Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Day 32 – the invisible are visible

Posted by Paurong sa Biyernes, Hulyo 21, 2006

hindi ko na inisip kung ma-late man ako sa first subject ngayong araw. pagdating ko sa classroom, humiram ako kay mhadz ng copy ng exercise sa math at ng biodata sa english. nainis ako sa sarili ko dahil hindi ako nakapagdala ng bimpo, ni panyo.

nasayang ang oras ko sa pag-ikot sa gym para maghanap ng photocopying machine sa campus. agad akong lumabas para magpa-xerox. ang layo ng nilakad ko. nakasalubong ko pa nga si ma’am nudo, ang chemistry teacher namin sa last year.

aba! nakaabot pa ako sa classroom. mabuti na lang nakapagpa-photocopy ako at mabuti din na wala si sir bernard ngayong araw. ipinabasa ni arvin ang sinulat niya sa notebook.

sa values, nabagot lang ako. sobra. tapos nasa likod pa ako. may pinagawa sa bond paper. gumawa naman ako para hindi masyadong halata na hindi ko pag-aaksayahan ng oras ang subject na yaon na hindi naman mahalaga.

naggitara si vin at nagkanta kami. wala nga pala si sir paja kaya walang physics. nag-recess kami. dapat talaga sa tindahan by the gym kaya lang mas gusto na namin ngayon ang canteen sa neptali. tigalawang turon, tig-isang basong tubig, at tig-isang happy (yung mani). dun pa rin kami sa may mga upuan. nakatagpo namin sina fatima na bumili din. humingi kami ng cheese stick na binili niya. pabalik sa classroom, nakasalubong namin si kristine. hindi na lang kami nagpahalata at kung saan na lang tumingin. hinapit namin ang assignment sa english. masaya naman kasi nagpatugtog kami ng praise and worship songs habang gumagawa.

hanggang sa dumating si sir pacheco. math na naman. sa may harap kami naupo ni arvin. may quiz dapat pero napilit namin ang mabait naming math teacher! ehehe!

hindi kami nag-lunch ni vin sa long table. dun pa rin kami naupo sa inupuan namin habang math. napansin kong wala sina angge at mary joy at yung iba pa na kasali sa editorial board exam. pagkatapos naming kumain, bumili kami ng refresh sa tindahan by the gym. nagliwaliw muna kami sa science building. pagbalik sa main, pumasok ako sa IV-2 at tinulungan ko ang choral ng group 2.

hanggang sa nalaman kong nasa labas si ma’am sheila at hinahanap ako! patay!

“what are you doing here? bakit wala ka doon? jonell!? what is happening with you? kailangan pa kitang sunduin para umakyat ka doon? kung hindi sa akin sinabi ni ma’am lorna hindi ko alam na wala ka doon! akala ko nandoon ka!… what’s with you? sinasapian ka ba?… i’ll not go na hindi ka kasama… get pad papers now…”

kung ano-ano ang sinabi ni ma’am sheila. nakakainis talaga! bali, doon kami sa likod ng library dumaan. grand entrance! tinginan sila! tapos nagpadagdag pa yung mga sinabi ni ma’am lorns.

“ito ba? ito na ba siya? ano ba yan, vip?… gusto mong sakalin kita?… pwede bang pumatay ng bata?… kailangan ka pang sunduin…”

at kung ano-ano din ang sinabi niya. naupo ako at nakita kong madami palang tao sa library. at sa dinami-dami ng tao, nandun pa si kristine! nakakainis sina ma’am sheila at ma’am lorns… namimilit. pero that time talaga, e, wala ako sa mood. and na-realize ko na hindi ko talaga forte ang pagsulat. oo, yung sports story nagawa ko. yung feature story, hindi. natulog lang ako. yung news naman, gumawa ako.

nag-react na naman itong sina ma’am sheila lachica at ma’am lorna rodriguez. bakit ba daw ako nagkakaganoon! sabi ni ma’am sheila, alam niya daw kung bakit… kasi daw… in love. wah! ano kaya yun! ewan ko ba sa kanila. ewan talaga!

nakita ko si maxwell sa library. nandun din pala si vin. sinundo nila ako. ibinigay ko kay ma’am sheila yung papel ko at lumayas na. nakakawindang ang editorial board exam… at nagbabalak na akong lumipat sa filipino journalism kung saka-sakali.

dumiretso na kaming tatlo sa presby. nag-practice silang dalawa. nainis talaga ako sa hbw na hiniram ko kay donna. nakakainis talaga! nabababoy ang sulat ko.. pero bakit ganun, sabi ni rea, maganda daw ang sulat ko. nyah! nag-internet muna ako sa study net for just 15 minutes. nakita ko na rin sa wakas yung binago ni vin sa blog ko at idinagdag ko yung ginawa ko. may logo na kami (VYJ).

fellowship: was Jesus just a man? umalis ng presby si arvin kaya nag-isa lang ako. bumalik siya nung patapos na kami. galing daw siya sa school para matulog, e, samantalang ako nga, tinulugan ang pinanood na documentary. inaantok din naman ako nang mga oras na iyon.

nung patapos na, nandun pala sina sharyl at clara! ipinakilala nila sa akin ang sister ni sharyl (hindi ko alam ang name niya). nung humiwalay na ako sa kanila, thirty minutes akong nag-internet.

hindi natupad ang binalak. ayaw palang makita? iba ang umiral. ang tawag dun–pag-ibig.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: