Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

4 Si Chief de Leon.

Posted by Paurong sa Huwebes, Marso 15, 2007

“Si Chief de Leon?” tanong ko sa pulis na nakaupo sa kabila ng receiving desk.

“Ano’ng kailangan mo?”

“Kilala niya ‘ko. Pakisabi si Joseph Madrigal.”

“E, ano nga ang kailangan mo?”

“May itatanong lang po ako.”

“Maghintay ka.” Tumingin siya sa isa pang pulis na naroong nakaupo sa isang silya at nagbabasa ng magazine. “Sabihin mo nga kay Chief may binatang naghahanap sa kanya. Ano ulit pangalan mo, boy?”

“Joseph Madrigal po,” malakas kong sinabi.

“Huwag kang makasigaw-sigaw, hindi ako bingi.”

Makalipas ang isang minuto ay lumabas ang hinahanap ko. Nakaumbok pa rin ang malaki niyang tiyan. Ang kanyang bigote ay waring hindi binabawasan. Ang nakakatakot niyang hitsura ay nakatatak pa rin sa aking alaala. Maging ang hugis ng kanyang salaming suot ay sariwa pa sa aking pag-iisip.

“O, Joseph, ikaw na ba yan? Kumusta na?”

“Magandang gabi po, Chief.” Inakbayan niya ako at ipinasunod sa may papasok ng presinto.

“O, kayo muna bahala diyan.”

“Matagal na po tayong hindi nagkita, ano po? Akala ko hindi niyo na ako matatandaan.”

“Hindi pa naman ako ganun katanda para makalimutan ko ang kaibigan ng anak ko.”

“Si Louie po?”

“Si Louie? Wala ka na bang balita sa kanya? Sa Makati na siya nag-aaral. Ayun, masipag naman. Halika.”

Inaya niya ako sa isang upuan sa gilid ng istasyon. Mas mainam na raw na kami lang ang tao para may privacy.

Si Chief de Leon ay tatay ng isa kong malapit na kaklase noong elementary. Sa katunayan, matalik kong kaibigan si Louie. Mula noong dinala siya doon ng kanyang nanay, wala na akong naging balita sa kanya.

“Kunin mo number ni Louie. Eto o.” Inilabas niya ang kanyang cellphone at akmang ipapakita sa akin ang numero ng kanyang anak.

“Ibibigay ko na lang po sa inyo ang number ko. Nasa bahay po kasi ang phone ko.”

“O, sige. Ikaw ang bahala.”

Pagkatapos kong maibigay ang aking numero, agad niya itong ipinadala kay Louie.

“Huwag mo sa’king sabihing may nangyari sa bahay niyo?”

Natahimik ako.

“Hindi mo sa akin maitatago ‘yan. Magkaugali kayo ng anak ko, naaalala mo pa ba? Ganyan na ganyan siya kapag may problema. Parang ikaw.”

Lumalim ang pagkatikom ng aking bibig.

“Kailangan mo ba ng tulong ko?”

“Iyon nga pa ang sinadya ko, Chief. May kailangan akong malaman. Gusto kong malaman kung saang kulungan nandun si Tito Raphy, yung kapatid ni Papa.”

“Nakulong ba siya?”

“Malakas po ang kutob ko. Chief, kailangan kong makausap si Tito Raphy sa lalong madaling panahon. May kailangan akong malaman.”

Tumayo siya at binuksan ang kanyang cellphone. Pumindot siya ng numero at may kinausap.

“Seraphin Madrigal?”

Tumungo ako. Pagkaraan ng maiksing tawag na iyon, lumapit siya sa akin at sinigurado niya ang tulong na kanyang ibibigay sa akin.

“Tamang-tama dahil pauwi na ako. Masasamahan kita.”

“Thank you po.”

Bumalik kami sa headquarters at nagbilin siya sa kanyang mga kasamahan. Importante raw ang lalakarin niya. Napansin kong nakapagpundar na pala siya ng kotse.

“Maganda po pala ang kotse niyo!”

“Ah, kabibigay lang nito ng ate ko.” Binuksan niya ang pinto nito at pinapasok ako. “Big time kasi siya ngayon. Eto, sa kanya na ako nakatira. Yung asawa niya kasing Koreano e bumalik muna sa Seoul. Hindi ko alam kung bakit. Sabi nung asawa niya doon muna ako tumira sa kanila nang mabantayan ko si Ate. Sabi ko nga, sumama na lang siya. Ayaw. Natatakot na kasi siyang maulit yung pagsakit ng puso niya kapag nagta-travel. Magsuot ka ng seatbelt.”

Umandar na kami. Naisip ko kaagad si Louie at maraming tanong ang pumasok sa isip ko. Kumusta na ba talaga siya? Bakit hindi siya kasama ng tatay niya? Maraming bagay ang dumagdag sa magulo kong utak.

“Saan po ba tayo pupunta?”

“Uuwi muna ‘ko. Magbibihis ako ng damit. Kumain na rin tayo ng hapunan. Anong oras na ba? 8:20 na. Baka gutom ka na.”

“Gutom na nga po talaga ako, e!”

“Hayaan mo. Malapit na tayo. Relax ka lang diyan!”

Sa mga sandaling iyon ay padaplis-daplis kong nakalimutan ang mga nangyari sa bahay. Hindi ko pa alam kung dapat ko bang ikuwento kay Chief ang tungkol doon. Bahala na, sabi ko sa aking sarili.

Binuksan ko ang radyo ng kotse at ipinihit sa magandang tugtog. Napasabay ako sa indak ng musika. Natawa sa akin si Chief. Nakamasid lang ako sa kalsada. Nakapasok na pala kami sa compound. Binanggit sa akin ni Chief na may nakaharang sa isang daan kaya sa kabila pa raw kami dadaan.

Nakabantay lang ako sa aming dinaraanan. Ang aking mga mata’y maiging nakatingin sa naliliwanagang sementadong daan. Natanaw ko mula sa malayo ang isang pamilyar na bagay: isang katawang nakabihis ng puting pantaas at puting pantalon. Malayo pa lamang ay alam ko na kung ano iyon ngunit nagdalawang-isip pa ako. Sinimulan akong kainin ng matinding kaba at takot. Patawid ang anyong iyon, nakatutok ang malabong mata sa kotseng aming sinasakyan. Masasagaan ba? Nilamig ang buo kong katawan sa aking natunghayan. Hindi ako maaaring magkamali. Iyon ang aking Lolo.

42 Tugon to “4 Si Chief de Leon.”

  1. Dumadami na ang mga characters a. Matandaan ko pa kaya sila? Mukhang horror na ang susunod na eksena. Tatagos siguro si Lolo sa kotse.

  2. paurong said

    Pinoy Writer,
    kailangan ko pa ang iyong mga puna tungkol sa mga nangyayari.

  3. inay said

    uy, tumaas din yata balahibo ko
    teka mabalikan ko ang umpisa ng kuwento😉

  4. paurong said

    INAY,
    hindi naman horror yung kuwento ko e. hehehe! ;D

  5. juana said

    jonell.

  6. paurong said

    DIANNE.
    o bakit?

  7. juana said

    wala lang. adik ako.

  8. paurong said

    DIANNE.
    binasa mo na ba ‘to?

  9. juana said

    hindi pa. ang haba e. nasa library lang ako.

  10. paurong said

    DIANNE.
    a ok.

  11. juana said

    alis na muna ako. maya na ako mag-oonline. gawa lang kami ng project. bbye.

  12. juana said

    si martin ung nagcocomment. waaa. ui. sige. alis na kami.

  13. paurong said

    DIANNE.
    project? adik ba kayo? naghahapit lang kayo e.

  14. paurong said

    DIANNE.
    si martin? buti naman nakita mo na yang taong yan.
    bampira ka!

  15. juana said

    klasmeyt ko si martin kaya makikita ko talaga siya.

    tsaka pano ako naging bampira?

  16. juana said

    ayan. katatapos ko lang magbasa.

    bakit ang weird? naging horror bigla. haha.

  17. tina said

    lolo nya….. buhay o patay? abangan ang susunod na kabanata. hehe.

    salamat sa greet. ok na ako ngayon hihi.🙂

  18. Alena Sipalay said

    this is nice… ur a good writer tlga…

  19. Alena Sipalay said

    This is nice… ur really good.

  20. Alena Sipalay said

    tama b ung pnuntahan ko???

  21. Shari said

    Nice. I especially like the previous “chapter”. Soap opera ang dating, hehe.

    May kambal kaya si Lolo? O baka namamalik-mata ka lamang?😉

  22. paurong said

    DIANNE.
    e diba nga hinahagilap mo siya sa school niyo. bampira ka kasi hindi ka natutulog.

  23. paurong said

    DIANNE.
    weird na pala itong isinusulat ko ha?

  24. paurong said

    TINA.
    kung nabasa mo yung una at pangalang part e makikita mo dun na deadz na yung lolo ni joseph.

  25. paurong said

    ALENA SIPALAY, IV-1.
    how nice of you to visit. salamat talaga! i appreciate it a lot!

  26. paurong said

    SHARI.
    madrama ba yung previous part. hahaha! nakakatuwa naman.
    wala naman sigurong kakambal ang lolo ni joseph. yun talaga yun.

  27. juana said

    abnormal ako. lahat ng bagay para sa akin ay werid.

  28. kamil said

    paurong? bahala ka. hulang beses na lang uli ako magsasabi sa’yo na magiging paurong ang takbo ng buhay mo kung sa pangalan mo pa lang “paurong” agad. Minsan kailangang mag-isip ng positibing bagay.

    Kamil from NSHS

  29. Miko Dela Cruz said

    Look what i have found

  30. sheLLa said

    …waahh..!!!
    ..nakakainis naman un..
    …kinabahan at kinilabutan ako dun ah..
    ..hmm wula pa naman akong ksama ngaun d2.. at patay pa ang ilaw..
    ..eto talagah.. ayaw ko natuloy maghilamos…
    …aaahhhh… T.T

  31. tsina said

    de Leon reminds me of my favorite chemistry teacher WALA LANG SI SIR DE LEON!!!!!

  32. paurong said

    DIANNE.
    i hate the word “weird.” yuck.

  33. paurong said

    KAMIL.
    wala ‘yan sa pangalan. pseudonym ko yan e. wala ka nang magagawa dun. hindi ko babaguhin ‘yan.

  34. paurong said

    CHICO.
    kaya nga ba ayoko ng pangalan ko e.
    jonel’s brief? eeew..
    grabe naman yun. naghanap ka ng video sa youtube.

  35. paurong said

    SHELLA.
    hindi naman ako nananakot e.
    kunwari na lang nandyan si lolo sa likod mo.
    wah!!!

  36. paurong said

    TSINA.
    wala lang. baka magkamag-anak sila.

  37. Bakit pare-pareho ang mga names ng characters natin? Meron akong Laila Madrigal at Grace. Whew!

  38. paurong said

    Pinoy Writer.
    nagkakataon lang yun! :d
    meron ka bang ym?
    eto ang sa akin: gusot2007

  39. sheLLa said

    ..d mu ako tinatakot nyan ah.. T.T

  40. paurong said

    SHELLA,
    hindi naman kita tinatakot e…😦

  41. Rainne said

    wow…. masasagsaan kaya?

  42. paurong said

    RAINNE,
    wow.. binabasa talaga.. salamat!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: