Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Kami na.

Posted by Paurong sa Linggo, Marso 4, 2007

Ewan ko ba kay Divine pero itinuturing niyang panliligaw ang mga ginagawa ko sa kanya. Hindi ko naman siya masisi sapagkat alam kong totoo ang nararamdaman ko para sa kanya. Iniibig ko siya ng tunay at alam kong alam niya iyon.

Mahigit isang buwan ko na siyang hinahatid-sundo. Malapit sa akin ang nanay niya, maging ang kaisa-isa niyang kapatid. Madalas na rin akong sumalo sa hapagkainan nila. Nang minsang itanong ko sa kanya ang tungkol sa tatay niya, sinabi niya sa aking hindi pa niya ito nakikita mula noong ipinanganak siya.

Divine Joy Jimenez ang buo niyang pangalan. Kaklase ko siya mula pa noong first year kami. Isa siya sa mga tunay na habulin sa paaralan namin. Maraming lalaking nagkakagusto sa kanya pero hindi siya madaling magpakagat. Ako nga raw ang pinakasuwerteng lalaki sa eskuwelahan ayon sa aking mga kaklase at ng iba pang mag-aaral na nakakikilala sa aming dalawa ni Divine.

Masasabi kong pareho kaming sikat. Madalas siyang isali sa mga pagandahan, talent search, Ms. United Nations at kung anu-ano pa. Ganun din naman ako, maraming babaeng nagkakagusto sa akin, ngunit tanging si Divine ang nakapagpatibok sa aking puso.

Matapos ang huli naming klase ngayong araw ng Lunes, hinayaan kami ng aming mga kaklase na magpaiwan sa silid-aralan. Sanay na kami sa panunuksong ginagawa ng bawat isa naming kaklase. Makukulit silang lahat at para bang hindi nawawalan ng pag-aabang sa kalalabasan ng pag-ibig ko kay Divine. Alam nilang lahat na gustung-gusto ko siya. Ang iba naman ay nagsasabing gusto niya rin naman ako ngunit kailangan ko lang maghintay ng tamang panahon.

Iyon na marahil ang tamang panahong sinasabi nila. Kaninang alas singko ng hapon ay magkatabi lang kaming nakaupo sa sahig sa likuran ng pinto. Iyon ang unang pagkakataong nakita ko siyang seryosong-seryoso. Ang kanyang tingin sa aking mga mata ay nakakatunaw. Hindi ko maubos-maisip na gagawin niya ang isang bagay na hindi ko akalaing magagawa niya sa akin.

Yaon ay isang maalab na halik. Dumaloy sa akin ang walang-maliw na kaligayahang ibinuga ng aking pag-ibig. Sa loob ng ilang saglit na iyon ay naramdaman ko ang kanyang pagmamahal sa akin, na sinang-ayunan ng katagang “I love you” na walang kasing tamis.

Ang ibang mga pangyayaring sumunod ay namumutawi na sa aking mga labi. Ang maiwawakas ko lamang sa pahayag na ito ay ang pagpapaliwanag na kami na simula sa araw na ito.

Kung anuman ang kahinatnan ng relationship namin ay walang nakababatid maliban sa aming dalawa. Ngunit sa haba ng aking kakayahan ay nais kong malaman ng buong mundo na masaya akong makapiling siya.

Girlfriend ko na siya. Boyfriend niya na ako.

60 Tugon to “Kami na.”

  1. jane said

    divine.

    yun lang.

  2. cars said

    awwwww.🙂
    goodluck.

  3. DIANNE.
    bakit ba?
    divine.
    ano problema dun?

  4. CARS.
    thanks.

  5. sana nakita mo na si happinness.🙂
    masaya ako para sa iyo.
    ingatan mo siya.

  6. franco said

    huwaw!!! kilig!!

  7. FRANCO.
    parang naiihi lang! hihii!

  8. jane said

    tuldok. tuldok. tuldok.

  9. arnel said

    ano to? fiction? di ko mawari. parang ewan.

  10. DIANNE.
    ano na naman ba ang problema mo?

  11. ARNEL.
    how do we define fiction ba? parang ewan. hindi yan ewan.

  12. i like the story.
    parang favorite movie ko, the classic.
    ^^,

  13. BYRON.
    very nice, mr. classic. very nice.

  14. divine? malapit sa d******.. hehe

  15. CEEJAY.
    nagpapatawa naman si joy e.

  16. marya said

    wow… Godbless🙂

  17. paurong said

    MARYA.
    thanks!😀

  18. jane said

    hindi na kayang kumapit ng utak ko.

  19. chino said

    wahahaha..ang kyut

  20. DIANNE.
    baka sumabog yan!

  21. CHINO.
    alin ang cute?

  22. XIENAH.
    wah.. my eyes are drooling.

  23. tina said

    ehem.. totoo ba ito ?😛

  24. TINA.
    thanks for the visit!

  25. dave said

    ahahay, kilig! totoo naman ito di ba? buti ka pa masaya ang ending ng iyong high school love story.

  26. paurong said

    DAVE.
    hindi pa diyan nagwawakas.
    marami pang pwedeng mangyari!

  27. dave said

    Well, tama ka dyan pero at least you’ve managed to reach this high point. That’s an achievement in itself.

  28. paurong said

    high point. wooh. parang name yun ng tindahan sa tapat ng skul ko ha.
    anyway. i need to tell you something.

  29. naksd said

    YO! Kilig to the bones pare!

  30. paurong said

    NAKSD>
    salamat pare!

  31. shella said

    ..woshoo..
    ..ang cute aman..
    ..sana may kadugtong..=p

  32. shella said

    ..woshoo..
    ..and cute aman..
    ..sana may kadugtong..
    =p

  33. SHELLA.
    karugtong?
    let me think about it.

  34. shella said

    ..dali na po..
    =p

  35. SHELLA.
    nahihirapan ako sa paghanap ng responses mo. doon ko na lang sa unahan pls.

  36. SHELLA.
    ano?

  37. shella said

    okay..

  38. paurong said

    SHELLA.🙂

  39. xine said

    ..ano nga ba yan? fiction..? cnong divine?? …..

  40. xine said

    ayan na hah..nag cocomment na koh…sana naman mag pasalamat…

    ano nga palang favorite song mo..

  41. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    alam mo naman ang sagot diyan e.

  42. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    sa wakas, marunong ka nang magcomment!
    maraming salamat!
    favorite song? ikaw lamang by silent sanctuary. astig yun!

  43. xine said

    …marunong naman talaga akong mag-comment noh….

  44. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    marunong nga pero hindi mo man lang tinitignan itong tigang kong blog. wala nang nagbabasa nito.😦
    hindi mo ba alam yung song na ikaw lamang ng silent sanctuary? maganda yun. kakainlove!

  45. xine said

    walang nag babasa!!!! jejeje…anu un joke..ang daming nag cocomment sau…lalo na si dianne….uiiiiii….jejeje..

  46. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    ano na naman yan?
    asarin ba naman daw ako kay dianne.
    jejeje.

  47. xine said

    ..cguro xa ung tumawag sakin dati…ung sinermonan ako…may gusto daw kasi sau…tapos, basta..di ko na maalala ung details ng pinag usapan namin eh….basta, cguro xa un..

  48. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    hay nako naman.
    alam mo namang single ako diba.
    wag ka ngang mag-imbento.
    kung anu-ano na naman iniisip mo.

    o ano kailangan mo pa ba yung notebook, ha??

  49. xine said

    ..anu ba yun…pinag bintangan pa kong nag iimbento..!!

    ASAR!

    may tumawag nga sakin, dati pa. Mahirap ba paniwalaan un…

  50. paurong said

    KRISTINE.
    oo, naikuwento mo na sa akin yun. ang dali mo namang nakalimot. at kilala ko na kung sino yung tumawag sa’yo. pero hindi siya si dianne.
    at pwede ba, hindi kita pinagbibintangan.
    wag ka na magalit…

  51. xine said

    eh cno naman kaya un?

    iba na naman…jejeje…

    oi, hindi ako galit…

  52. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    wooh… woh… oh…
    nahihilo na ako.
    doon na tayo sa umpisa nang hindi maraming posts ang pinupuntahan natin.
    ayos ba?
    doon na sa umpisang post para madali kong makita.
    ang hirap e.
    woohhh..

  53. ninong said

    unang dalaw… salamat sa pagbisita sa blog ko…. ako nga si ninong… hehe

    nice… goodluck sayo…

  54. paurong said

    NINONG.
    akala ko tungkol sa regla ng babae. bwahahaha!
    salamat!

  55. jess said

    elow……ang gnda ng kwento ah……..

  56. paurong said

    JESS.
    salamat!

  57. Rainne said

    wow… congrats..;))

  58. paurong said

    RAINNE,
    fiction to.

  59. marj_sam said

    divine?
    cno un? ex mu? haha
    go sam!! :):):)

  60. paurong said

    MARJORIE,
    ex ka jan.. ewan ko sa’yo.. sam ka pa ha! ewan ko sa’yo talaga!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: