Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Mga Guni-guni.

Posted by Paurong sa Martes, Pebrero 6, 2007

Dalawang taon na rin ang lumipas. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kay Bryan. Umasa akong babalik siya, ngunit sa bawat araw na lumipas ay walang Bryang lumitaw. Sa aking mga panaginip ay unti-unti siyang naglaho kasabay ng mga alaalang ayaw ko nang balik-balikan.Umiyak na naman ako kagabi. Pinagalitan na naman ako ng aking nanay dahil sa gabi kong pag-uwi. Ipinaliwanag ko naman sa kanya ng maayos ang nangyaring emergency sa proyekto namin sa English ngunit hindi niya ako binigyan ng kaunti man lamang na pansin. Umiyak ako sapagkat alam ko sa sarili kong mas mahal niya si Ate Glaiza.

Sa pag-iyak kong iyon ay naalala ko si Bryan—ang Bryang datirati kong kasama. Oo, madalas kong sabihin sa sarili kong dapat na akong lumimot, ngunit ang sandaling ito, ang mismong sandaling ito ang nagbunsod sa aking ipaubaya ang aking kalungkutan sa nakaraang hindi ko na mababalikan.

Kanina, pagkatapos ng huli kong klase sa paaralan, kinausap ako ng matalik kong kaibigang si Mae. Noong una’y tumanggi akong magkaroon ng oras sa kanya nang mga sandaling iyon dahil sa kabigatan ng aking damdamin. Ngunit sinabi niyang “Kung hindi natin pag-uusapan, mas lalong bibigat lang ang nararamdaman mo!”

“Bakit ba kasi, Mae?”

“Ano ka ba? Gusto ko lang maging maayos ka na. Alam kong nagkaproblema ka na naman sa bahay. Yung kilos mo, yung pananalita mo, ibang-iba sa ordinaryong ikaw.” Huminto siya sa pagsasalita habang ako ay nakayuko lamang. “Ano ba ang problema, Jen?”

Ipinagtapat ko ang hindi ko kaninuman sinabi. Maging sa kanya na itinuturing kong best friend ay nagawa kong itago ang sikretong iyon. Inamin ko sa kanya ang tungkol sa pag-ibig ko kay Bryan at ang pag-ibig nito sa akin.

“Magpinsan kayo!”

Ugali ni Mae ang huwag akong tigilan bago ako matauhan. Natakot akong huwag sabihin sa kanya ang tungkol sa bagay na ito dati dahil sa ugali niya. “‘Wag mo nang dagdagan. Masakit na!”

“Love ba tawag mo diyan, Jen? Kelan ka ba gigising sa katotohanan. You think it’s called love? I don’t think so. Siguro… siguro nagustuhan mo lang siya dahil wala kang kuya, o kaya baka naman dahil hindi mo alam ang tungkol sa tatay mo. Hindi mo ba yun naiisip, hindi mo ba naiisip—”

“Tama na!” Napatigil siya sa pagsumbat sa akin kasabay ng pagdaplis ng galit sa aking mukha. “Hayaan mo na lang ako. Iwanan mo ako!”

Sa loob ng tatlong segundo ay hindi siya kumilos. Nakatingin siya sa akin. Awa. Dali-dali akong tumayo sa aking kinatatayuan at umalis na ng eskuwelahan.

Pagdating ko sa bahay, isang hindi inaasahang tao ang natagpuan ko sa sala.

8 Tugon to “Mga Guni-guni.”

  1. arnel said

    suspense jonell, suspense. bukas ba agad ang next part?

  2. marj_sam said

    ba yan bitin… oyan ha , binasa ko yan..
    teka, bat ka nawala kninang adchem??
    lagot ka kay izma nyan!! hehe..
    ge…
    http://samconcepcion.net
    super inggo…. super ending na…
    nood ka!!!

  3. marj_sam said

    asan pla ung sinasabi mong cute dito ha?
    hehehe… jap japp ba yun o jaypee o jayjay??? ay ewan..ge..:)

  4. joe said

    interesting. only proves that love can defy everything. hehe, i loved the way you portrayed the sincerity of the girl in the way she feels; and how true her friend was for wanting to make her realize the stupid mistake of falling in love with her cousin. in my opinion, at least.

    pero ako, i’ve had enough of it. tinapos ko na ang scar. tama lang naubos na inspiraciones eh, hehe. heto, naghahanap ng idea kung anong susunod na isusulat.

  5. chino said

    “hello bryan” ba ang susunod na effect na nakikinita ko?..harhar

  6. ala.. kala ko tapos na ung part two.

  7. dianne said

    wa.

    wala na yata akong ibang masasabi kundi ‘wa.’

    hay ewan.

  8. Rainne said

    awwww…. nabitin ako dito…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: