Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

august 10 – a night phone call with sharyl and pia

Posted by Paurong sa Huwebes, Agosto 10, 2006

[thursday itinerary]

mapeh
filipino
recess
physics (lab)
math
lunch
english
journalism (speech lab)
tambay (crossroads-fpcp)
internet (study net)
phone call with sharyl and pia

[diary]

maaga akong gumising pero hindi ako maagang pumasok sa school. medyo nagtapos ako ng physics notebook kahit alam kong hindi pa naman yun ipapasa. hindi ako pumasok ng maaga dahil sa natulog pa ako bago maghanda sa pagpasok.

eksakto lang naman ang dating ko sa classroom. ang aga ko nga daw. wala naman palang mapeh. heto pa–absent na naman si arvin.

naging maganda naman ang discussion namin sa filipino tungkol sa kabuuan ng bahagi ng el filibusterismo na pinag-aralan namin. kabanata 1-10.

hindi nawala ang pagbili ng turon sa neptali na nagdulot sa akin ng pagkadaplis na sunog. mainit-init kasi yung turon na kinain ko.

nag-unit test sa physics tungkol sa radioactivity. hinanap na naman ni sir pajarillo si arvin sa akin. madali lang naman yung test. 5 item na 5 points each. sayang nga lang kasi namali ko yung huling dalawa. ang mas mahalaga ay marami akong natutunan sa physics namin. matapos pag-usapan ang mga sagot sa test, inalam ni sir mula sa amin kung ano ang masasabi namin sa nagdaang grading…hanggang sa humantong ang usapan sa paglalabas ng hinaning ng aking mga kaklase tungkol sa malaking pagkakaiba ng physics class namin last year kay sir pascual.

parang hangin lang na dumaan ang math sa buhay ko ngayong araw. inihatid namin ni mhadz ang ap notebook ko sa 5th floor kay sir balitao. hinanap namin si alex (IV-11). sinilip ko din si sharyl sa room niya pero hindi ko siya nakita. pagbalik sa room, ayun ang mga kaklase kong eager matuto sa math at ang iba na wala lang. nagkausap kami ni brian at napa-isip talaga kami kung bakit umabsent si arvin gayong mayroong tryout sa basketball.

matapos ang lunch, maayos naman ang english class namin lalo na’t dalawang tula ang pinag-usapan namin. ang una ay yung “anabelle lee”. ang galing ng delivery ni ma’am aniana! namangha ako! ang galing talaga niya magturo. hanggang sa nang mag-time na, bumanat si elexis ng “ma’am! i’m sorry to tell but it’s already time”. at siyempre, ang padepensang sagot ni ma’am ay “i know”. ibinalik ang english notebook na ipinasa kahapon. ayos lang naman dahil may “very incomplete” na nakalagay sa notebook ko.

walang journalism class dahil wala si ma’am shei. tumambay ako sa library. bigla ba namang nandun si kristine kasi journalism class nila kay sir dionisio. nagmadali akong lumabas ng library. e paglabas ko paakyat si ma’am rodriguez… e di napabalik ako sa library kasi lagi kaming nag-uusap nun. sabi nga niya anak niya daw ako. ehehe. alam ba naman niya ang tungkol kay kristine. e sabi ko wala naman yun. kaya nga ayun! lumabas na ako ng library.

bumalik ako sa classroom at nadatnan ang masisipag na mag-aaral sa enriched math. tinawag ako ni mhadz sa labas at nagulat na lang ako ng nakita ko si arvin. aba’y nabuhay! para talaga sa tryout. pero dahil sa bad mood ako kaya umalis na ako ng campus at hindi na nanood pa.

pumunta ako sa fpcp at doon tumambay. nakaupo lang ako habang nagsusulat ng math notebook hanggang sa makatulog ako. mga tatlumpung minuto din siguro akong ganun. paggising ko, nagkausap kami ni ate baby. hindi naman ako nagtagal dahil pumunta akong study net para mag-internet. nandun sina emong at charlon. pati na sina angge at mary joy na nag-download ng mga mp3. nagpatulong pa si ervin sa akin sa pag-type para sa portfolio niya sa values. bottomline: alas ocho na ako nakauwi.

alas nueve nang mag-ring ang telepono. si sharyl. nakina pia siya. nagkausap kami tungkol sa maraming bagay. gayun na rin si pia na best friend nitong si sharyl. marami talaga kaming napag-usapan. tawa pa nga sila ng tawa e. hanggang sa malaman namin sa isa’t isa na wala man lang kaming regalo para kay arvin para bukas.

nakapag-plano na nga pala kami. kailangan ko na lang mag-aral para sa exam bukas. hanggang dito na muna.

[poetry]

ready

i can’t stand the pain of being alone
like a stupor snail being drowned in a hole
i can’t look ahead on the things i adore
because dreams and illusion are the ones i abhor.

ACKNOWLEDGMENT: Richard, UK, Christie, Janelle, Aaronjames, Paula, Mara, Bleue.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: