Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Dehado sa away.

Posted by Paurong sa Sabado, Marso 3, 2007

Halos hindi ako makahinga habang nasa bingit ng panganib na aking susuungin. Alam kong sa sandaling lumapit ako kay Kevin ay mag-aala-toro siya sa bagsik at sindak. Pero wala nang ibang pagkakataon; lulubusin ko na ngayong mag-isa lang siya.

Kailangang ako na ang gumawa ng hakbang. Lumapit ako sa kinauupuan niya malapit sa bintana ng aming silid-aralan. Dahan-dahan lang. Pigil ang hininga, tumigil ako sa harapan niya. Siya ay nakatungo at nang mapansin ang dalawa kong paa ay unti-unti akong siniklaban ng nakakatakot na paningin. Hindi ko malaman ang kahulugan ng titig na iyon. Hindi na ako nagtagal pa.

“Ano ba’ng problema mo?” Hindi ko inalis ang tingin ko sa lumiliyab niyang mga mata.

Para bang tumaas ang dugo niya hanggang bumbunan.

“Hindi ka ba magsasalita?” tanong ko pagkalipas ng isang minutong hindi niya pag-imik; nakatingin lang siya sa akin.

“Ano’ng problema ko? Ikaw, ano’ng problema mo?”

“Ikaw! Ikaw ang problema ko. Dalawang linggo na tayong hindi nagpapansinan. Ano bang problema? Ano ba’ng nagawa kong mali?”

Umangas ang kanyang mukha. Gumusot ang kanyang mga pisngi.

“Alam mo,” sabi ko. “Wala naman akong ginagawang masama sa’yo, eh. Ikaw lang talaga itong matigas. Ako na nga ‘yung humihingi ng tawad, ako na nga ‘yung naghahangad na magkabati na tayo, ikaw pa itong nagmamatigas.”

Pumanhik na ang galit ko sa aking ulo. Nagbadya ang luha sa gilid ng aking mga mata.

“Ano ba ang problema?” pagpapatuloy ko. “Sabihin mo naman. Nahihirapan na kasi ako. Bigla ka na lang naging ganyan! Ano ba kasi ang proble–”

Bigla-bigla’y tumayo siya sa kanyang silya at mas ginusot pa ang buong pagmumukha.

“Problema? Problema? Ikaw ang problema ko!” sumbat ni Kevin. “Sakal na sakal na ‘ko sa’yo, alam mo ba ‘yun o nagpapakatanga ka lang talaga?”

“Ako? Sinasakal kita? Wala akong masamang hinangad sa pagkakaibigan natin. Ikaw lang talaga ‘yung… Ikaw lang ‘yung may diperensya, eh! Hindi ka marunong magpahalaga sa mga pinagsamahan natin. Ano? Sasabihin mo hindi? Aba, tama ba namang ganyan ang iasal mo, na parang hindi mo na ako kilala. Ano! Palibhasa lumalaki na ang ulo mo kaya hindi mo na napapansin ang mga taong nasa paligid mo!”

Binasag pang higit ang katahimikan ng aming silid-aralan ng mga suntok na lumipad sa hangin. Inambangan niya ako kaya’t hindi ko piniling lumaban. Ako ang nadehado–ako’ng hindi marunong lumaban, ako’ng ayaw lumaban. Humambalos ako sa tabi ng dingding kasama ng isang silyang ihinampas niya sa akin. Walang naglakas-loob na umawat sa amin ng umagang iyon.

Ang natatandaan ko na lang ay dinala ako sa klinika upang magamot samantalang dinala si Kevin sa Main Guidance Office.

8 Tugon to “Dehado sa away.”

  1. “matandang naka abot sa panahon ng mga ha,,”

    Anu 2????

  2. MR. CLASSIC
    baka “…umabot sa panahon ng mga hapon…”
    weird no?

  3. utakGAGO said

    This comment has been deleted by the author.

  4. KEVIN.
    that’s not weird.

  5. utakGAGO said

    This comment has been deleted by the author.

  6. KEVIN.
    no such thing.
    everything happens for a reason.

  7. xine said

    …parang kilala ko kung sino yan…obvious naman diba..

  8. paurong said

    KRISTINE.
    oo naman. kilala mo. kilala mo! hahaha!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: