Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

august 11 – birthday ni arvin

Posted by Paurong sa Biyernes, Agosto 11, 2006

[friday itinerary]

room ni sharyl (IV-17, sa 5th floor)
first periodic test in filipino
first periodic test in english
first periodic test in mathematics
internet (study net)
room ni sharyl (IV-17, sa 5th floor)
room ni pia (IV-10, sa 3rd floor)
labas ng phase II
kung saan-saang bench
room namin (IV-3, sa first floor)
tambay (fpcp)
internet (study net)
christian fellowship (fpcp)
internet (study net)

[diary]

dahil sa pagmamadali kong makapasok sa campus ay nakalimutan kong ipa-print ang short story ko na ipababasa ko dapat kina sharyl at pia. dumiretso ako sa fifth floor; hindi ko nakita si sharyl. hindi man lang ako dumaan sa room ni pia. bumaba na lang ako dahil time na.

nakaraos naman ako sa exam. filipino, english, math (buti may nasagot). akala ko absent talaga si arvin, yun pala late lang dumating.

pinalayas ako ng adviser namin sa classroom nang matapos na akong mag-test. hindi naman ako nakapanhik sa taas kasi baka nagte-test pa sila. lumabas muna ako ng campus at pumunta sa study net. sandali lang naman ako. nung malapit na akong matapos nagkakitaan kami ni pia pero nauna na akong bumalik sa campus.

pta meeting nga pala. pagpunta ko sa 5th floor nandun nga si sharyl. kasama niya si clara. nagkuwentuhan muna kami bago pa man dumating ang mama ni sharyl. maya-maya dumating si pia. sinimulan nila ang dapat nilang gawin sa room nila sharyl. nung isinara na ang room nila, lumipat kami sa room nila pia sa third floor.

annoying girl = clara. napag-usapan namin yan ni clara. may mga kaklase kasi akong galit sa kanya at binabansagan siyang “annoying girl”. bukod pa diyan, napagtuunan namin ng pansin ang inis niya kay arvin.

pagkababa namin, huminto kami sa labas ng phase II. tinignan ko kung nandun ba si arvin sa room ng IV-2 (ginamit kasi ng IV-3 para sa pta meeting, diba, kaya siya dun tumambay). hindi ko talaga muna siya kinausap kanina. bali, ang ginawa ko e pinakiusap ko si emong na sabihing may naghahanap kay arvin sa labas. ilang sandali lang, nasa labas na siya.

iniabot ni sharyl ang mga sulat namin. maging si clara ay gumawa din. nagulat si arvin. nagkatuwaan pa kami nina sharyl at pia kung sino ang una niyang mabubunot. pare-pareho kasi ang ginamit naming papel at envelope, pwera yung kay clara na gumamit ng nilamukos na papel (dahil nga sa inis siya kay arvin).

nagpaka-senti si arvin at nagnais na mapag-isa. hindi namin siya tinigilan. sinundan namin siya at nadatnan namin siyang nagbabasa sa ilalim ng malaking puno malapit sa sedp. para kaming nagtaguan. umikot kami sa sedp building at pagbalik namin ang wala na si arvin sa inupuan niya. tinignan namin sa main building at ayun nga siya.

tinanong namin kung ano ang masasabi niya. as usual, hindi na naman siya nagsalita ng maayos. ay! nagsalita nga pala siya… pero sabi nga ni sharyl, kami lang daw ang nagka-intindihan dahil mag-best friend kami. eto kasi yun: ang sabi ni arvin, ang una niya daw nabasa ay yung kay pia.. pagkatapos, yung dalawang natira, pinagpilian niya pa daw ng maigi… ang akin ang nabunot niya, at ikatlo ang kay sharyl. ang sinabi ni arvin ay yaong tungkol sa tinawag niyang “corners of my lips” na nasa kanyang blog. ang sabi pa niya–“kulang na lang sulat ko sa sarili ko”. iyan ang hindi naintindihan nina sharyl at pia.

naupo kami sa isang bench. hindi lang naman nagsalita itong si arvin. maging si sharyl. maging ako. na para bang kani-kanila lamang ay nagkukuwentuhan pa kami. walang kibo si arvin. panay ang tingin sa akin ni sharyl kasama ang pagtataka at pagtatanong sa kanyang mga mata kung bakit nagkakaganoon si arvin.

nagkausap kami ni arvin nang umalis panandali sina sharyl at pia. lagi daw umuulan tuwing birthday niya. nakakatuwa naman. tapos, may lumapit sa amin at sinabing hinahanap siya ni sir pajarillo. nang mga sandaling yaon ay pabalik na galing kung saan sina sharyl at pia. hinayaan muna namin sila.

pumunta kami ni arvin kay sir pajarillo na nasa pintuan ng room namin. pinagalitan siya, siyempre, dahil sa attitude niya tungkol sa hindi pagpapasok. ang kulit talaga! nakakayamot ang mga sinabi ni sir. kesyo kailangan daw ng “make-up lessons”… na overnight. alam niyo naman siguro ang ibig sabihin nun! nakisabay pa si sir balitao. ikinabit pa nila ang mga lesson sa subject nila. kesyo daw may “sunk cost” kaya hindi na maibabalik ang damage ni arvin dahil sa kanyang hindi pagpapasok at pagiging madalas na late… kesyo daw may “disintegration” tulad ng sa mga radioactive elements… tapos eto pa. sabi ni sir pajarillo, nag-e-emit daw ng TREMENDOUS AMOUNT OF ENERGY sa huling bahagi ng pag-decay ng isang substance, ba yon? basta. ang kulit talaga. medyo pabiro nilang sinabi pero nakakayamot pa rin. nakisawsaw pa yung isa pang baklang kaibigan nina sir pajarillo at sir balitao (para talagang powerpuff girls).

na-bad mood si arvin. para ba namang nagdrama. pagbalik namin sa bench kung saan nadatnan naming nandoon sina sharyl at pia kasama si clara na kasama naman si mark (ba’t siya nandon, diba?), nanahimik na naman si arvin.

maya-maya halos mataranta kami ng dumaan sina ma’am arsie at ma’am lising. hindi namin tiyak kung nakita ba kami o hindi. may problema kasi ang ganoon in connection with the folkloric dance troupe. basta!

lumipat pa naman kami sa may lilim na shade… doon kami tumambay ng matagal-tagal. nag-uusap sina sharyl at pia habang kuwentuhan naman kami ni arvin. marami ding nangyari. nariyan na ang pagdaan ni rovie… ni jordan… ni kristine (ilang ulit; pabalik-balik)… at kung ano-ano pa. tapos dumaan na naman sina ma’am arsie at ma’am lising. maya-maya pinatawag si sharyl… may sasabihin daw si rovie. hay naku naman.

nung umalis sina sharyl at pia, nabagot kami ni arvin kaya pumasok kami sa classroom hanggang sa nakatulog kami ng mga isang oras yata. ewan ko! magulo pa yung mga batang nandun sa pasilyo namin na pasok nang pasok sa room namin. etong si arvin ang angas sa mga bata. ehehehe. nakakatuwa.

paggising namin, tumambay muna kami ng mga 15 minutes sa corridor. maya-maya, pumunta kami sa presby. kinain ko ang lunch ni joan. wala lang.

tapos, naisip kong pumunta muna sa study net at saka na lang bumalik pag malapit na ang fellowship. paglabas ko ng church, nakita ko sina sharyl at pia–papunta sa loob. pumunta kami sa study net para mag-internet. 30 minutes lang. tapos, bumalik kami sa church. tapos, hinatid namin sa labas ang dalawa. hinintay naming makasakay bago tuluyang bumalik sa church.

masaya naman ang fellowship. ang dami naming kinanta. nasabayan ko naman halos lahat kasi alam ko yung iba. masaya din ang naging topic: seeking God’s Will. hindi kami nakauwi kaagad kasi umulan. nagkantahan muna kami ng mga christian songs bago tuluyang nakauwi nang mga 8:30.

kinailangan ko pang mag-internet kaya gabi na ako nakauwi. wala na…

inaantok na ako. wala na akong masulat. ang masasabi ko lang… hapi bertday, vin!

[poetry]

seagull

minsan
kapag tumitingin ako sa salamin
hindi ko man lamang maamin
sa aking sarili
at sa aking paligid
na wala na akong pakialam.

madalas
kapag tumitingala ako sa langit
naghahanap ako ng kalapati
na may taglay na kalayaan
sa malayang paglipad
paroon sa walang hanggan.

darating ang araw
mamumulat ako at magigising
sa isang katotohanang
hindi ko maatim–
sapagkat masaya na ako
na may kasama ka nang iba.

ACKNOWLEDGEMENT: Malaya, Aya, Christie, Aaron, Hannah, Donya Quixote, Idealpinkrose, Rowjie, Kamille, Kevin, Talksmart, Achoo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: