Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

away

Posted by Paurong sa Biyernes, Oktubre 27, 2006

Halos hindi ako makahinga habang nasa bingit ng panganib na aking susuungin. Alam kong sa sandaling lumapit ako sa kay Kevin ay mag-aala-toro siya sa bagsik at sindak.

Pero wala nang ibang pagkakataon; lulubusin ko na ngayong mag-isa lang siya.

Kailangang ako na ang gumawa ng hakbang. Lumapit ako sa kinauupuan niya malapit sa bintana ng aming silid-aralan. Dahan-dahan lang. Pigil ang hininga, tumigil ako sa harapan niya. Siya ay nakatungo at nang mapansin ang dalawa kong paa ay unti-unti akong siniklaban ng nakakatakot na paningin. Hindi ko malaman ang kahulugan ng titig na iyon. Hindi na ako nagtagal pa.

“Ano ba’ng problema mo?” Hindi ko inalis ang tingin ko sa lumiliyab niyang mga mata.

Para bang tumaas ang dugo niya hanggang bumbunan.

“Hindi ka ba magsasalita?” tanong ko pagkalipas ng isang minutong hindi niya pag-imik; nakatingin lang siya sa akin.

“Ano’ng problema ko? Ikaw, ano’ng problema mo?”

“Ikaw! Ikaw ang problema ko. Dalawang linggo na tayong hindi nagpapansinan. Ano bang problema? Ano ba’ng nagawa kong mali?”

Umangas ang kanyang mukha. Gumusot ang kanyang mga pisngi.

“Alam mo,” sabi ko. “Wala naman akong ginagawang masama sa’yo, eh. Ikaw lang talaga itong matigas. Ako na nga ‘yung humihingi ng tawad, ako na nga ‘yung naghahangad na magkabati na tayo, ikaw pa itong nagmamatigas.”

Pumanhik na ang galit ko sa aking ulo. Nagbadya ang luha sa gilid ng aking mga mata.

“Ano ba ang problema?” pagpapatuloy ko. “Sabihin mo naman. Nahihirapan na kasi ako. Bigla ka na lang naging ganyan! Ano ba kasi ang proble–“

Bigla-bigla’y tumayo siya sa kanyang silya at mas ginusot pa ang buong pagmumukha.

“Problema? Problema? Ikaw ang problema ko!” sumbat ni Kevin. “Sakal na sakal na ‘ko sa’yo, alam mo ba ‘yun o nagpapakatanga ka lang talaga?”

“Ako? Sinasakal kita? Wala akong masamang hinangad sa pagkakaibigan natin. Ikaw lang talaga ‘yung… Ikaw lang ‘yung may diperensya, eh! Hindi ka marunong magpahalaga sa mga pinagsamahan natin. Ano? Sasabihin mo hindi? Aba, tama ba namang ganyan ang iasal mo, na parang hindi mo na ako kilala. Ano! Palibhasa lumalaki na ang ulo mo kaya hindi mo na napapansin ang mga taong nasa paligid mo!”

Binasag pang higit ang katahimikan ng aming silid-aralan ng mga suntok na lumipad sa hangin. Inambangan niya ako kaya’t hindi ko piniling lumaban. Ako ang nadehado–ako’ng hindi marunong lumaban, ako’ng ayaw lumaban. Humambalos ako sa tabi ng dingding kasama ng isang silyang ihinampas niya sa akin. Walang naglakas-loob na umawat sa amin ng umagang iyon.

Ang natatandaan ko na lang ay dinala ako sa klinika upang magamot samantalang dinala si Kevin sa Main Guidance Office.

22 Tugon to “away”

  1. the wonderer said

    slamat sa pagdaan sa blog ko…. kakaiba ang kwento mo…un lang.🙂

  2. Thian said

    sure u can link me!

  3. sasha said

    Grabe ito, sefree! Ang galing mo sumulat! Fiction ba ito o totoo? You can be a writer, girl! Galing!

    I have a blog where I post fiction that I write…🙂

  4. sasha said

    The way you stitch your words together… nakakatuwa! Are you sure you’re only 15yrs old?🙂

  5. Camille said

    is this true to life? nakakalungkot na nakakatakot to ah. haha.

    gusto ko ng mabasa ang part 2!

  6. boy bawang said

    ui. salamat sa malanobela mong comment sa akin. hindi ko ito inaasahan talaga. malamang ay napapansin mo na medyo matamlay na ang blog ko dahil hindi na ako masyadong nagpopost. hayaan mo at medyo sisipagan na ako magpost. salamat sa iyo.

  7. jeniffer said

    weew! ibang klaseng away toh.. buti di kayo nagsabunutan.. :p

    visit me at: http://www.walongbote.co.nr

  8. tina said

    yay! is this true?

    i cant wait for the second part!🙂

  9. rina said

    hala, war na ito~ hahaha!:D

  10. talksmart said

    hello…this blog is nominated for Filipino blog of the week. Visit site and vote🙂

  11. sasha said

    i voted for you, sefree! galing! keep it up ha!🙂

    lagi kang balik sa blog ko ha🙂

    makihula ka rin! happy Sunday!

  12. Captain Lea from Mars said

    Hindi ko po medyo naintindihan yung tag niyo sa blog ko:

    sefree: nakakawindang mag-comment sa iyo. soya lang naman. God bless.

    Is it just me, or medyo, hindi maganda yung ibig sabihin ng tag niyo?

    🙂 I’m just clearing things out.
    http://www.xanga.com/leyuh_017

  13. Doubting Thomas said

    hey hey! thanks for the link!😛 i’ll link you up too!😛

  14. CeEjAy said

    galing mo sefree ha.. nominated.. hehe.. bisita ka lang lagi sa blog ko.. at promise.. makakaasa ka sakin

  15. abidubi said

    woooo.. haaaneeep!!!

  16. Captain Lea from Mars said

    Ahh. HAHA. =D Hindi po kasi ako blogspot kaya ganun. Commenting is exclusive for xanga members pero ginawan ko ng paraan.

  17. _anna said

    Hi Sefree!!!

    Salamat sa iyong komento!

    Nga pala,,, totoo ba yung isinulat mo? true-to-life ba iyon? Kung oo, aba’y buti buhay ka! Kung hindi,, aba,, ang galing mo!!!

    Magaling kang magsulat. ;p

    Yung sa post ko,,, oo, totoo lahat un. Ayaw ko lang aminin sa sarili ko mismo na totoo un. Gets mo ba? Mahirap eh. Masakit.

    Oo, nagkaron na ako nung besfriend na iniwanan ako. Masakit nga. Akala ko noon, gusto lang niyang makahanap ng bagong kaibigan.. Un pala, iiwanan na niya ako. Ngayon, hindi na kami nagkikita.. Pero kung magkita man kami, siguro, hindi ko na siya makikilala. Naiba na kasi ang ugali niya. Sa una, mahirap tanggapin.. Pero.. ganun ang buhay..

    Kahit masakit.

    Love. Oo, naloko na rin ata ako ng damdamin ko. Ng puso ko. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin.. O sundin. Ang utak ba o yang hinayupak na pusong iyan. (common ung tanong di ba) pero mahirap sagutin)

    Haay.

    Sana nga makilala pa kita. ;p

    Salamat sa pagdaan mo..

    Totoo lahat ng nabasa mo. Ayoko lang aminin sa sarili ko.

    Ingat ka!

    -Anna

  18. Queen Paranoia said

    woi. sandali lang ha. hindi q alam kung makakalimutin na talaga q or what pero..

    sino ka ba ulit? ( – -,)

    sorry kung nalimutan q.

    or baka naman talagang hindi pa tayo nagkakakilala?

    eh pero kasi, ba’t nakalagay dun sa link saken is, “my number one fan”

    eh lam q kasi, title q yun ke idol jonell eh.

    ????
    im friggin’ confused meyn. hit me up asap ah! :]

  19. Tsina said

    thanks for visiting, I don’t really know that song yung sa blog ko. Hehe! thanks again🙂

  20. pArUPaRoNgNiNgNinG said

    lam moh,, may kilala akong magkaaway… halos ganyan ang kuwento nilang dalawa…

  21. Tsina said

    ohhh… kasi di ko naman ginawa yung layout😛 nakiheram ako :)) Salamat na rin!

  22. dEe said

    maganda.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: