Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

august 31 – wake tomorrow now

Posted by Paurong sa Huwebes, Agosto 31, 2006

ilang beses nang nangyari sa akin ito. at ilang beses pa sigurong mangyayari.

nagmukha na naman akong patay na bata dahil absent na naman si arvin. hindi ko na alam kung bakit ba siya patuloy na nag-aasal rebelde. nakakainis na talaga. kahit anong saway ko sa kanya at pagpapaalaala sa mga dapat niyang isakilos pagdating sa pag-aaral ay parang wala ring nagiging epekto. naisip ko tuloy na mabuti na lang at hindi ako pala-absent ngayong fourth year dahil malala pala ang kahihinatnan ng ganoong asal. sa ngayon, marami na siyang patong-patong na atraso sa school. isa-isa nang ipinatatawag ng mga teacher ang magulang niya. kung hindi siya absent, half day ang drama niya.

pero sa kabila ng lahat, huwag niyo sana siyang husgahan kaagad, lalo na’t hindi niyo pa siya lubusang kilala. kung iisipin niyo para siyang nagtatamad-tamaran lang pero ang totoo may malaki siyang problema sa kanyang pamilya. hindi ko nga akalain na ganoon pala kabigat ang pinapasan ng puso niya. hindi kasi siya mahilig magkuwento ng mga bagay na masyadong personal at yung mga bagay na alam niyang patuloy na makasusugat sa kanyang damdamin.

marami na ang nakapanXINE na masaya ako–hindi katulad ng dati na puros kadalamhatian at pagpupuyos ng damdamin ang idinadaing ko–kaya ipaliliwanag ko na sa inyo ang mga nangyari.

maaga akong gumawa ng birthday card para kay rovie. economics ang first class. nagtitino na nga pala ako sa economics. line of seven kasi kami pareho ni arvin, ang magigiting na valedictorian. ang pagkukulang ko lang naman kasi sa economics ay ang attendance. mahigpit kasi ang teacher namin na si sir balitao. ilang segundo ka lang na hindi nakaabot sa roll-call niya, absent ka na sa kanya. kaya nga maayos na ako ngayon sa economics. nang tinignan ko si arvin sa upuan niya, napanXINE ko na mayroon siyang iginuguhit. akala ko noong una, birthday card niya para kay rovie, yun pala assignment yun ni sharyl.

sumunod ang research class kung saan nagawa kong sumagot sa pisara kahit na hindi ko alam kung ano ba ang ibig sabihin ng salitang “variance”. noong martes ay nalaman ko na ang marka ko sa research ay umabot pa sa 81. si arvin naman, dahil sa hindi siya nakapag-periodic test ay 60 ang nakuhang marka. gayunpaman, pinayagan naman siyang kumuha ng test. iniabot ko sa kanya ang test paper ko kung saan nakakuha ako ng 70 / 100 na score. habang nagtetest siya sa labas, nagkaroon ng pagtitipon ang aming klase–ang IV-3 Chronicles. mayroon kasing hidwaan o alitaan sa pagitan ng dating III-2 Browning at III-3 Cervantes. kung matatandaan, isa ang inyong lingkod sa mangilan-ngilang browning na napatalsik sa section 3 ngayong taon. nagkaroon pa ng iyakan dahil para daw plastic ang bawat isa.

hindi kami nakapag-recess ni arvin. pumunta kami sa fifth floor para tapusin at ibigay kay sharyl ang pinagawa niya kay arvin. mabuti na lang at nakaabot kami sa physics class namin. tapos, nag-CAT class kami sa likod ng gym. itinuro ko kay arvin ang ilang dapat niyang malaman para hindi siya mangapa. kapanXINE-panXINE ang pagkayamot niya sa sira niyang sapatos. napakainit talaga!

agad kaming nag-lunch sa canteen. saka niya lang naalala na birthday ni rovie! nagmadali siyang maghanap ng stationery sa IV-2 Amos. nag-trip pa kami na mag-iingles ng kung anu-ano. mabuti na lang walang english class kasi merong program sa gym.

Buwan ng Wika.

nice one. lagi na lang nakakainis ang administration ng gym. lagi na lang mainit. paano ba naman, mayroong aircon pero ayaw gamitin. ano ang gusto nilang mangyari? huwag makahinga ang mga estudyante? tapos, nakipag-usap pa ako kina peco at febe (third year) na nasa bleacher sa pamamagitan ng sign language. absent daw si kristine. e ano naman?

maya-maya, pumunta kami kay sharyl sa fifth floor. nung bumaba na kami, nakita na namin si rovie! nakasalamin din siyang tulad ko! wah! ewan ko ba dun! suot niya rin yung belt na ipinakita niya sa akin kahapon… yun yung may gumagalaw na mga letters. hindi ko alam yung tawag dun e. siyempre, binati namin siya. hanggang sa pumunta na silang dalawa ni sharyl sa gym kasi may practice pa sila ng pep squad.

bumili kami sa labas ni arvin ng juice. tapos bumili kami ng bacon sandwich. tapos softdrinks. tapos bumalik na kami sa classroom. tinopak na naman kami sa pag-iingles. ikinuwento niya ang problema niya sa bahay. marami akong nalaman na hindi ko man lang alam. bumili din kami ng bananaque nung nandoon na ang nanay ni rinnah para magbenta. nakakatuwa kasi naibulalas ko din sa kanya ang buhay ko. wah! tapos bumili kami ng ice cream sa mini-stop. (ang takaw talaga!) nagpatuloy ako sa pagkukuwento hanggang sa classroom. mabuti hindi ako umiyak. hanggang sa nakatulog na lang kami at nagising sa ingay ng security guard na nagpalayas sa amin sa classroom. tumambay kami sa bench at natulog na naman siya. nang palayasin na talaga kami, wala na kaming nagawa. nagyaya siyang mag-internet pero hindi na lang kasi baka hindi namin maabutan sina rovie at sharyl.

humantong kami sa paghihintay sa labas ng gate. nainis ako ng sabihin niya ang totoo kung bakit hindi na niya dala ang notebook na ibinigay ko sa kanya (yung journal namin). pinunit daw ng nanay niya. wah! ikinagulat ko talaga. akala ko kasi binaliwala niya na lang bigla ang notebook na iyon. vin y jonell yun eh! naghintay kami ng naghintay.

sinilip ko ang liwanag ng buwan sa mga pagitan ng mga dahon ng nagtutumayog na puno sa tabi ng tarangkahan ng paaralan. naramdaman ko ang haplos ng hanging yumanig sa mahimbig na pagkakalapat ng bawat isang tangkay sa bawat sanga.

nang lumabas na sina rovie at sharyl, bumili kami ng pagkain sa mini-stop. isinuot ko nga pala ang salamin ni rovie. para kaming kambal. hindi ko alam yung tawag dun sa kinain namin, eh. tapos bumili siya ng inumin. pareho kaming ice tea ang ininom samantalang nag-gatas sina arvin (dalawang yakult) at sharyl (fresh milk). ang kulit no? tapos, nagyaya na si arvin sa paggawa ng blog ni rovie.

naglakad kami papuntang sakayan ng tricycle sa tabi ng church. pumunta kaming pag-asa at doon nag-computer. nakita ko nang paulit-ulit si sarah (III-1) at nakita ko din ang kaibigan ko noong elementary na si frank (na tinawag ko pang franz.. nakakahiya naman). nakasalubong namin ang girlfriend ni rovie. inihantid niya muna ito bago kami tuluyang pumasok ng internet shop. tawa lang naman nang tawa sina rovie at sharyl. ang baho pa! amoy “paa ng elepante”. nayamot si rovie dahil sa amoy na iyon. bakit daw nung araw pang iyon. naka-dalawang oras yata kami. paglabas namin ng internet shop, lubha kaming nalugod dahil sa kaginhawaan. bumili ng tinapay si rovie. inalok niya kami pero ako lang ang umoo. kung ano ang binili niya ay ganoon din ang sa akin. tapos, inihatid namin si sharyl sa kanila, pero hanggang gate lang. hinatid din namin ni arvin si rovie sa pag-asa kung saan mga limang minuto pa kaming nangagsitayo doon na para bang ayaw magpaalam sa isa’t isa. nakakatuwa talaga. nang naghiwalay na kami ng landas, naghintay na kami ni arvin ng jeep na masasakyan. sabi niya papasok din daw siya ng maaga pero ano ang nangyari? absent siya ngayong araw.

kanina namang umaga, hindi ako pumasok sa CAT class ko dahil wala pa akong output sa Filipino class ko at hindi ko pa rin nababasa ang kuwento ni Morito at Kesa. tumatak na naman sa kanila ang recitation ko sa Filipino dahil sa lintik na “asong ketongin”. mag-isa lang talaga ako buong araw. sabog na sabog ang pag-uutak ko. para talagang patay na bata. nakakainis. bumili ako ng dalawang turon tapos nag-physics. nagkausap kami ni abigail at napag-usapan namin ang pagka-bother namin sa nalalapit na Second Coming ni Jesus. wala nga kaming naitulong sa group activity na pagbuo ng simple eletric circuit, eh! nakakahiya naman. sa math, 80 lang ang grade ko. nakakainis. tapos, mag-isa pa akong nag-lunch. walang kwenta. sa english, tinatamad ako. lalo naman sa journalism class namin sa speech lab kung saan natulog lang ako matapos mag-check ng test paper na inamag na.

dumaan ako sa church bago pumunta sa computer shop. nagbakasakali akong nandun si arvin pero wala. hindi kami nakapag-usap ng maayos ni ate baby hindi kagaya kahapon na masinsinan talaga. sana naman magtino na ang best friend ko. sana lang talaga.

SPECIAL THANKS: Cai.
THANKS: Pam, Tsina, Boy Bawang, Rachelle, Ila (2), Chris Eriz, Jinjiruks, Rowjie, Aras, Tommy, Jennie, Kolletzki (2), Kamille, Camille, Cars, Hurwe, Richard, Kevin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: