Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

august 27 – tee, ey, ee

Posted by Paurong sa Linggo, Agosto 27, 2006

saan ba talaga nagsimula ang salitang shit. teka nga. baka kapag hindi ko nalaman e hindi ako makatulog. kailangan ko nang alamin. ngayon na! e di ba expression na yun ng mga tao?

ewan ko ba kung bakit naging expression ng best friend ko ang “tae”. kapag may nakalimutan “tae”, kapag may maling nagawa “tae”, kapag naiinis “tae”, kapag wala lang “tae” pa rin. walang araw na hindi niyo maririnig sa akin ang pagsabi ng “tae”. nahawa kasi ako sa best friend ko.

kaya nga kapag nakakakita ako ng tae sa kalsada, ang nasasabi ko na lang ay “tae”. minsan naman kapag lunchbreak, habang kumakain ang mga kaklase ko, nasasabi ko na lang ang “tae” at wala silang magawa kundi magtakip ng tainga.

e bakit nga ba kapag may nagsabi ng “shit”, akala ng mga tao mura kaagad iyon. e diba nga ang ibig sabihin ng shit ay tae? offensive lang naman talaga ang word na ito.

marami kasing ibig sabihin ang salitang shit:
– tae (feces)
– proseso ng pagtae (defecation)
– walang kwenta (crap)
– droga (narcotic drug)
– damn
– langhiya (worthless person)

totoo ang mga kahulugang iyan, sa maniwala kayo at sa hindi. at yung tanong ko kanina? saan nga ba nagmula ang salitang shit? well, dati kasi ang word na iyan ay “scite” na ang ibig sabihin ay pagtae. kaya ngayon malinaw na ang lahat! tae talaga ang shit!

nawa’y may natutunan kayo ngayon araw. sa susunod ulit, mga tae!

THANKS: Carlota, Chris Eriz, Ana Isabel (III-1), Yna, Dawnie, Sorbetera, Jheanne, Janelle, Yuffie (3), Tricia, Kim, Aras, Jam, Bleue, Reginne, Patty, Jenny, Rachelle, Cars, Mish, Tsina, Sayote Queen, Cai, Camille, Memesh, Jinjiruks, Dawnie, Naomi, Alex, Rowjie, Nelson, Bea, Alyanna, Dianne, Kaizen.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: