Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

2 Bisita.

Posted by Paurong sa Martes, Marso 13, 2007

Ganoon na lang pala ang pakiramdam kapag namatayan ng kamag-anak lalo pa’t kapiling namin ang mga ilaw na walang katapusang nakabukas sa buong magdamag, mga bulaklak na ipinaabot ng mga kakilala, habang nilalasap ang paulit-ulit na tunog ng pagbalasa ng baraha sa lamesa.

Hindi ako sanay magpuyat kaya nahirapan ako sa unang araw ng burol ni Lolo. Gayunman, inasahan kong titiwasay rin ang aking kalagayan pagkalipas ng limang araw.

Bihira akong makalapit sa kabaong na pinaghihimlayaan ng taong iyon na hindi ko maubos-maisip na marami pala talagang pinagdaanan. Maraming bisita ang kumausap kay Tita at nagsabing naging mahalagang bahagi si Lolo ng buhay nila.

“Mabait po iyang si Sir. Hindi ko makakalimutan ang tulong na iniabot niya sa akin noong gipit talaga ako sa pera. May sakit noon ang anak ko at nasa ospital. Kung hindi siguro dahil sa kanya e hindi nakaligtas ang anak ko,” bulalas ng isang babaeng nasa kuwarenta ang edad.

Bakit kasi kailangan pang mawala si Lolo? Kung kailan pang magtatapos na ako ng pag-aaral sa high school. Kung kailan pang hindi na niya ako makikitang umakyat sa stage.

Balot man ng takot, sumilip ako sa kabaong at pinagmasdan ang mukha ng aking Lolo. Marami siyang natulungan noong nabubuhay pa siya. Saludo ako sa kanya.

Tutulo na sana ang aking mga luha nang biglang sa hindi inaasahang pagkakataon ay dumating ang isang bisita. Oo, inasahan namin siyang dumating. Lalo na ako—akong anak niya, akong anak niya.

30 Tugon to “2 Bisita.”

  1. juana said

    hui. magkagalit ba tayo?

  2. JUANA,

    di kayo magkagalit. el kyu lang yan!

    JONELL,

    wala lang. hehe. ang hirap tuloy idistinguish kung ano ang fiction sa non-fiction.

  3. paurong said

    CARL JOY DAYANDANTE.
    LQ? as if naman o.

  4. paurong said

    CEEJAY.
    bakit naman mahirap matukoy kung ano ang fiction at non-fiction?
    it matters on your observations.
    matalino ka naman, eh. kaya mong malaman kung ano ba ang hindi totoo sa mga sinasabi ko.
    aba’t anong oras na? online kayo ng online..

  5. juana said

    grebe. kay carljoy at kay ceejay ka magreply. magkaiba kasi sila e.:-/

    ui. ano? magkagalit ba tayo?

  6. juana said

    *grabe pala.

  7. paurong said

    naaadik na ako sa kantang ito:

    Mou Sukoshi
    by Atsumi Saori

    (from the anime Midori No Hibi)

    soshite kizuita toki ni kangaeteru no wa kimi no koto de…
    sore ga sugoku hazukashikattari
    sugoku iyadattari omoete
    sore wa boku ga kimochi wo tsutaeru koto ga kowai kara de

    atama de osaetsukete mo kokoro ga dousuru koto mo dekinakute
    autabi ni kimi ni satorarenai youni
    itsumo to kawarinai youni hanashiteru tsumori de

    yoyuu mo nakute kurushiku natta boku wa
    kimi ni uso wo tsuiteshimau… dakedo

    mou sukoshi… mou sukoshi…
    kimi no kokoro ni chikazuitara
    mou sukoshi… mou sukoshi…
    ima kono toki ga kienai youni
    douka kamisama boku ni yuuki wo kudasai

    soshite omoiagunete mo kakkou warui dake no boku de
    kimi ga dou omotteru no ga ki ni natte mo
    ippo mo saki he sumanai wakatteru tsumori de

    jibun jyanai you na mune no MOYAMOYA ga
    itaku natte nigetakunaru… dakedo

    mou sukoshi… mou sukoshi…
    kimi no soba ni irareta nara
    mou sukoshi… mou sukoshi…
    yoru yoake nai de kureta nara sabishii
    toki mo namida wo nugutte ageru kara

    yozora ni ukabu kakete mo hikaru tsuki ga
    tsuyoku mo narenai jishin mo nai
    boku wo mite hohoenda hora ne…

    mou sukoshi… mou sukoshi…
    kimi no soba ni irareta nara
    mou sukoshi… mou sukoshi…
    yoru yoake nai de kureta nara

    mou sukoshi…mou sukoshi…
    kimi no kokoro ni chikazuitara
    mou sukoshi… mou sukoshi…
    ima kono toki ga kienai you ni
    douka kamisama boku ni yuuki wo kudasai

  8. Euri said

    My condolences…

  9. paurong said

    EURI.
    for what? jejeje.. you ain’t need give your condolences.

  10. hehe. ganun?

  11. Euri said

    condolence? wag.

    Bakit wag?

  12. juana said

    wag ka nang magalit sakin.

  13. xine said

    wui, online ka ba?

  14. Euri said

    Ah fiction ba ‘to. Sorry. I thought it’s not. 🙂 Well, I’m taking my words back.

  15. paurong said

    JOY.
    wah. sandali lang ah. tatawag ka pa ba?

  16. paurong said

    EURI.
    it’s the second short installment of my latest story entitled “contre la montre.”

  17. paurong said

    KRISTINE.
    kelan mo ba ibibigay yun ha?

  18. paurong said

    EURI.
    ayos lang yun!😀 smile!🙂

  19. juana said

    si juana ay hindi si joy. hay naku.

  20. paurong said

    DIANNE.
    huh? ano? what?

  21. shella said

    ..hindi ko mapigilang kilabutan..
    ..im afraid of caskets…
    ..sorry…

  22. paurong said

    SHELLA.
    e paano pa kaya pag gumalaw na yung nasa loob ng kabaong.
    yun yung una kong balak.. pero sa susunod na post na lang yun. jejeje..

  23. juana said

    ah wala. bobo ako. wa.

  24. shella said

    kamustah naman ang pag-galaw ng patay..?? ..hmmm malapit na ba ang araw ng patay at nananakot ka..?? este ako lang pala natatakot… ayoko talagah ng kabaong…!!!!

  25. christian said

    “Mabait po iyang si Sir. Hindi ko makakalimutan ang tulong na iniabot niya sa akin noong gipit talaga ako sa pera. May sakit noon ang anak ko at nasa ospital. Kung hindi siguro dahil sa kanya e hindi nakaligtas ang anak ko.”

    Mas maganda sana kung narinig ng lolo mo yan ng personal. Yan ang isa sa hindi ko maintindihan, bakit kelangan pang mamatay ang tao bago sabihin ang mga kind words na yan? Haay…

    May problema ka sa parents mo? I hope you can fix it soon. You know, magulang mo pa rin sila, at hindi magbabago yun.

  26. paurong said

    DIANNE.
    bobo daw e no. tumigil ka nga. may counter na rin ako. jejeje!

  27. paurong said

    SHELLA.
    hindi naman ako nananakot e. nakakatuwa lang kasi maglalagay ako ng horror flicks. hehehe!

  28. paurong said

    CHRISTIAN.
    marami talagang ganyan sa panahon ngayon, pag patay lang nailalabas yung mga mabubuting salita.

    nga pala, it’s a fiction. sunud-sunod ko yang ginagawa.

  29. shella said

    ..sigeh bala ka sa life mo..
    ..blog mo naman to eh..
    ..sinuh ba nman ako para pigilan ka..

  30. paurong said

    SHELLA.
    nagdrama e no? hehehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: