Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

1 Regalo.

Posted by Paurong sa Lunes, Marso 12, 2007

Noong unang araw ng March, itinaya ni Tita ang halos kalahati ng kanyang ipon para sa operasyon. Naging matagumpay ito ngunit kinailangan pa ring alagaan sa bahay ang kanyang tatay, ang aking Lolo.

Pagkagising ko, nadatnan kong wala ang kanyang lumpong katawan sa kanyang higaan sa sala. Maging si Tita at si Lola ay wala rin sa bahay. Malinis ang kanyang higaan at nakatiklop ang mga kumot. Ang aparatong ginagamit upang siya’y makakain ay nakalagay sa kahon.

Tahimik sa sala. Walang kung anong pag-ungol na sumagi sa aking pandinig. Kinutuban ako. Makalipas ang ilang segundong pag-iisip at pagkatulala sa harap ng higaan ni Lolo, alam kong tama ang aking hinala.

Bumalik ako sa aking kuwarto at dinampot ang aking cellphone. “Tita, wala na ba siya?”

Agad kong naramdaman ang lungkot ng kanyang boses nang sinabi niyang nasa ospital sila ni Lola.

“Wala na ba siya?” ulit ko kasabay ang agarang pagkapako ng tingin sa kawalan.

“Hintayin mo kami diyan. Dadalhin pa namin siya sa punerarya.”

Tinapos ko ang usapan. Kumpirmado. Hindi na kailangang sabihin pa. Sa pananalitang iyon ni Tita ay sigurado akong wala na si Lolo.

Walang luhang nagpumiglas sa aking dalawang mata. Walang hikbing nagmakaawang mamutawi sa aking bibig. Iniligpit ko ang mga gamit ni Lolo. Itinago ko sa kabilang kuwarto ang kanyang higaan. Nagwalis ako ng sahig at inihanda na ang salang paglalagyan ng kanyang kabaong pagdating nina Tita at Lola.

Tumingin ako sa kalendaryo. March 12. Kaarawan ngayon ni Lolo.

74 Tugon to “1 Regalo.”

  1. Condolence.

  2. paurong said

    Pinoy Writer.
    salamat sa pagbisita!

  3. paurong said

    TAYONG DALAWA
    by Aicelle Santos

    (second theme song of Bakekang)

    Kapag nalulumbay
    Iyong isipin na may nakaalalay sa’yo
    Di na magiisa

    Heto lang ako
    Makakasalo mo sa luha at tuwang inaasam
    Di kita iiwan

    Magkalayo man tayo
    Walang mababago
    Mananatili kang nandito sa puso ko

    Hawak kamay
    Hindi tayo maghihiwalay
    Laging sabay nating haharapin
    Ang pagsubok na darating

    Tayong dalawa
    Walang hindi makakaya
    Basta andiyan ka lang sa king tabi
    Hanggang wakas ako’y mayroong ngiti

    (repeat all)

  4. yeye said

    condolence. sorry binuzz pa kita. sorry.

  5. paurong said

    YEYE.
    ayos lang yun.. nagulat lang talaga ako. malakas kasi speaker ko.

  6. paurong said

    ANG MUNDO KO’Y IKAW.
    by Jonalyn Viray

    (theme song of Bakekang)

    Pagmulat, hanap-hanap ka
    Pagtulog, panaginip pa
    Laging nasa isip ang iyong ngiti
    Kapag nandyan ka na, lumbay napapawi

    Buhay ko’y laan lang sayo
    Pangalan mo’ng nasa puso ko
    Hanggang wakas ika’y mamahalin
    Laging sasambahin, kahit akoy di mo pansin

    REFRAIN:
    Sana’y malaman mong nandito lang ako
    Naghihintay na sana ay magbago ang takbo
    Nitong aking mundong umiikot lamang sayo
    Hindi maiinip, balang araw makakamit ko rin ang iyong pag-ibig

    Minsan tama nang nakikita ka lang
    Minsan parang bawat sandali kulang
    Naghahanap, sanay masuklian
    Aking pagtingin
    Sana ako ay mapansin

    Ngunit kung di pa ngayon
    Ang tamang pagkakataon
    Hindi parin ako magsasawa
    Laging magdarasal
    Sa konting pagmamahal

    (Repeat Refrain 2x)

  7. chino said

    condolence jones…..

  8. paurong said

    CHINO.
    sorry. sorry.
    sorry. bati na tayo…

  9. lyka said

    condolence po..

    wala naman. napadaan at nagtaka kung ikaw si gusotnapolo.com

    condolence ulit.

  10. paurong said

    LYKA.
    gusot na polo?
    hindi yata ako yun.
    ako si paurong.

  11. emong said

    bkt? bkt b ang title niya regalo? naguguluhan ako!!! birthday lang naman ng lolo niya ha… Anu ba talaga? Ktabi lang naman kita ayaw mo pang sabvihin!!!!

  12. paurong said

    EMONG.
    o ayan sinabi ko na.
    konting pag-iisip lang.
    buti ka pa.
    jejejeje…
    uwi na tayo sa bahay.
    maglalaro pa tayo.

  13. TEA said

    Hey!

    You’re nominated in the Philippine Weblog.

    http://artworks.uk.to/

  14. paurong said

    TEA.
    oh.. really?

  15. julianne said

    hay nku… totoo ba toh huh? ganun nanamabn??? hay nku…sbagay..ala akong msabi….

  16. paurong said

    JULIANNE.
    it’s the start of my story “Contre la montre.”

  17. juana said

    la lang.

    adik ka na kay bakekang. hehe.

  18. paurong said

    DIANNE.
    hindi ako adik. naa-appreciate ko lang ang soap na iyon.

  19. juana said

    wa. dianne na naman?

  20. paurong said

    DIANNE JANE.
    o ayan.

  21. juana said

    ngek. dianne lang o kaya jane lang. wag dianne jane. ang sagwa.

  22. paurong said

    DIANNE JANE.
    presumptious ako. fine.

  23. tina said

    new story?🙂

  24. juana said

    presumptuous. hindi naman. hindi ganun. hindi talaga.

    jonell. jonell. jonell.

  25. paurong said

    TINA.
    you got it definitely right!

  26. paurong said

    DIANNE JANE.
    ewan.

  27. juana said

    hindi na naman tayo magkaintindihan.😦

  28. paurong said

    DIANNE JANE.
    ok.

  29. juana said

    lagi namang okay e. bahala ka nga.

  30. paurong said

    DIANNE JANE.
    wala naman kasing nakakaintindi sa akin.

  31. juana said

    nge. watever.

  32. paurong said

    DIANNE JANE.
    gabi na neng. umuwi ka na. nag-aalala na mga magulang mo.

  33. juana said

    pinapaalis mo na ko?

  34. paurong said

    DIANNE JANE.
    pwede na kitang artista sa susunod kong play na ididirihe.

  35. juana said

    artista? watever.

  36. juana said

    alis na ko. good night.

  37. inay said

    salamat sa pagdalaw sa bahay namin😉

    happy bday kay lolo saan man siya naroroon …

  38. paurong said

    NANAY.
    wala pong anuman!

  39. shella said

    condolence.. xencia na po ngaun ko lang nabasa.. hmm finals na po kasi namin dis week…

  40. paurong said

    SHELLA.
    galingan mo sa exams! kaya mo yan! wag masyadong magdrama.

  41. shella said

    salamat ah.. sigeh gagalingan ko.. naman.. kailangan.. gudluck na lng talagah sa akin..

  42. paurong said

    SHELLA.
    sabi ko nga e kaya mo yan.
    mag-aral kang mabuti.
    ako rin! cheers!

  43. Oo nga pala ano. Kwents lang pala. Akala ko totoo na. hehe

  44. paurong said

    Pinoy Writer.
    yeah. kuwento. ang title: Krusipiho.

  45. foobarph said

    uu nga, madrama talaga si jonell.

  46. paurong said

    FOOBARPH,
    matagal na no! hehehe.
    tignan mo naman yung pagkakasulat ko. hehehe. woot.

  47. shella said

    ..d ba dapat wula na kaung test..?? practice na lng..??

  48. paurong said

    SHELLA.
    test? anong test? wala na kaming test.

  49. shella said

    ..eh bakit kailangan mo pang mag-aral..?? ahahah..!!

  50. paurong said

    SHELLA,
    for college. may apat akong math na subjects e.

  51. shella said

    ..ah.. anung course po bang balak mong kunin..??

  52. paurong said

    SHELLA,
    BSIT na nakuha ko sa feu.

  53. shella said

    ..ah ung feu east asia ba un..???

  54. paurong said

    SHELLA,
    yeah. east asia college. dun ako.

  55. shella said

    ..ohh i see.. gudluck sayo sa pagpasok mo sa ibang dimension.. ahahah..!!! yan magkakafriend na ko na taga dun.. pagala minsan ah.. =p

  56. paurong said

    SHELLA,
    ayos ah! hehehe.

  57. sam said

    was looking for ang mundo ko’y ikaw lyrics… and here i was!😀

  58. paurong said

    SAM,
    thanks for the visit!

  59. marj_sam said

    tell me who is he… (up^)
    haha..ganda ng name🙂

  60. paurong said

    MARJORIE,
    hindi ko nga siya kilala..
    pero one good thing is.. christian siya!

  61. marj_sam said

    yuppers nga eh, pumunta aq sa site nya….
    mwuah…

  62. paurong said

    MARJORIE,
    humalik ka na naman..

  63. akotoh said

    sino my mp3 ng ANG MUNDO KO’Y IKAW? i need it badly..😛

    tnx

  64. akotoh said

    cno my mp3 ng ANG MUNDO KO’Y IKAW..

  65. paurong said

    AKOTOH,
    meron akong mp3 ng ang mundo ko’y ikaw.

  66. paurong said

    AKOTOH,
    teka.. hindi ko alam kung paano kita mabibigyan ng kopya.

  67. marj_sam said

    pero deep inside gustong gusto mu nman!! haha
    jowk lang… ui, si patrin?!
    go sam!!

  68. paurong said

    MARJORIE,
    para kang sira.
    patrene hindi patrin..
    ayun nakakausap ko na sa telepono.

  69. honey said

    ang pangit ng bakekang sa huli si herman at si bakekang nagka2luyan,at tsaka namatay c kristal ang pangit talaga,dapat nd nmatay c kristal at nabuo ang kanilang pamilya ang pangit kc d man lang nalaman ni kristal ang ka22hanan kong sino ama niya waaaaaa tapos ung kay valeria naman d man lang nagpakita c lorene para mapatawad ung ina nita ang saya sana ng wakas kong walang namatay at sama sama ang pamilya ni bakekang,

  70. marj_sam said

    weh? so friends na kau ni PATRENE? ah ganun?
    haha, bigay mu no. nya ha…
    hehe..go sam!!🙂
    mwuah…

  71. cathy said

    sana meron ng video songs ni aicelle santos of tayong dalawa na songs

  72. paurong said

    HONEY,
    hindi ko rin nagustuhan ang ending.
    nakaka-disappoint.
    ang ganda pa naman ng last three weeks bago yung ending.. tapos ganun lang.
    sa bagay.

  73. paurong said

    MARJORIE,
    nanjan naman si jian e.. hehehe.

  74. paurong said

    CATHY,
    wala po e.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: