Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Buhay trumpo.

Posted by Paurong sa Linggo, Pebrero 18, 2007

ikasiyam ng setyembre, nakaraang taon.
laman ako ng isang dambuhalang globo.
ako ay natataranta sa pag-ikot nito.

wala akong magawa kundi panoorin
ang mga bumabagsak na bulalakaw mula sa langit.
wala akong magawa kundi pakinggan
ang mga nagsisipagtangis na kulog at kidlat
na gumuguhit sa maamong anyo ng dagat.

bakit ba mahirap pakinggang ang bulong ng araw
na pumapaso sa bawat ugat ng aking nadarama?
at bakit ba mahirap unawain ang katayuan
ng mga talang nakadipa sa kalawakan?

sa mundong ito, tayo’y pare-parehong nagbabago.
nahahapo. napapata. napapagod.
gutay-gutay tayong hihinga at mananaghoy.
punit-punit tayong titindig at unti-unting lalayo.

12 Tugon to “Buhay trumpo.”

  1. bespren mo said

    then what are you living for?.. no matter how hard you try to escape it..reality will always catch up with you….

  2. BESPREN KO.
    pwede ba? umayos ka nga. phrase lang yan galing sa isang song ng cranberries.

  3. ganun talaga.
    kung maraming bumabato kung hitik sa bunga ang puno.
    teka.
    kahit kailan hindi kita binatikos.
    hindi ko pinakelaman ang
    kung ano man ang meron sa buhay mo.
    kung magpapatuloy ka man o hindi
    desisyon mo na yun.
    wala akong karapatan na pahintuin
    ang kahit sino sa kaligayahan nila.
    🙂

    hindi naman mahalaga kung ilang beses ka nadapa.
    ang importante ay tumayo ka at natuto sa kamalian.

  4. ychel said

    hey yah! tnx for the drop. but wat u mean? “nakakagulat!”…

    nice poem🙂 and ur posts are really nice..keep it up!🙂

    have a good sunday!

  5. YCHEL.
    nakakagulat kasi bomba.. dapat nga nakamamatay sasabihin ko e.
    salamat sa araw-araw na pagbisita! God bless you.

  6. pio said

    BRAVO! isa nanamang MASTERPIECE. BRAVO!!!

  7. KIM.
    salamat salamat.

  8. bati na raw kayo ni dianne! sabi nia. nag-away na naman kayo. di mo ba alam na umiiyak si dianne dahil lang nag-away kayo

    sino bespren mo?

    bakit ba mahirap pakinggang ang bulong ng araw
    na pumapaso sa bawat ugat ng aking nadarama?
    at bakit ba mahirap unawain ang katayuan
    ng mga talang nakadipa sa kalawakan?

    nosebleed ulit.

  9. CEEJAY.
    nako. ano ba nangyayari kay dianne ha?
    kuwento naman jan!

  10. Bulong Sa Hangin said

    Konting diin pa!

    hindi ko sya nadama.

  11. (0_o) (o_0)
    -|- -|-
    /\ /\

  12. XIENAH.
    ngayon lang lumitaw ang comment mo.
    nice.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: