Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

august 14 – ang paghahari ng mga ganid

Posted by Paurong sa Lunes, Agosto 14, 2006

[monday itinerary]

school
study net

[diary]

hatinggabing-hatinggabi, kausap ko sa telepono (sa pamamagitan ng yahoo messenger) si arvin habang nagba-blog kami. napag-usapan namin ang KINAPANGHINAYANGAN ko daw sa naganap na pagsasama-sama kahapon ng FPCP, CLF at PEC. nag-soundtripping pa kami hanggang sa maka-isang oras. nauna siyang mag-out dahil inaantok na daw siya. naka-isang oras pa ako sa harap ng laptop bago ako nagpasyang matulog na. hindi ko kinaya ang antok ko.

alas sais na ako nagising. minadali ko ang paggawa sa book report ko sa filipino. mabuti na lang, pagpasok ko sa school nang bandang alas-otso, wala kaming ap class. sa filipino namin, tsinekan ang exam. 47/60 ako. yan ang hindi nagbasa ng el fili! magkakaroon pa daw kami ng unit test tungkol sa kabanata 1-10 ng nobela kaya kailangan kong magbasa. napansin kong wala pala si arvin… absent na naman. nagbigay ng chance ang filipino teacher namin sa mga kaunti lang ang bilang ng recitation.

bago mag-physics bumili ako ng turon… ang paborito kong turon na parang araw-araw ko nang binibili sa neptali. ang sarap kasing talaga at nakakaadik. tsinekan ang exam sa physics at 48/60 ang nakuha ko. sa labas kami nagklase; ewan ko ba kung bakit. ang nakakainis nito, nakita ko ang babaeng dapat nang kalimutan. tapos sa math naman, nag-unit test. wala akong nasagot na alam ko. 40 items pa naman iyon. inantok ako.

pagtayo ko sa upuan ko, may nakita akong lalaki na nakatayo malapit sa tindahan by the gym. hindi ko kaagad nakilala ang lalaki pero naisip ko na para siyang si arvin. si arvin nga! nagpaalam ako sa math teacher namin para makalabas at pinuntahan siya. hindi daw siya ginising kaya late siya. kumain kami ng lunch sa canteen sa sedp. bumili din ng chubby sa tindahan by the gym.

tsinekan ang mga papel sa english exam at nakakainis dahil 46/60 ang nakuha ko. disappointing. para bang ang bobo-bobo ko sa ingles. basta! nakakainis talaga! sa advanced chemistry naman, nag-lesson tungkol sa vapor pressure. dapat ko pa iyong pag-aralan. ewan ko lang kay arvin kasi hindi na naman siya nakinig. nakipagkuwentuhan lang kasi siya kanina kay mhadz. tapos, nag-periodic test kami sa computer education sa avr. nakakainis din kasi 48/60 lang ako. nakakainis talaga. e kasi yung mga tanong doon parang tanga lang. pagbalik sa classroom, nakatulog ako ng konti. nagising lang ako ng kalabit ni arvin na nagyayang umuwi. paglabas namin ng gusali, nakasalubong namin si sharyl at sinabing may practice daw ng folk dance. niyaya pa nga akong sumali kaya lang marami talaga akong gagawin. kaya nga ngayon, nagmamadali na akong tapusin ang post na ito.

[poetry]

second chance

sa bawat pagpintig at paghulas
…..ng mga bituin sa langit–
nadarama ko ang patudla-tudlang
…..hikbi ng himpapawid,
nalalagot ang naghuhumindig
…..na hininga ng kinang ng mga tala
at nauupos ang matitingkad
…..at nag-uumapaw na pagbabaga.

sa bawat pagpintig at paghulas
…..ng mga bituin sa langit–
nasisilayan ko ang dumadaloy
…..na kapusukan at pag-angkin
ng bawat nilalang
…..na handang sa abang tumalakay
ng mga bagay na nagbunga
…..sa pagsayang ng mga buhay.

[post script]

i am already planning to change the medium of my blog. i want to go back on using the english language. it’s just that, i am too depressed with my rants. moreover, i would be moderating my blogging for the next days or even weeks. come what may; i need to finish a lot of stuffs. i mean it. i am really busy.

ACKNOWLEDGMENT: Rina, Rina, Reich, Kamille, Junfestin, Pluto, Rowjie, Pam, Jhana, Pam, Phoebe, UK, Fiel, Kristina, Donya Quixote, Bleue.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: