Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

august 24 – baligtad na kabute

Posted by Paurong sa Huwebes, Agosto 24, 2006

sa bawat pagpihit ng kamay ng orasan
sa bawat pagsikat, paglubog ng araw
hihintayin ko ang inaasam na sandali
na pakakawalan mo siya at sa aki’y iibig.

[repost]

sabihin niyo nang mababaw ako wag niyo lang sabihin na wala akong halaga.

nakatulog naman ako ng mahaba-haba pero hindi pa rin ako nakapasok ng maaga. paano ko ba nasabing mahaba-haba ang tulog ko? ganito kasi: kagabi naka-chat ko pa si rovie hanggang 10 pm, tapos nagising ako ng 1 am, at 4 am na ako natulog. sa kama ako natulog kaya napahaba talaga ang tulog ko.

nag-internet na lang muna ako habang pinapalipas ko ang oras ng first class ko. 8:15 ako nakarating sa school. yung isang manong guard tinignan pa ang bag ko. ano kaya yun? samantalang yung ibang estudyante hindi naman nila inuusisa ang pagpasok.
siyempre, sa pagpasok sa campus, nakasalubong ko na naman si mr. tianela, ang isa sa dalawang prefect of discipline ng school. katulad ng dati, naka-brown siya at nakikipagtalastasan na naman sa mga pasaway na rizalian. sa araw-araw na nakikita ko siya, para bang hindi na siya nawalan ng problema.
agad akong dumiretso sa silid-aralan. tama ang hinuha ko na nasa gym ang buong klase dahil sa intrams. maya-maya lang ay dumating na rin sila at naghanda na kami para sa susunod sa klase.

dahil nga sa panibagong markahan na, nagkaroon kami ng muling-pagpapangkat sa filipino. magkatabi kami ni arvin. medyo nayamot sa akin si madeleine dahil kahapon ay magkatabi kami. mabuti na lang at lumipat ng pwesto si fame kaya nagkaroon siya ng puwesto. para bang wala lang yung pagiging badtrip ko kahapon. sabi nga ni rovie ang gulo ko daw. pinag-usapan namin ang tungkol doon sa buhay ng isang prinsesa sa java, india.

hanggang sa mag-recess na. bumili na naman kami ng turon. tigalawa kami ni arvin. nung pumunta na kami sa physics lab, kinausap muna siya ng teacher namin bago kami pinapasok. lesson namin ang electroscope (yaon ang tumutukoy kung mayroon bang electric charge ang isang bagay o wala).

sa pagbalik sa silid-aralan, mag-isa lang ako. ewan ko ba.. kasi naman iniwan ako ni arvin; sumama siya kay madeleine. naaasar ako. para akong patay na bata. dahil doon ay nayamot ako buong araw.

natulog ako bago mag-math at habang nagma-math. hindi ko man lang inintindi ang aralin. nag-quiz at sa awa naman ng Diyos ay nagkaroon ako ng 4 out of 10 points. eto lang ang masasabi ko, sagot ko talaga ang nasa test paper ko. hindi ko man lang sinubukang magtanong sa iba. hahaha.

hindi ako kumain ng lunch. magkasamang kumain sina arvin at madeleine ng lunch sa canteen sa sedp. nakakainis. natulog lang ako.

wala nga pala kaming english class ngayon kaya fiesta ang buong IV-3. inasikaso ko ang book presentation namin (jane eyre) hanggang sa matapos ang oras ng english. inatupag ko pa rin ang lecheng book presentation na iyon hanggang sa oras ng journalism namin, kung saan wala ang aming butihing guro.

nagkaroon kami ng munting hidwaan ni angela dahil sa player na ginagamit ko. hinihiram niya kasi para sa ensayo ng kasali bukas sa dance sports competition. hindi ako pumayag kaya umusok siya. naunsyami ang binalak kong walk out na eksena; naalala kong may periodical test nga pala kami sa journalis kaya hindi na lang ako tumuloy sa paglayas.
ewan ko ba pero bigla na lang kaming naging maayos ulit ni angela. biglaan lang talaga. nagulat pa nga ang aming mga kamag-aral sa nangyari. nagtawanan ulit kami at nakitaan ng kasiglahan sa mga jokes na kanilang biniyak, kasabay ang pagkain namin ng banana-que at ang kaipalang pagpansin ko sa baon kong tanghalian.

hindi ko inasahan ang sumunod na pangyayari. humantong ang biruan namin ni myka sa pagkakaroon ng pag-uusap na may kaugnayan sa amin ni pamela. mahal nga daw talaga ako ni pamela. sinabi ko naman na wala talaga akong nararamdam sa kanya kahit itanong pa nila sa mga malalapit kong kaibigan. wala talaga akong gusto sa kanya. ewan ko ba kung bakit niya kailangang magmumukmok sa likod ng istante at mag-iiyak nang walang humpay. hindi ko siya mahal, okey?

nang biglang–ahem!–dumating sina arvin at sharyl. maya-maya bigla ba naman akong pinansin.
arvin: hindi ka naman pressured sa book pres niyan?
sharyl: kamusta ka naman?

bigla silang nawala habang nagsimula na kaming maglakad papuntang speech lab para sa aming ginabing journalism class. pagpasok namin, nandun ang debate class. at nandoon din si ila. bangag nga daw ako. oo, tama siya. exam namin ang tungkol sa headlining ek ek.

pagbalik ko sa classroom, nandoon pa rin ang ilang kasali sa dance sports at nadoon pa rin si arvin. nang pinaalis na kami nung head na guard, pumunta kami ni arvin sa gym. nakausap ko si kathleen ng IV-2 at nalaman kong pareho pala kami ng problema ngayong araw na ito. coldness sa kaibigan. pero naging madali naman pala ang pag-aayos sa lamig na tinukoy niya. sa pagtatapos ng aming pag-uusap ay tinawag ako ni arvin at lumabas kami. napangiti lang si kathleen, gayon din ako; siya kasi ang aming pinag-usapan.

pumunta kami ni arvin sa mini-stop. inutusan kasi siya ni ma’am lising na bumili. pagkatapos niyang bumili, nagpaalam na ako sa pag-uwi. naglakad ako ng pagkalayo-layo at ginalugad ang lahat ng 7-11 at mini-stop (pwera yung pinuntahan namin kanina) para makahanap ng internet card.

pag-uwi ko sa bahay, naghapunan ako ng yum burger sa jollibee. nang mapanood ko ang deal or no deal, natuwa ako sa laro kasi mataas ang nakuha ng player na nagngangalang happy (nice name!) sa kanyang pagsagot ng deal.

naalala ko nga pala. baligtad na kabute ang inihalintulad ko kay fame na siyang bida ko sa book presentation. hindi kasi siya katulad ng kabute na kung saan-saan sumusulpot. kumbaga, gumamit ako ng irony para ipahayag na kabaligtaran siya ng sa kabute.

THANKS: Dawnie (2), Dutzy, Kamille, Hurwe, Jheanne (2), Mish, Phoebe, Jase, Jhedster, Yna, Mikmik, Potpot, Cai, Alyanna, Christina, Cathleen, Reginne, Jinjiruks, Janine.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: