Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

My dear best friend.

Posted by Paurong sa Lunes, Pebrero 19, 2007

Dear Donna,

alam mo, hindi ko naman kasalanang maging mabuting kaibigan sa iyo. wala naman akong ibang hinangad kundi ang maging isang tunay na kaibigan sa iyo pero kung gusto mo na talagang tuldukan at kalimutan ang lahat ng ating pinagsamahan… hay, mahirap para sa akin. gusto kong umiyak nang umiyak…

matagal na akong nag-iisa. matagal na. pero nang dumating ka sa buhay ko, napasaya mo ako. pinuno mo ang puwang sa puso ko. iba ka sa lahat ng taong nakilala ko kaya ako ganyan sa iyo. iba lang talaga ako magpahalaga sa isang magandang pagkakaibigan. oo, sandali lang tayo naging magkakilala, at sa sandaling iyon masasabi kong naging malapit talaga tayo sa isa’t isa. kahit ako hindi ako makapaniwala. para bang ang bilis!

natatandaan mo ba noong una kang umabsent sa school? para akong patay na bata. paano pa kaya ngayon na ayaw mo na akong kausapin, ayaw mo na akong kasama sa lahat ng bagay.

ano na ngayon? mag-isa na ako. gusto mo na akong iwan. iniwan mo na ako. kung magiging masaya ka na wala na ako sa buhay mo, hindi ko lang alam kung ano na ang mangyayari sa akin.

wala akong ginawang masama sa iyo. wala. ni minsan sa loob ng maiksing panahon na naging magkaibigan tayo hindi ko inasam na sirain ka, gawing miserable ang buhay mo, o hayaan kang mahulog sa bangin ng buhay. ni minsan wala akong ibang ginusto kundi ang maging kaibigan sa iyo tulad ng pagiging kaibigan mo sa akin.

maraming salamat sa siyam na linggong pinagsamahan natin. masakit. mahirap. masaklap.

Ang best friend mo,
Mariel

28 Tugon to “My dear best friend.”

  1. TEA said

    Okay. I’m gonna have to breathe.

    First stuff, I thought it was real. Who the heck is Donna? And then, God, it’s Mariel. So, no.

  2. marj_sam said

    ano na nmang twist yan ha???
    buti nman inayos mo to…hehe
    paano ka nging paurong e gusot ka lang knina ha?
    hehe…wla lang…uy binasa ko to ha…
    :):):)
    go sam!!!
    http://samconcepcion.net

  3. nixinne said

    i remember my grade school days, grabe kababaw ko nun! i do write stupid letters to my friends especially kung magkaaway kami! di na kami bati! pero laro ulit the next day!

  4. chino said

    changed my URL jones..

    paki-dalaw nalang..hehehehe

  5. sowee. kasi na dc ako! basta bati na raw kayo. nasa baguio un ngaun.

    parang nasense ko na gumawa ka lang ng female version ninyo ni vin. diba siyam na linggo kayong naging magkaibigan? saka parang familiar na ung situation nila sau. ung absent thingy.

  6. marj_sam said

    ah so ganun para kay arvin pla yan ha…

  7. TEA.
    you don’t know who donna is and who marielle is?
    o, come on!

  8. MARJ.
    binasa mo to? naks naman! salamat!

  9. NIXINNE.
    this really is a stupid letter, from a stupid person, for a stupid person.

  10. CHINO.
    ako pa!

  11. CEEJAY.
    hindi ko maintindihan yang si dianne ha!
    at sino namang nagsabi sa’yong si arvin yan.
    grrr..

  12. MARJ.
    ginatungan mo pa si ceejay… argh..

  13. xine said

    ..donna ang marielle…

    wow naman…babae na pala ngayon si poor boy….pati pala ikaw…

    ibig mong sabihin kayong dalawa rin ung nasa kwento mong “ang diary ni marielle”?

    uhmm…oo nga siguro..

    astig ka talaga..

  14. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    i wrote “ang diary ni mariel” noong march 1, 2006… which means, third year pa ako noon, at may connection pa kayo ni “poor boy” (ano yun??)
    that time, hindi kami close. konti lang. pero hindi kami ganun kaclose na masyadong malayo sa character nina donna at marielle. hindi ako mahilig na maglagay ng totoong tao sa character na binubuo ko, pero siyempre, inspired yan ng katotohanan.
    naiintindihan mo ba.
    hay nako.
    astig? paano mo nasabi.

  15. xine said

    ahhh ganun ba…

    pero may connection pa rin sa inyong dalawa si marielle xaka si donna dun sa sulat?? siguro naman diba…

  16. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    wala na akong pakialam sa “poor boy” mo.
    mahirap sa tao ang masyadong mayabang.

  17. xine said

    bakit may pake ba ko sa kanya? cno may sabi….

  18. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    fourteen.
    fourteen.
    fourteen.
    XIV.
    nivenix.

  19. xine said

    ewan ko sayo…wag mo nga ibalik un…binaon ko na yan sa limot…namin pala..

  20. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    o yun naman pala e.
    dapat alam mo rin na binaon ko na rin siya sa putikan. wala akong kilalang a****… jejeje!

  21. xine said

    eh bakit ba…ikaw kaya ung may post jan ng letter para sakanya…diba?

    o cge na nga… tigilan n ntin xa….

    nakakaasar 2ng sana’y maulit muli na toh….francis ng francis..

  22. paurong said

    KRISTINE.
    nagpapaka-obvious ka na talaga e.
    may feelings ka pa rin kay francis diba?

  23. xine said

    WALA NA AKONG FEELINGS SA KANYA!

    WALA na !WALA na!…..

    pwede ba…

  24. xine said

    WALA NA KONG FEELINGS PARA SAKANYA!!!

    WALA NA WALA NA!!!

  25. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    ok.
    naniniwala naman ako sa’yo e.
    ikaw pa!

  26. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    please naman doon na tayo sa unahang post para hindi na ako mahilo…

  27. jacel said

    alam niyo yung nakasaad sa letter yun yung nangyayari sa akin tama yung nakalagay ang sakit isipn ang sakit tanggapin na ayaw mo nasa akin pero wala akong mgawa kung hindi umiyak ng umiyak wala man lang akong lakas ng loob para sabihin sa kanya na”namimiss na kita”

  28. paurong said

    JACEL.
    masakit mang isipin..
    ano naman ang magagawa mo?
    mahirap ipilit ang ayaw..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: