Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Bahay-bahayan.

Posted by Paurong sa Lunes, Marso 5, 2007

Pag-uwi ko sa bahay galing sa eskuwelahan, nadatnan ko si Mamang nagliligpit. Ilang bag ang nakalapag sa sahig habang siya ay nagmamadali sa pagtiklop ng mga damit, pagsalansan ng iba pang gamit, at pagtapon ng mga maituturing nang basura. Magmamano na ako sa kanya nang narinig namin ang sigaw ni Aling Josie. “Anong oras ba talaga kayo lalabas? Ilang ulit ko nang sinabing pagbalik ko dapat nakaalis na kayo. Aba! Ilang ulit ko ba kayong palalayasin?”

Palalayasin. Ginunaw ako ng huling salita ng may-ari ng inuupahan naming bahay. Bago pa man ako makapagtanong sa aking nanay ay sinagot niya na kaagad ang gumulo sa aking isipan.

“Hindi na daw siya papipilit, anak. Tulungan mo na nga ako dito.”

“Sandali lang po, Aling Josie,” sigaw ko.

“Pagbuksan niyo nga ako ng pinto!”

Nag-alangan pa ako bago ako nagmadaling patuluyin siya. Halata ang galit sa kanyang mukha. Dumiretso siya sa aking kuwarto na nadatnan niyang wala nang laman, tumungo sa kuwarto ni Mama at nabigong makakita ng mga gamit, at nilibot ang buong bahay, pagkatapos ay dali-daling lumabas kasabay ang utos na “Bilisan niyo nga ang kilos.”

Tatlong minuto ang nagdaan bago kami tuluyang nakalabas ng bahay na iyon. Sa labas, maraming tao ang nakatingin. Ang mga kapitbahay namin ay nakatutok sa eksenang iyon. Pahiyang-pahiya ako lalo na nang magsalita na naman si Aling Josie.

“Palibhasa hindi kayo marunong magbayad ng upa. E kung nagbabayad ba naman kayo ng maayos e di wala tayong problema…”

Biniyak ako ng mga salitang pumahiya hindi lamang sa aking pagkatao kundi maging sa pagiging nanay ni Mama. Bulung-bulungan ang gumimbal sa paligid namin. Higit pa sa nasunugan ng mga ari-arian ang pakiramdam namin. Awang-awa ako kay Mama. Kung may sapat lang sana kaming pera, mainam marahil ang aming pamumuhay.

Hindi naikubli ni Mama ang kanyang mga luha. Nakatungo akong umalis sa lugar na iyon, nakakapit sa aking nanay na lubos kong minamahal.

42 Tugon to “Bahay-bahayan.”

  1. aw. minsan ganyan din ako e. saka ko lang narerealize na nakakaawa ung parents ko pag may hindi na magandang nangyayari.

    lilipas din yan. hindi ibibigay ni papa God yan kung alam Niya na hindi niyo kakayanin.

    pray. have faith. live life.

  2. LIN.
    sa wakas may nagcomment din. salamat. oo nga. FAITH lang yan.

  3. dave said

    Haay naku, yan talaga ang hirap sa nagrerenta lang. Kahit nga nagbabayad ka, kung expired na ang contract at ayaw i-renew ng may-ari mapipilitan ka pa ring maglipat. Harsh realities for a petty burgeois like me.

  4. paurong said

    burgeoisie. burgeoisie.
    life.

  5. melai said

    totoo ba ito?

  6. paurong said

    MELAI.
    salamat sa pagbisita!

  7. metal-mouth james said

    salamat sa comment. i’ve been busy kasi eh. anyways, i’m back. thanks man.

  8. paurong said

    JAMES.
    it’s nice to see you’re back!
    that’s fine, man!

  9. kurokuroko said

    salamat sa pagbisita sa aking blog.

  10. paurong said

    KUROKUROKO.
    salamat din!

  11. Cat said

    hello, bloghopped here.

    hindi ko alam kung bakit my mga ganyang landlady o landlord sa atin. Oo nga business is business pero gaganyanin ka ba talaga?

    noong college ako, my landlady kami na strict din pero sabihin nating edukada siya. Hindi siya sumisigaw para ipahiya ka sa iba. My time din na hindi ako ngbabayad, ginagawa namin tinatakasan namin siya, pati yung guard natakasan din namin pero everytime na babalik kami sa kanya welcome pa rin kami.

    what Im saying is, before hindi ko naappreciate ang landlady ko noon but when i read your post, i realized how lucky i was, kahit ngkakaproblema siya sa amin open arms pa rin kami pagbalik sa kanya.

    Hope you and your mom are doing fine na.

  12. paurong said

    CAT.
    business is business talaga e. masuwerte ka nga’t mabait yung landlady mo noong college ka.
    salamat sa pagbisita!

  13. shella said

    ..ay nakalimutan ko 2ng basahin kagabi..
    =p

    ..yan ang hirap ng umuupa lang eh..
    ..lalu na kapag ung may ari ng house eh masungit at strict sa bayaran..
    ..d mga nakakaintindi na mahirap talagah ang buhay ngaun..

    ..pro d din natin sila masisi.. source of income din nila un..

    >.

  14. SHELLA.
    tama ka. mahirap talaga ang buhay ngayon.
    naiiyak tuloy ako.

  15. shella said

    ..uy tapus na class mo..??

  16. SHELLA.
    hindi ako pumasok.

  17. shella said

    ..naku bakit naman po..??

  18. SHELLA.
    wala lang. malungkot lang ako.
    tuwing malungkot ako hindi ako pumapasok.

  19. shella said

    ..ganun..???
    ..ohh w8 mu pu ako uuwi na ko sa hauz..

  20. SHELLA.
    ok. sige. mag-ingat ka sa pag-uwi.
    hihintayin kita.

  21. Cat said

    actually hindi siya mabait kaya lang hindi lang siya gumagawa ng ganito like sumisigaw

  22. CAT.
    i think i have to tell you something.
    nakakainis talaga siya.

  23. shella said

    d2 n pu ulit ako.. ^^

  24. paurong said

    SHELLA.
    ui. hindi ko nakita kaagad.
    inayos ko kasi yung ABOUT THE AUTHOR na page e.

  25. shella said

    ..uu nga pu.. nakita ko.. iba na..^^

  26. paurong said

    SHELLA.
    meron pa akong ilalagay na isa pang page. wala lang. para lang maayos.

  27. shella said

    ..ahh.. baka nman pu nakakais2rbo ako..??

  28. rina rose said

    Jonell, eto na.. pasensya ngayon lang, sobrang busy lang talaga this past few weeks.

    anyway, natutuwa talaga ko sa’yo kasi di mo ko nakakalimutang hingian ng comment, hehe! at natutuwa din naman talaga ko everytime nakakabisita ko sa blog mo. maybe because even if we aren’t really that close now, i still manage to keep in touch with you and somehow know what’s currently happening to you through your blog entries. and what’s more interesting in it is that i don’t miss to appreciate your writings. these have always shown and reflected the most creative sense in you. haay, jonell! i’ve always admired your works.
    teka, nakalimutan ko.. bakit nga pala di mo sinipot yung Web Design Competition sa PCC? maganda yung work nung winner but i bet, you would have gotten the first place if you had joined it. i hope you won’t miss any chances like that in the future. it’s basically another way of enhancing your god-given talents and skills and showing everyone what you got.
    basta, good luck na lang sa lahat. i know despite all the challenges that you are facing and you’ll be facing, you’ll be standing still ’cause i believe you’re strong enough. i’ll always be here for you, kahit di halata. Godspeed!

    -mahabang comment-

  29. paurong said

    SHELLA.
    hindi naman.

  30. paurong said

    RINA ROSE BAUTISTA.
    grabe naman to, rina. hindi ko naman inaaasahang ganito ang magiging response mo. salamat talaga. maraming salamat.
    grabe. hindi na talaga tayo close. as in. pero para bang kahapon lang yung noong first year pa tayo na palagi tayong nagsusulatan. ang saya-saya natin noon. simula noong nawala na ako sa section 1, hindi na tayo masyadong nakapag-usap. buti nga meron pa rin kahit papaanong communication. salamat sa pag-appreciate sa works ko. at yung sa pasig catholic college… yung web design competition na ako yung representative ng school natin. grabe. pasensya na talaga. ang tigas kasi ng mukha ko. opportunity nga naman, nawala pa. eto, malapit na ang graduation. magkakahiwa-hiwalay na tayo. nakakalungkot isipin. buo pa ba yung mga letters ko sa’yo. yung sa’yo nasa box ko pa rin. sama-sama sila. ang sarap balik-balikan ng mga memories natin. remember noong leader ka para sa book presentation, tinulungan kita sa pag-direct? at yung mga nakakahilo nating style ng pagsulat? naiiyak na ako. salamat talaga. salamat sa lahat. though hindi na tayo close, lagi mong tandaan na mananatili ka pa rin dito sa puso ko, na minsan naging kaibigan kita. naks! ngayon lang ako nagreply sa response na ganito kahaba. Godspeed as well!

  31. xine said

    ..magaling ka talaga mag sulat…
    tigilan na kasi ang pag-dedeny..

  32. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    ano na naman yan.
    bakit ba!!!

  33. xine said

    tignan mo nag-dedeny ka na naman…

    wag ka na kasing mag deny…totoo namang magaling ka mag sulat…

  34. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    sinasabi mo lang yan.

  35. xine said

    tignan mo…
    nag dedeny ka nanaman…

  36. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    ano ba gusto mong palabasin? grrr.

  37. shella said

    ..ohhh asan na ung nisasabi mo pang isang dagdag na page..?? o_O

  38. paurong said

    SHELLA.
    tinatamad pa ako e.

  39. julianne said

    hay nku..alala mo pko??? c julianne po.. ung nka chat mo last last night? hahaha.. ang gnda nga pla ng story nung “diary ni mariel” ba yun?? tma bah?? well,,,neweiz…nkakainis naman ung landlady nyo..totoo..business will always be business..pero parang npaka inconsiderate naman nya…sbi nga nla…always put your place in someone ele’s shoes…eh kung mramdaman nya kya ung gnwa nya senyo…hay nko..d dpat itolerate..haha..pero wala po taung mgagawa kht maghapon magdamag akong magdadakdak d2…. mukha lang akong tanga..pero nkakainis naman tlagah dbah??/ hay nko…for now yan na muna…bye na po kuyah.. i hope both you and your mom will be okay…yaan mo…dadating parin ang tym na kayo naman ang magiging nsa itaas…hehe…never loose faith in GOD ok?? geh bye na tlagah…GODBLESS

  40. paurong said

    JULIANNE.
    i appreciate your effort on writing a long, nice comment there. thanks!

  41. julianne said

    you are always welcome
    hehee…asan na ung story ko?? tampo nko

  42. paurong said

    JULIANNE.
    salamat ulit. dami na nun.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: