Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

ang araw ng pangatlong upcat review

Posted by Paurong sa Linggo, Hulyo 23, 2006

9:50 pm
pc

lagpas 8 am na ako umalis sa bahay. nakasabay ko sa tricycle si gelyn, yung kasama ni belle kahapon. malapit lang siguro siya sa amin. halos magkasabay din kaming naglakad patungong rizal high. at magkasabay din kaming pumasok sa classroom. wala pa noon si arvin.

chemistry ang first subject; teacher si ma’am nudo, ang dati naming chemistry teacher. sa bandang likod ako naupo. maya-maya, nung nagsimula na ang review, nagrecite ako! biglang dumating si vin saka siya tumabi sa akin. ang lupit talagang magturo ni ma’am nudo! bilib na bilib kami sa kanya.

english ang next subject; wala si ma’am rodriguez. sabi niya last week, nung magkita kami sa library during the math lecture of mr. eden, hindi daw niya kami mapupuntahan. nangyari nga! natulog lang kami ni arvin. as in tulog talaga! ewan ko ba, masyado kaming antukin!

later on, bumili kami ng burger sa labas. pagbalik, binalak naming umuwi ng maaga. nung dumating na si sir rubio para sa math, tumakas na kami. inikot namin ang paligid ng gym para hagilapin si sharyl pero hindi namin siya natagpuan. sarado ang fencing room, gayundin ang dance room. wala rin naman kaming mapupuntahan sa ir kaya lumabas na lang kami ng campus. bago makarating sa may gate, nakasalubong namin si clara, at nalaman naming hindi daw pupunta si sharyl. ang saklap naman! humiwalay na ako kay arvin sa pag-uwi ko.

mga alas dos, bumalik ako sa may school. pumunta ako sa the link at nag-internet ng isang oras. pagkatapos, pumasok na ako sa campus. wala lang… mag-isa lang naman ako. isang oras din ako sa loob ng school. tumambay lang ako sa round table at doon nagsulat sa notebook ko ng isang simula ng kwento na hindi ko alam kung mayroon bang patutunguhan. nang dumating sina allison at karen–pahiwatig na magsisimula na silang magpractice ng cheerdance–umalis na ako at nagtungo sa the link. isang oras na naman ako.

nang pauwi na ako, basa na ang kalsada at malapit nang bumuhos ang malakas na ulan. mabuti na lang hindi nabasa ang notebook ko. umuulan na rin kasi nung papauwi ako.

heto ako ngayon, hindi alam kung pupunta ba sa presby bukas o ano. gusto ko sanang pumunta sa church nina sharyl kasi tiyak na doon pupunta bukas si arvin. bahala na nga. (10:10 pm)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: