Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

august 16 – still looking for ms. happiness

Posted by Paurong sa Miyerkules, Agosto 16, 2006

[poetry]

pagbabalatkayo

pupunta ako sa gubat at doon magkukubli
habang hinahanap ang masisiglang sandali,
nakapulot ako ng pala sa aking pagmamadali
dahilan ng pagkapatid ay itinanong sa sarili.

ibinaon ko sa lupa ang napulot kong pala,
tumitig ako sa langit at marahang humukay
ng kung anuman ang nakabaon sa lupa
nang akin salati’y malamig na bangkay.

ayokong kumawala sa aking pinagtaguan
kung ako’y tatakbo’y wala nang kawala;
walang magagawa ang aking pagsigaw,
nilunod na ng takot ang aking katawan.

hinila ako ng malamig na bangkay
sa lupang dati’y kanyang tirahan,
pinasok ko ang mundong ginalawan
ng taong patay na nguni’t ayaw pang pumanaw.

[note]

I am so exhausted to the point that I am compelling myself to stay awake. I didn’t go to school yesterday just because of my hunt for Ms. Happiness (now, she has a gender… laughs out loud).

[poetry]

saranggola

kung sasayangin mo lang din naman ang aking mga liham
(mga papel na pinuno ko ng mga salita)
gamitin mo na lang sa paggawa ng sarili mong saranggola
(matuto ka sa sarili mong magpalipad)
nang sa gayon maabot man lamang ng bawat titik
ang pinapangarap niyang langit.

THANKS: Kamille, Dawnie, Dawnie, Devilicious, Chezter, Fiel, Tsina, Kamille, Lin, Romina, Sayote Queen, Kaizen, The Doctor, Karla, Shang, Alyanna, Phoebe, Celena, Bleue, Sorbetera, Jinjiruks, Doanne, Junfestin, Dawnie, Katrina, Pluto, Myx.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: