Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

3 Ibong Mandaranggit.

Posted by Paurong sa Miyerkules, Marso 14, 2007

Sa espasyo pa lamang sa labas ng bahay ay natanaw ko na siya. Nakasuot siya ng jacket. May bitbit siyang mga bag. Hindi ako dapat naniwala sa pagbigkas ni Tita ng tawag na “Kuya” pagpasok ng lalaking iyon sa sala.

Ang kanyang mga mata ay katulad ng sa akin. Ang hugis ng kanyang katawan ay maihahambing sa aking matangkad na pangangatawan. Madalas sa aking sabihin ni Lolo noon na parang ako ang lalaking iyon noong bata pa siya. Kamukhang-kamukha nga raw. Paulit-ulit ko nang narinig ang pagsabi niyang para raw kaming kaulitan ng isa. Ngayo’y napapatunay ko na, unti-unti, na may magkaparehong dugong nananalaytay sa aming pagkatao.

Matapos siyang yakapin ni Tita, kinuha nito ang kanyang mga bag at ipinanhik sa itaas. Sa pagkakataong iyon ay nabaling na ang kanyang tingin sa mga ilaw na nakapaligid sa kabaong. Lumapit siya dito at pinagmasdan ang laman nito. Inilapat niya ang kanyang kanang kamay sa salaming humaharang sa patay at sa buháy na malapit nang sumigaw ng “Eto na ang hangganan.” Ang kanyang ngiti ay sumagisag sa kanyang pighating makitang muli ang kanyang tatay sa panahong wala na ito.

Sa mga sandaling iyon ay naitago ko na ang aking sarili sa gilid ng mga kurtina. Ayaw kong makita niya ako at mas lalong ayaw kong makita siya ng málapitan. Sa mga sandaling iyon ko rin napansin ang batang kumakapit sa kanyang kaliwang kamay. May kung anong nagtulak sa akin upang ibunyag na ang pagkakatago. Mabilis niya akong nakita at naidikit ng maigi ang tingin sa akin.

“Joseph… anak?”

Sa umpisa’y pinili kong manahimik ngunit umabot lamang ito ng sampu o labinlimang segundo. Pinagmasdan ko siya. Halos walang pinagbago. Halos ganoon pa rin ang kanyang hitsura. Inubos ko ang katahimikan at humandang magsalita gayong ang mga salitang mga ibong dumaragit ng kapwa ibon ay naipon sa loob ng aking puso, humihiyaw sa poot at galit.

“Anak? Ang lakas naman ng loob mong tawagin akong anak.”

“Hindi mo lang alam kung ga’no ako nangungulila sa’yo, anak.” Nabigo siya sa pagsubok na mahagkan ako sa kanyang mga bisig. Itinulak ko siya ng buong lakas.

“Bilib ako sa’yo. Ang lakas ng loob mo, e! Nagawa mo pang pumunta dito kasama yang batang ‘yan!”

“Si Emil nga pala, kapatid mo—”

“Hindi ko siya kapatid,” malumanay kong idiniin. “Hindi ko siya kapatid dahil wala akong kapatid at kahit kelan hindi ko ‘yan magiging kapatid. Alam mo ba, madalas kong isiping sana hindi mo na lang ako ginawa. Sana talaga hindi ka na lang naging makatí sa asawa mo nang hindi niyo na lang ako ginawa, e di sana naging mas maayos pa ang buhay niyo.”

Nagawa niya akong saktan. Ang dagling paglapat na iyon ng kanyang kamay sa aking mukha ang nagpatahimik sa akin.

“Bastos kang bata ka—”

“Ikaw ang bastos, dahil kung hindi ka bastos at malibog, hindi mo magagawa ang batang ‘yan sa kabit mo!”

Napagtanto ko, gayunpaman, ang aming paligid. Hindi lang kami ang nasa sala! Hindi lang kami ang nasa buong bahay! Ang mga bisita at tambay sa labas ay nakamasid sa aming dalawa. Ang mga naglalaro ng bingo ay natigilan din. Si Tita naman at si Lola ay agad nang nakababa at inawat kaming dalawa.

“Baste, ano ba ‘to?” tanong ni Lola.

“Ma!” Niyakap niya si Lola at ipinakilala si Emil. “Anak ko po kay Grace.”

“Putang inang Grace ‘yan,” sambit ko.

Kinapitan niya ako sa braso. “Sumosobra ka nang bata ka!”

“Ano ba kayo? Respetuhin niyo naman ang patay. Joseph. Kuya.”

Nagsalita ako. “Ano bang ginagawa mo dito, ha? Para saan? Para ipakilala ‘yang ipinagmamalaki mong anak kay Lolo. Pumunta ka dito dahil patay na siya. Sana ako na lang ‘yung unang namatay para naging mas maaga ang pagpunta mo dito. Ano sa tingin mo?”

“Anong nangyayari sa’yo, anak?”

“Huwag mo sabi akong matawag-tawag na anak. Ang tigas ng bungo mo!” Nakatingin silang lahat sa akin.

Awa ang ipinukol sa aking tingin ng mga tao, ngunit wala akong hinihinging awa kundi pang-unawa. Ang kulo ng aking damdamin at ang mga luha ay nagsikawala at walang naikubling hinanakit.

“Mas mabuti pang hindi na lang kita makita. Sana patay ka na lang talaga tulad ng kung paano mo ako pinaniwala. Tapos, darating ka dito dahil patay na si Lolo at para ipagmalaki ang anak mong ‘yan. Kelan mo ba ako nagawang ipagmalaki. Itinuring mo ba talaga akong anak? Ako? Yung ako? Yung akong nakikita mo ngayon? Nasaan ka ng kelangan ko ng tatay? Sabihin mo sa akin. Diba wala ka naman. Kelan mo ba ako huling napagalitan para matuto akong tumayo sa sarili ko at para matuto ako sa lecheng buhay kong ‘to? Putang ina. Putang ina!”

“Joseph, kelan ka pa natutong magmura?” ani Lola.

“Hindi ako marunong magmura, La, pero tuwing naaalala ko ang gagong ‘yan, kusang lumalabas sa bibig ko.”

“Igalang mo naman ang tatay mo. Pati na rin ang kamatayan ng lolo mo.”

“Eh, ‘yang lalaking ‘yan, e! Akala ko ba patay na ‘yan? Lokohan ba ‘to? Pinaniwala niyo akong lahat na patay na siya. Siguro dahil alam niyong may pamilya na siyang iba. Tama naman diba?”

“Ginawa namin ‘yun para sa’yo,” paliwanag ni Lola. “Hindi ka dapat magalit sa tatay mo. Higit na hindi ka dapat magalit sa bata dahil biktima lang siya ng sitwasyon. Apo, intindihin mo.”

“Ako ang biktima dito. Ako. Pero… pero wala akong kakampi. Sana buhay pa si Lolo. Sigurado akong ipagtatanggol niya ako. Baluktot na pala ang tama. Magandang gabi senyong lahat.”

Dahan-dahan ang ginawa kong paglabas. Sa papasok pa lamang ay naulinigan ko na ang mga bulung-bulungan ng mga tao. Huminto ako sa paglakad. Natahimik silang lahat at nag-abang sa susunod na mangyayari. Para silang mga tagasubaybay ng drama sa telebisyon tuwing gabi.

Umanyo ako bilang isang sirkero. “Tapos na po ang palabas. Nawa’y nasiyahan kayong lahat.” Walang nakapigil sa akin sa tuluy-tuloy na paglabas ng bahay at sa pag-iwas na marinig ang kung anu-anong bagay na ipinukol sa akin. Hinayaan ko ang mga mánunood na lalo pang mamangha sa batang tumutulay sa alambre. Ang batang iyon ay ako—ang batang walang maliw na nagpapabalik-balik sa tulay na alambre, hindi mahulug-hulog sa kabila ng matinding takot.

Isang lugar lang ang naisip kong mainam na puntahan: ang kulungan sa presinto.

40 Tugon to “3 Ibong Mandaranggit.”

  1. Carmen said

    I can’t understand any of this so I can’t actually return your comment but thanks i guess! And hope everything’s going well for you.
    xo

  2. paurong said

    CARMEN,
    that’s fine with me. i am not writing anything in english as of the moment but i will be back to that medium after i finish this story. i’m fine, thanks! have a nice day!

  3. anak said

    Nilink ka na ng pamilya! Gandang hapon mula sa mga D’Magiba!🙂

  4. paurong said

    ANAK,
    salamat sa pamilya d’magiba!

  5. Hmmm…Ito ba ang Grace sa kwento ko? Heh-heh-heh.

  6. paurong said

    Pinoy Writer,
    hindi no! hehehe! pero pwede nating makonek yun sa isa’t isa.

  7. foobarph said

    madugo ang kabanatang ito. sana may mamatay para matapos na ang istorya. ^_^

  8. Rainne said

    wow….. ang ganda naman….. nakakarelate ako! ahaha

  9. paeng said

    aah? kita kitz sa monday? ket nu meron? hehe san?

  10. paeng said

    hahaha. salamat! onga e. sayang d prom king. pero host nman din kc ako nung prom. lolz.

    onga e. lapit na grad! haha. san ka na school?

  11. juana said

    naks. ang haba pala talaga.

    at nagawa mo pa talagang isend yan sakin through sms. adik.

  12. paurong said

    FOOBARPH,
    mamatay? grabe naman yata yun. para matapos na ang kuwento? wag muna. may mga mangyayari pa.

  13. paurong said

    RAINNE,
    wow. binasa mo talaga, ha!
    pagaling ka na para mawala na yang migraine mo!

  14. paurong said

    PAENG,
    akala ko ba kasama ka kina denib?

  15. paurong said

    PAENG,
    sa pnu ako magka-college. (ui, dianne!)
    hindi joke lang yun..
    ayos lang yun.. kaya lang graduation na. huhuhu.

  16. paurong said

    DIANNE.
    hindi ako adik. bampira ako.

  17. Felize said

    Hi! I am Felize Mendoza, a 2nd year student from Philippine Science High School. I just want to show you our project in Social Science (Pisay Meets World), We Hold the Future.

    Please click the link below (my teacher’s blog) and please also click the video frame which links to YouTube, please leave a comment there, you need an account to comment (in YouTube). We need comments.

    The video will take only about 5-6 minutes of your time.

    Thank you very much. Ü

    http://sirmartin.wordpress.com/2007/03/12/pisay-meets-world-featured-project-5-we-hold-the-future/

  18. paurong said

    FELIZE,
    me? woh. alright, i’ll do what you want me to do so that i can give you help but then i will do it later. thanks!

  19. shella said

    ..ang haba..
    ..enyweiz praiseworthy naman..
    ..hmm.. ..buti naman at wula na ganung casket thingy.. ahahah!!!
    ..c rainne talagah..
    ..nakakarelate daw xa.. ehehe..

  20. paurong said

    SHELLA,
    salamat. teka, binasa mo ba? weh? oo wala nang tungkol sa kabaong. sa susunod pa yun.. hala ka! hehehe.
    may sakit pa rin si rainne.😦

  21. shella said

    ..uu nga eh.. masakit daw ulo nyah..
    buti na lng at sinabi mu agad na sa susunod na un..
    …pass muna ko..
    ..hahahah!!

  22. paurong said

    SHELLA.
    i am sorry.

  23. shella said

  24. paurong said

    SHELLA,
    sorry na. bati na tayo, pls!

  25. shella said

    ..anuh pa nga bang magagawa ko..
    ..sabi nga sa mark 11 25-26 forgive trespasses..
    ..haaayy..

  26. paurong said

    SHELLA,
    wah!😀

  27. shella said

    ..sana lng d na un maulit.. nakakainis po kasi eh..

  28. paurong said

    SHELLA,
    sorry na talaga.
    bad trip kasi dito sa bahay e.
    nabaling ko pa sa’yo..
    sorry talaga.
    i admit i was wrong.

  29. shella said

    ..pede bang malaman kung bakit..???

  30. paurong said

    SHELLA,
    kasi may pinipilit sa akin na ayaw ko.

  31. shella said

    ..ah eh di sbihin mu sa kanila ng maayos.. d ung sa iba mu binabaling ung inis mo.. ^^

  32. paurong said

    SHELLA,
    oo nga tapos na.

  33. dave said

    hanep madrama! i like it, the emotions are raw.

  34. paurong said

    DAVE,
    madrama ba? hahaha. salamat. abangan mo na lang ang susunod na mangyayari.

  35. A true writer is born. Keep it up!

  36. paurong said

    Pinoy Writer.
    o ayan na ang karugtong, kasusulat ko lang.

  37. nagmura!

  38. paurong said

    CARL JOY.
    nagmura ka jan…

  39. Baka makita ni Lolo si Mr. Destiny at buhayin siya ulit? Ala ‘Sana Maulit Muli.’

  40. paurong said

    Pinoy Writer.
    sana maulit muli na concept. hahaha! hindi naman ganun e.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: