Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Hope Centeno vs. Kris Aquino and James Yap.

Posted by Paurong sa Martes, Marso 6, 2007

Si Hope Centeno? Hope Centeno? Hope Centeno? Hope Centeno?

E, si James Yap? Yung basketball player? Si James Yap? Yung MVP?

Si Kris Aquino buntis? Oo, matagal na? Si Kris Aquino ba yung asawa ni James Yap? Ha?

Ewan. 

Nagulat ako nang makita ko si Edu Manzano sa noontime game show na “Pilipinas, Game KNB?”. Saka ko lang naalalang hindi muna pala lalabas sa telebisyon si Kris Aquino sa loob ng dalawang buwan dahil sa kanyang pagbubuntis.

Inisip ko na dating ang Chairman na rin ng Optical Media Board ang pumalit muna sa batikang TV host sa “Kapamilya, Deal or no Deal” lalo na’t madalas na lalaking may tindig na gaya ng kay Edu ang host sa ibang version ng Deal or no Deal sa ibang bansa. Ayaw kasi ni Kris na may pumalit sa kanya kaya nagpaalam muna ang primetime game show at magbabalik pagkatapos ng apat na buwan.

Wala ako sa lugar para humusga sa iba’t ibang sulok ng panibagong isyung prinuproblema ni Kris. Sino ba naman ang walang alam tungkol sa pagsulpot ni Hope Centeno at ang sinasabi niyang naging relasyon niya sa basketbolista at asawa ni Kris na si James. Naospital pa itong si Kris dahil na rin sa stress at muntikan nang ipanganak ang sanggol na dinadala niya nang hindi oras.

Halos ayaw ko nang manood ng TV dahil wala na ang magaling na host na hinahangaan ko. Naawa ako sa kanya dahil sa mga kinahaharap niyang pagsubok ngunit naniniwala naman akong makakayanan niya ang lahat.

Ang issue tungkol kay Hope at James ay maaari lamang masolusyunan kung mailalabas ang katotohanan. Sa panahon ngayon, maging ang telebisyon ay hindi na nagpapakita ng totoo, kadalasan kasi may pinapanigan pa rin sila.

Huwag tayong husga nang husga lalo na’t hindi naman natin alam ang nangyari o hindi naman tayo naging saksi sa kaganapan. Maging mapanuri na lamang tayo. Mas mabuti ‘yon!

56 Tugon to “Hope Centeno vs. Kris Aquino and James Yap.”

  1. xine said

    para kang reporter…

  2. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    dapat ba akong matuwa dahil compliment ang sinabi mo o dapat akong mainis dahil nakakainsulto yun? hmmm. argggh!

  3. xine said

    hoy, hindi un insulto…

  4. tsina said

    wow, parang sa newspapaer to ah cool!!!

    ako rin kaya ayokong manood ng mga balita or whatever dahil wala dun si Kris, it’s just that wala na ring MAGANDANG palabas lahat eh “basura” for me.
    wala na kasing katuturan ang lahat.

  5. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    hindi naman kasi ako isang pia guanio. Chika minute!

  6. paurong said

    TSINA.
    newspaper! wahh!
    wala na talagang magandang palabas. lalo na’t wala na si kris. miss ko na si tetay!

  7. xine said

    oh dito ba

  8. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    kelangan mo pa ba yung notebook natin?

  9. xine said

    ano ito ba ung lyrics?

    Inaayos ko ang iyong isipan
    Ngunit di ka naman nakikinig
    Lahat na ng bagay ay aking ginawa ngunit
    Wala parin

  10. xine said

    oo..eh akala ko ba may ibibigay kang iba..

  11. xine said

    mali pala ito pala….

    Inaayos ko ang iyong isipan
    Ngunit di ka naman nakikinig
    Lahat na ng bagay ay aking ginawa ngunit
    Wala parin

  12. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.

    IKAW LAMANG
    Silent Sanctuary

    Verse 1:
    Di ko maintindihan
    Ang nilalaman ng puso
    Tuwing magkahawak ang ating kamay
    Pinapanalangin lagi tayong magkasama
    Hinihiling bawat oras kapiling ka

    Pre-Chorus:
    Sa lahat ng aking ginagawa
    Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta
    Sana’y di na tayo magkahiwalay
    Kahit kailan pa man

    Chorus:
    Ikaw lamang ang aking minamahal
    Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
    Makapiling ka habang buhay
    Ikaw lamang sinta
    Wala na kong hihingin pa
    Wala na..huhhhohhhh

    Verse 2:
    Ayoko ng maulit pa
    Ang nakaraang ayokong maalala
    Bawat oras na wala ka
    Parang mabigat na parusa
    Huwag mong kakalimutan na kahit nag-iba
    Hindi ako tumigil magmahal sayo sinta

    (Repeat Pre-Chorus)

    (Repeat Chorus)

  13. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    anong lyrics yan?

  14. xine said

    ano ba yan…

    mali na naman..

    Di ko maintindihan
    Ang nilalaman ng puso
    Tuwing magkahawak ang ating kamay
    Pinapanalangin lagi tayong magkasama
    Hinihiling bawat oras kapiling ka

  15. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    inulit mo lang yung pag-paste e.

  16. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    ok pa ba sa’yo ang pagsusulatan natin ha?
    parang wala lang sa’yo e.

  17. xine said

    ..hindi ko naman alam ung tono! pano ko yan 22g2gn…

    hahanapin ko pa rin ung chords…jejeje , wla lang…para masaya.

  18. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    hanapin mo na lang sa net yung chords. hindi mo ba talaga alam yan? sayang. ang ganda talaga niyan e.

  19. xine said

    ikaw nga jan, nung huli mong binigay di pa tapos…

    tapos hindi mo na binigay ulit…anu kaya un

  20. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    a… kaya mo pala itinanong kung ano ang favorite song ko… kasi tutugtugin mo. akala ko ba pink yung gitara mo.

  21. xine said

    …hinahanap ko na nga…pero di ko nga alam ung tono..

  22. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    e feeling ko kasi baliwala na sa’yo e.

  23. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    tawag ka kay francis baka alam niya. jejeje.

  24. xine said

    hindi baliwala sakin un…
    promise.

  25. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    ok. naniniwala ako sa’yo.
    pero hindi na yung una nating notebook ang ibibigay ko ha. ibang notebook na kasi puno na yung una.
    ok lang ba?
    saka pagkakuha mo ikaw naman ang magdesign ng harapan. maawa ka naman sa notebook natin.

  26. xine said

    …di niya alam un…walang hilig sa music un…

    xaka bakt ako ttwag…waste of time lang….

    oo nga pink nga…pano mo nalaman? xka…ano naman kung pink?

  27. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    sinabi mo kaya sa akin na pink yun.
    ikaw ang nagsabi.
    makakalimutin ka na talaga!

  28. xine said

    …grabe namang maawa un….

    o cge…lalagyan ko ng design….

  29. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    malapit na akong maglaho.
    huhuhu…
    basta bukas ibibigay ko sa’yo.

  30. xine said

    …hah? cnb ko sau? as in AKO?? ako ang nag sabi sau?? wala akong matandaan!!!

  31. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    ako ang may maraming puting buhok sa ating dalawa, ikaw pa ang makakalimutin.

  32. xine said

    …oo cge, mag ooff na rin ako …..

    bigay mo na lang bukas,
    di ko talaga mahanap ung chords nung ikaw lamang…

    di ko talaga matandaan na cnb ko sau!

  33. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    mag-off ka na lang pag nawala na ako.
    sinabi mo talaga yun sa last entry mo.

  34. xine said

    ahhh basta ewan!!!

    thank you sa time hah….ung nokbuk bukas…:) sa susunod mamansin ka naman…napapahiya ako eh…

  35. xine said

    …ahh cnulat ko ba sa last entry ko? hindi ko talaga maalala….asar.

  36. paurong said

    KRISTINE.
    ok.
    salamat din.🙂
    nakangiti na naman ako.
    bye na.

  37. xine said

    bye.
    buti naman nakangit ka na…

    good night…:)

  38. shella said

    ..aus ah..
    ..pati showbiz meron na rin d2..
    ..ahehe..
    =p

  39. ginawang chatbox ang comments box. anyways. oo nga, si edu dapat ang nasa deal or no deal. pero di rin magiging ganun kasi may pinoy big brother. sana ibalik ang weakest link.. i loooove it!..

  40. jane said

    panis na gatas sa baso ni paurong.

    blah. blah. blah.

    just blabbered.

  41. paurong said

    KRISTINE PONCIANO.
    dapat nakangiti palagi!🙂

  42. paurong said

    SHELLA.
    showbiz? wah..

  43. paurong said

    CEEJAY.
    ang kulit kasi ni kristine e.
    oo nga. si edu sa deal or no deal. o kaya magkaroon ng weakest link. huhuhu…

  44. paurong said

    DIANNE.
    hay nako. ano naman yan?

  45. dave said

    -Bagay naman si Edu, okay naman siya sa Weakest Link noon
    -I christen this latest episode in the life of Kris as “Hope for the Ballers”

  46. dave said

    ano na nga pala yung gusto mong sabihin sa akin?

  47. paurong said

    DAVE.
    ayos talaga si edu. lalo na sa weakest link. hindi pa masyadong nagsi-sink in sa akin na siya na ang host ng game knb.

  48. paurong said

    DAVE.
    sasabihin ko sana… in an enigmatic way, na the categories in my sidebar have big parts on my posts. yun lang. sana nakuha mo.

  49. dave said

    yun ba? actually na-gets ko na sya nung binasa ko yung “bahay-bahayan” post mo. sinakyan ko na lang🙂

  50. paurong said

    DAVE.
    ayun! buti na-gets mo. madali nang magbasa ng posts ko.

  51. julianne said

    ay..ngaun lng ako nakapa omment d2…kwawa naman c kristeta….hahahaha…

    napaka papancin c hope….

    favorite ko pa naman c kris..hhuhu…sna lgtas ung baby nya…at sna girl

  52. paurong said

    JULIANNE.
    favorite ko rin si kris kaya naaawa ako sa kanya. miss ko na rin yun sobra. hayaan mo na si hope. sila lang naman nakakaalam ng totoo sa mga bagay-bagay e.

  53. julianne said

    oo nga naman..cla cla din may alam ng totoo..but because of hope, kris and her baby might be at risk…

  54. paurong said

    JULIANNE.
    let’s just pray for her and her baby.

  55. JAYKA HERRERA said

    sana naman po lagyan nyo ng
    chords, ksi yun ang pinaka importante sa amin e

  56. bhang said

    ano poh to’

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: