ba madaming namamangha sa notebook kong iyon? ganun din yung kay arvin). nagpalit kami ng ballpen; iniabot ko sa kanya ang pilot ko at kinuha ang hbw niya. para kasing naglihi ako sa ibang ballpen.

pagbalik sa classroom sa main building, nagkuwentuhan kami ni arvin sa tapat… tungkol sa mga vice niya. biglang dumating si sir pacheco. doon kami sa may likod umupo. hindi kami halos nakinig kasi nagkuwentuhan lang kami.

pagkatapos ng walang kwentang math na yan, kumain kami ng lunch sa long table. as usual, pagkatapos kumain, bumili kami sa tindahan by the gym ng tubig at chubby. hanggang sa balakin naming subukin ang bangis ni mrs. aniana! ano kaya kung magpa-late kami sa english? nagliwaliw muna kami sa ir. nakita namin, siyempre, si bff. nang mapadaan kami sa may teachers’ room, tinawag kami ni ma’am relova. isinali daw kami sa entablado rizal blah blah… tapos sa amang naman kami pumunta, tapos sa science building (sa physics lab at chemistry lab). aba! nung naglalakad na kami pabalik ng classroom, nandun na pala si ma’am aniana!

“sorry ma’am we’re late,” sabi ni vin. aba! dedma itong si ma’am aniana kaya pumasok na lang kami ng walang kung ano-ano pa. at dahil sa wala akong dalang libro (e-way) ngayong araw, kasama ng labing-apat kong kamag-aral, pinatayo kami sa likuran hanggang sa matapos ang klase. nakitayo din si vin. may plinano pala siya na nasa gitna dapat kami katapat ang table kung saan nandoon si ma’am aniana. naku! kung nagkataon, baka nayamot lang siya sa amin!

time ng enriched course, naupo lang kami ni vin at nagkuwentuhan hanggang sa sabihin sa akin ni angge na ako lang ang magkaklase kay ma’am sheila ngayong araw para sa english journalism. tae! pagpunta ko sa speech lab, bakit daw hindi ako pumunta kaagad. inutusan ako ng kung ano-ano. napunta pa ako kay ma’am lising sa fencing room para magtanong ng tungkol sa ginanap na pasig day celebration.

nang pupunta sana ako sa library, nakita kong may kung anong ginagawa na naman na may connection sa math habang sa avr naman ay nagkakaroon ng isang seminar para sa mga teacher regarding html. sa tulong ni ma’am beltran, nakapasok ako sa avr at doon ay nakinig na rin ako ng mga itinuro sa mga teacher. akala ko pa naman kung anong maganda ang maririnig ko… yun pala basics lang. walang kwenta. i-cover ba daw ang isang event sa school nang hindi inuutusan? aba! kusang loob! at may passion! kinausap ko si sir ghie… sabi ko napakawalang kwenta naman nung itinuturo para sa mga teachers. sagot niya sa akin, mas gugustuhin niya pa daw magturo sa 100 na estudyante kaysa magturo sa 10 teacher. alam niyo na siguro kung bakit! kasi, masyadong magulo ang utak ng mga teacher at napansin kong masyado silang nagpaparunugan pag magkakasama sila. yan ang nao-observe ko na totoo naman.

pagbalik ko sa classroom, kasama ko na si vin pagbalik sa avr at nakakainis lang dahil inutusan lang kami ni ma’am beltran na pumanhik sa fifth floor (imagine!) para ihatid yung merienda ni ma’am galpa. hindi na kami nagtagal sa avr dahil wala rin naman kaming mapapala kung tatayo lang kami doon habang pinagmamasdang kumakain ang mga nagpapagalingang guro. humingi pa sa akin ng tulong si ma’am beltran: kung pwede ko ba daw siyang turuan ng html.

nung pabalik na kami sa phase II ng main building, nakasalubong namin si shiela. natuwa siya sa notebook namin ni vin at sa palagi naming pagkakasama. best of friends nga daw! nabanggit ni shiela ang sinabi sa kanya ni rovie na paaasahin lang daw ni sharyl itong si arvin. matagal din kaming nakipag-usap kay shiela.

ilang sandali lang, lumabas kami ni vin ng campus para bumili. pagbalik, nakasalubong namin si clara at nabanggit nitong nagpapa-miss lang itong si sharyl. magulo na naman ang paningin ni vin! tapos, tumabi kami kina belle at geleen na noo’y nakaupo sa isang bench sa gilid nung parang ufo sa may museum. nangyamot lang naman kami. nanghingi nga itong si belle ng picture ni vin.

pagbalik namin sa classroom, tumambay kami sa may backdoor (arvin, pintuan dapat, hindi pinto! magkaiba ang door at doorway). biglang kaming pinasok ni cyclops–este–ni ma’am aniana at may pinaalala tungkol sa business letter blah blah blah…

bigla kong naalala yung eyeglasses na dinala ni vin. nawawala! naisip ko na baka naiwan ko sa fencing room kanina habang kinakausap ko si ma’am lising. pagbalik ko sa fencing room, natagpuan ko si sharyl at nagbatian kami. hinanap ko si ma’am lising. nandun pala siya sa may likod ng gym at inaasikaso ang cheerdance ng freshmen. tinanong ko kung may salamin ba ako kanina nung kinausap ko siya at nalaman ko nga na naiwan ko ang salamin na suot ko kanina. paglingon ko, nakita ko si kristine… pagkakuha ko ng salamin, nakausap ko si sharyl. defensive yata! si clara daw ang nagsabi ng “pag nakita niya tayo, kunwari dumaan lang tayo…”. ang kulit talaga! hindi ko siya maintindihan!

balik na naman ako sa main. kinatagpo namin si fame sa isang bench para makausap tungkol sa unholy alliance. tapos, tinignan namin ang cheerdance sa may likod ng gym. nung tinamad na kami, tumambay kami sa isang bench na halos katapat ng room namin. ang baboy ng mga vandal! napagmasdan namin sina sharyl at clara sa may tindahan by the gym. maya-maya nayamot kami kay jordan na bigla ba namang sumulpot at may patago-tago pa.

nagliwaliw kami sa ir. matagal din kami doon. kung ano-anong balak… kung ano-ano talaga! tapos feeling ko ganito yung nangyari…

para bang ihing-ihi na si kristine at gusto niyang samahan siya ni peco. nung time na yun yata, napansin kong itinuro ako (o kami ni vin) nitong si peco at bigla ba namang sumigaw itong si kristine ng “iihi ako! iihi ako!” hindi siya kaagad lumabas ng classroom. bakit naman! nagpakahirap pa ang III-2 na magtapal ng mga manila paper sa kanilang mga bintana para hindi na kami manood. nung lumabas na si kristine, umalis na rin kami sa ir at nagbalik na sa main building.

nanatili kami sa may tapat ng classroom. may nahiram si vin na gitara at lumipat kami sa round table sa tapat ng classroom. kantahan kami…

minsan by eraserheads
high by the speaks
iris by goo goo dolls
narda by kamikazee
ewan ko by soapdish
alumni homecoming by parokya ni edgar
magasin by eraserheads
crazy for you by sponge cola
ang huling el bimbo by eraserheads
jeepney by sponge cola
etc. etc. etc.

umambon ng mahina kaya lumipat kami sa hagdanan pero bumalik din kami sa round table. lumapit sina maxwell, rodney at jona. kantahan pa rin kami habang binabasa ni jona ang notebook ni vin. favorite song ko talaga ang “minsan”… tuwang-tuwa ako sa pagkatugtog ni vin! maya-maya humingi ng tulong si belle sa akin. pinabukas niya ang ilaw ng room nila (IV-6) kasi nga madilim. ayun pala! doon nag-practice ang III-2. nice one!

hanggang sa nandun na pala sina sharyl at clara. aba! nang uwian na, hinatid na namin sila sa may sakayan at doon nagtapos ang isang na namang araw ng pagtanggi. kahit isipin mong invisible siya sa iyo, arvin, hindi pa rin, eh!

sandali lang ako nag-study net para simulan ang pagtatago nina vin y jonell. sa takdang panahon, maisasakatuparan namin ang lahat. panigurado. even in finality. even in infinity.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: