Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

august 25 – apat na watawat

Posted by Paurong sa Biyernes, Agosto 25, 2006

pagsikat ng araw

ang pagsikat ba ng araw ang nagdidikta sa umaga
at nagtatakda ng mga gawain ng bawat nilalang?
ang pagsikat ba ng araw ang dapat na taglayin
ng sinumang bihag ng dalita at pag-ibig?

bakit ba nakatago ang karimlan sa likod ng liwanag?
bakit nga ba nauudlot ang bawat salin ng alamat?
bakit ba dumudungaw ang panibagong mukha
ng isang panibagong araw sa ating harapan?

ang pagsikat ba ng araw ang maghahanda sa balana
sa nalalapit na pagtatapos ng langit at ng lupa?
ang pagsikat ba ng araw ang magpapawalang-uhaw
sa tigang na lupang inakala nating may buhay?

ang pagsikat ba ng araw ang siya nating hinihintay
at pinakikiusapang magpalaganap ng kulay
sa bawat umiinog na planeta at talang makikita
sa mapusok na anyo ng malawak na kalangitan?

ang pagsikat ba ng araw ang dapat na abangan?
bakit nga ba hindi natin masilayan ang liwanag?
ang pagsikat ba ng araw ang nilimot na alaala
na dapat nang talikdan at kalimutan?

[repost]

it was seven o’clock in the morning when i woke up from a strange dream i can no longer recall. i forgot something–my first class is AP (well, to those who are still asking me what AP means, AP means Araling Panlipunan or Social Studies). i then opted not to attend my first three subjects since this day is set for the intramurals.

arvin, maxwell and i had our lunch at the SEDP building. as we were about to finish, a hazardous wind approached. kristine and her syndicate was also there to eat. it’s good we’re off early.

on the lighter side, ginanap ngayong araw ang intramurals sa school. masaya naman. tapos nag-fellowship. kasama namin sina joanne, rovie, at julienne.

THANKS: Jenny, Rowjie (33), Idealpinkrose, Jonell (28), Dawnie, Jigs, Zord (11), Banana, Chezter, Kaizen, Alyanna, CK, Jenny, Yna, Meg, Potpot, Kevin, Cai, Jheanne, Jam.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: