Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

august 15 – katumbas ng isang araw na pagliban

Posted by Paurong sa Martes, Agosto 15, 2006

[poetry]

nasaan na si happiness?

doon. nakatago ang hinahanap mo.
hindi pala nakatago; nagtatago.
walang kamalay-malay.
walang kapakinabangan.
walang kabuhay-buhay.
walang anu’t anuman.

doon. nakapiit ang hinahanap mo.
ang mga paa’y may posas.
ang mga binti’y duguan.
ang katawa’y may bahid ng dusa.
walang awa.
walang habag.
walang anu’t anuman.

doon. nakapikit ang hinahanap mo.
hindi matingnan ang liwanag.
hindi makapa ang karimlan.
umaalingawngaw ang poot.
walang kinalaman ang araw.
walang pananda ang buwan.
nasusunog sa sarili niyang tala.

THANKS: Roanne, Kevin, Jehzlau, Rowjie, Rina, Melai, Kamille, Krisha, Idealpinkrose, Jhed, UK, Kaizen, Pam, Piolo, Cruise, Jhed, Kaizen, Kaizen, Neil, Jhana, Celena, Heneroso, Jzel, Dianne, Kironobu, Aethen, Phoebe, Joms, Bleue.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: