Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Ang papatay sa akin.

Posted by Paurong sa Huwebes, Marso 8, 2007

Limang daliri ang inilapat
Sa ibabaw ng mga bakal.
Ang hangin ay rumagasa
At nagpakatunganga.

Limang daliri ang inilapat
Para makasampa sa bintana.
Hindi na magpapaawat
Sa gagawing trahedya.

Limang daliri ang inilapat
Upang magpakamatay.
Tatalon mula sa ‘taas
Babagsak sa lansangan.

Malalaman mo pa kaya
Sa huling ako’y patay na?
Kung kailang ako’y wala na
Saka mo ba ‘ko mapapatawad?

20 Tugon to “Ang papatay sa akin.”

  1. chino said

    nako.. ang tindi ng post mo a.. napaka-cryptic..aydontlayket..

  2. paurong said

    CHINO.
    cryptic daw o. huhuhuh…

  3. Miko Dela Cruz said

    Bro.

    Observations lang po.

    •Nagkaroon ka ng sudden shift ng point of view. From 3rd person sa first three stanza, naging 2nd person sa fourth.

    •Sa 3rd and 4th line naman ng 2nd stanza nag-iwan ka ng opening sa interpretation dahil sa line na “hindi na magpapaawat …” Naiwan ang readers sa pag-iisip kung sino iyon hindi na magpapaawat. Marahil ang iba ay masasabing “ikaw” o ang speaker ang hindi na magpapaawat, pero dahil sa paggamit mo ng anaphora (hindi ko alam kung sinadya o nagkataon lang), mayroong tiyak sa mga nakakabasa o makakabasa ang mag iisip na ang ayaw magpaawat ay ang “limang daliri”

    •Ano ang intensyon mo sa paggamit mo ng anaphora? Naging epektibo ba ito sa iyong palagay?

    •Masdan ang huling tatlong linya ng tula, malulunod ang reader sa paulit ulit na “ako”, at medyo nakaiilang pa nga, na hindi naitago ng paggamit mo ng (‘) ang “ako” sa huling linya.

    •Hindi ba truism ang paggamit mo ng “tatalon mula sa taas”? Meron bang natalon mula sa ibaba? Maiintindihan ko sana kung may karugtong ito, kagaya ng “mula sa itaas ng ….” Pero maari ring, may gusto kang bigyang diin. Kung meron nga. Ano kaya?

    •Sa ikaapat na linya ng tula “at nagpakatunganga”, sino ito? Ikaw ba o ang hangin?

    •Kung ikaw nga ito, sa palagay mo ba medyo malayo ang ikaapat na saknong para doon pa lang magpahiwatig? Kapag ginawan mo ito ng transliterasyon, lalabas na wala itong noun or subject, mali sa subject ng “Ang hangin ay rumagasa.”

    •Medyo hubad yata masyado ang salitang “magpakamatay”.

    Keep writing. I will keep reading!😛

    Lundag Pataas!

    Nagkamali ang binti sa paglundag
    na baka sakaling mapapatawad
    mo ang aking pagbibiro!

    Wala na akong masaliksik
    sa talaan ng ulirat
    ng dahilan para di mo pansinin.

    Nawa, sa paglundag ko
    sabihin man nila itong gawaing palalo

    Mapansin mo ang akin katawan
    Habang kaluluwa ko, ikaw ay pinagmamasdan.

    Patawarin mo, patawarin mo!
    Ito lamang ang paraang naisip ko!

    *** ANG KARAPATANG ARI NG TULA SA KOMENTONG ITO AY ISINASALIN KAY JONNEL ESTILLORE! SIYA LAMANG ANG MAKAPAGBIBIGAY PAHINTULOT SA NAIS NA HUMIRAM o GUMAWA NG PANGALAWANG SIPI. ****

  4. paurong said

    CHICO.
    sabi ko na nga ba’t magkakaroon ako ng mahabang puna sa paskil kong ito. salamat sa obserbasyon.

    nais kong ipabatid na ang bawat linya ng tulang nasa itaas ay intensyonal na ginawa. ang bawat salita at bawat linya ay mahalaga para sa akin. ang bawat interpretasyon sa bawat linya’t salita at maging sa pag-uulit-ulit ng salitang “ako” at ang paggamit ng ‘ ay sadya at walang pagkakamali para sa akin.

    naiintindihan ko ang mga sinabi mo. maraming salamat sa iyong mga sinabi. lubos kong ikinagagalak ito.

  5. tsina said

    wow thanks sa posters haha! lols anyway

    ang pagapapakamatay ay di sagot sa lahat… yun lang.. ang EMO RIN!!!!

  6. paurong said

    TSINA.
    lagi naman kasi akong emo mode e. kelan ba naman naging hindi. jejejeje!😀

  7. jane said

    hindi na talaga kita maintindihan.

  8. annamanila said

    Magandang tula na pinaganda pa ni Miko. Maganda talaga pag may literary criticism ano. Am sure you can also give good comments on Miko’s literary works. Jonell, you’re really full of angst. Must because you’re young, artistic, and a thinker. God bless. You’re okay … verypromising your writer.

  9. sheLLa said

    ..uhmm d ako mahilig sa poems na tagalog..

    ..eniwaiz grabe ka talagang topakin.. ahehe..
    ..d ko alam kung literal yan o what.. naman kasi iba iba tau ng perception..

    ..paki explain nga further ung other side of the coin..

    ^^

  10. rina rose said

    jonell!! ano ba naman yung post na yon.. hahaay…emo mode nga,well tama ka, lagi naman nga eh..”KAILAN BA NAGING HINDI?” di ba?! hehehe..anyway,di kita masisisi…marami kang nakikita at nararamdaman na hindi nakikita at nararamdaman ng iba (alam at nakikita ko yon). you know what i mean. you’ve always been so extraordinary!=) at ang mas nakakabilib pa dun, nagagawa mong isulat ang lahat ng mga yon sa pinakamalikhaing paraan!!waah..iba ka talaga..

    siyempre naman,tandang-tanda ko pa yung mga moments natin nung first year. at yung mga letters?! nakatago pa lahat sa “treasure box” ko. nakakaloko nga talaga pag naaalala ko kung gaano tayo naging kabaliw sa kakaisip ng maganda,makulit at kakaibang way ng pagsulat ng letters. ang sarap nga balik-balikan lalo na yung mga memories na naaalala ko pag binabasa ko yung mga yun.

    thanks din sa lahat! god bless..keep on writing, remember what i’ve always been telling you… it would definitely bring you somewhere and make you somebody in the near future. aja!

    always,
    rina rose

  11. ikay said

    *nose bleed. haha lagi naman.😛

  12. paurong said

    DIANNE JANE VILLAPANDO.
    kung hindi mo ako maintindihan, paano ko pa kaya naiintindihan ang sarili ko. jejeje!😐

  13. paurong said

    ANNAMANILA.
    ang galing nga ni miko, eh. hanga rin ako sa makatang yan. magaling ring magsulat ng tula. salamat!

  14. paurong said

    SHELLA.
    sana ma-appreciate mo yung mga tula ko kahit na hindi ka mahilig sa mga ganito. pero kung tutuklasin mo talaga e sigurado akong masisiyahan ka rin tulad ko.

  15. paurong said

    RINA ROSE.
    malakas talaga ang topak ko, alam mo naman yun e. sobra na akong flattered sa mga sinasabi mo. sana nga magkatotoong may marating ako sa mga pinaggagawa ko ngayong kabataan ko. malay mo diba. balang araw. jejeje. salamat sa pagtangkilik!

  16. paurong said

    IKAY.
    ako rin e. huhuhu..

  17. deejay said

    tumayo ang balahibo ko sa katawan pagkatapos kong basahin ung tula..

    may away pala kau ni dianne dito.😛 napansin ko lang. nyahaha.

  18. paurong said

    DENIB JOSETTE “DEEJAY” SUGUITAN.
    nakakatakot naman ang naging reaksyon mo. away? sino gusto ng away?

  19. jane said

    sabi nang hindi ko ginagamit ang dianne at jane ng magkasama e. ang sagwa ngang pakinggan.

    tsaka ano ung sinasabi ni denib na away?

  20. paurong said

    DIANNE.
    e sa iyun yung pangalan mo e..
    wla kang magagawa!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: