Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Mga problema ko.

Posted by Paurong sa Linggo, Marso 18, 2007

Dahil sa wala akong magawa sa harap ng laptop, naisipan kong puntahan ang Youtube.com para panoorin ang music video ng Ikaw Lamang ng bandang Silent Sanctuary. Grabe. Sobrang napaiyak ako. As in. Kapag umiyak pa man din ako, grabe!

Nakakatuwa kasi mahilig magsulat ng tula yung guy doon sa video. Ang mas ikinatuwa ko pa ay ang makitang long sleeves ang uniform niya. Hehehe.. parang ako lang ha!

Teka. Kelan ko ba unang narinig ang kantang ‘yon? Dati pa noong MyxMo yata tawag dun. Ayun. Umpisa pa lang, nawindang na ako. Tapos nung napakinggan ko na siya ulit sa TV, mas lalo akong nahulog sa kantang ‘yon. Bumabagay pa kasi in love ako ngayon e. Excuse me, ano daw? In love? Ako? Wah. Wala akong masabi. Medyo badtrip pa ako as of now dun sa girl kasi hindi ko siya nakausap ng mas matagal.

Favorite na favorite ko talaga ang kantang ‘yan. Lagi ngang ‘yan ang pinatutugtog ko, eh. Kahit paulit-ulit. Para ngang everyday 100 times ko siyang pinakikinggan. Hindi naman sa exaggerated yung sinabi ko, pero yun talaga ang totoo.

Oops.. Marami pala akong problema… Iisa-isahin ko muna. Actually, tatlo lang naman.

  • ISPIRITWAL. Ito ang pinakamatindi kong problema. Nahihiya na ako sa itaas e. Pero babalik pa rin ako dahil alam kong bukas-palad Niya pa rin akong tatanggapin. Hindi Niya ako pinababayaan kahit na lumalayo na ako sa Kanya. Hindi na maganda ‘yung ganun. Gagawin ko ang lahat mapalapit lang ulit sa Kanya. Hindi na kaya ako nagdarasa ng maayos. Hindi na rin ako nagbabasa ng Bible. Hindi na rin ako nagsisimba. Ayoko ng ganito. Mahirap sa kalooban kong hindi kami close ni God.
  • KALUSUGAN. Bampira na talaga ako. Hindi na kasi ako natutulog ng maayos. Wala na sa lugar! Halos dalawang oras lang ang nagiging tulog ko sa bawat araw. Walang madaling-araw na hindi ako gising. Kapag hapon lang ako nakakabawi. Ayoko ng ganito. Nahihirap ako.
  • PAG-AARAL. Kailangan akong mag-aral ng mabuti. Nakakahiya naman sa dalawa kong tita at sa lola ko kung hindi ako magsisipag. Ngayon pa lang, binababad ko na ang sarili ko sa mga libro. Sisiguraduhin kong hindi ako magpapabaya pagtungtong ko ng college. Malayo pa man din ang papasukan ko.

Bukod nga pala sa mga problema kong iyan ay iniisip ko rin ang tungkol sa bukas. Katatagpuin ko kasi dapat si Padre Salvi para makapunta ako sa despedida ng Seminarista. Kaya lang.. kaya lang.. parang imposible. Titignan ko na lang bukas kung ano ang kalalabasan.

Hanggang dito na lang. (2:37 AM)

38 Tugon to “Mga problema ko.”

  1. chino said

    graduating!! madami tlgang problem pag graduating… kaya mo yan…. collegiate kana!!!!

  2. paurong said

    CHINO,
    hindi ako madaya.

  3. turismoboi said

    nice blog

    very interesting ah!!!!! hehehe

  4. angelblush said

    ang problema.. ay part sa life.

  5. hmmm… anu ba ang masasabi ko? ilink mo naman ako.😀 hehehe..

    tapos… ang comento ko naman sa post mo… uhmm… pumunta ka na sa despedida ni seminarista.😀

    about ur problems… uhmmm… sabi nga sa akin ng isang kaibigan… ang problema ay hndi nagiging problema kung ito ay tinetake mo as iyong problema… simple lang mamuhay at simple lang ang buhay kaya… wala lang. :)) hahaha!!! ang weirdo ko! ay andrama pala. basta un na! anga haba na neto.. baka maiyak kna! ahahaha!

  6. ilink mo ko…
    isama m ko sa blogroll mo….
    batopik.wordpress.com
    nalink ko na yung iyo eh..

  7. PUNTA KA!

  8. Punta ka dahil masaya dun. At avatar ko si zeke ngaun! hehe. kilala ko kung kanino ka inlove. shet! “the mutual is feeling.” hehe.

  9. arnel said

    well, well, well. look at the bright side jonell. graduate ka na, yun ang mahalaga.🙂

  10. ngayon ko lang nakita yung header. natuwa ako kasi nandun ako! hehe. ang natapong mcfloat! gawa nga rin akong header sa library bukas

  11. marj_sam said

    woi? in Love? kaW? love? lam mu ba ung word na un?
    haha… kaw ba yan jonell??
    haha…
    go sam!!🙂

  12. marj_sam said

    prehas taung may problemang ispritwal…huhu😦
    go sam!!🙂
    mwuah..haha

  13. marj_sam said

    lam q ang saysaya mu nung kami na…nyahaha…
    tsk tsk tsk… obvious nman eh… tgal mu nman mag response d2…
    go sam!! :):):)

  14. marj_sam said

    gawan mu nman si sam koh ng article dito…. nyahaha…
    pls.. thanks!! mwuah!! :):):)
    go sam!!!

  15. sheLLa said

    ..wulang pung taung wulang problema..
    ..normal lang yan..
    ..basta trust and have faith lang po ka GOD..
    ..d ka nyah papabayaan..

    ..ung song na “ikaw lamang” uhmm anuh un..??
    ..ahahah!! nakakainis kasi d2 sa net cafe ang bagal..
    ..d ko pu tuloy mapakingan sa youtube..

    .. ung stidies mu..? nipoproblema mu pa..?? asus.. kaw pa..
    ..katamaran mu lang pu siguro ang problema..

    ..nga po pala kelan graduation..??
    ..hmm WED. baka mgpunta kaming skul..

    ^^

  16. juana said

    woi? in Love? kaW? love? lam mu ba ung word na un?
    haha… kaw ba yan jonell??
    haha…

    –wui. punta ka pa ba? ang gulo-gulo ng utak mo.

    tsaka bad trip ka pa rin ba dun sa girl? hindi naman niya binaba ung phone e, naputol lang talaga.

  17. Avy said

    napadpad lang po sa bahay mo ^_^
    interesanteng posts.

  18. paurong said

    TURISMOBOI,
    thanks for the compliment!

  19. paurong said

    ANGELBLUSH,
    palaging may problema sa buhay ng tao.
    ako, marami.

  20. paurong said

    MARIFE,
    grabe! naiyak naman ako dun. hehehe. andrama ko talaga.
    hindi nga ako naglilink diba? tapos pinalayas mo pa ako nung nag-uusap tayo. awts. pumunta naman ako ah. sa susunod ulit.

  21. paurong said

    MARIFE,
    hindi talaga ako naglilink e.
    kung ililink ako ng ibang blogger, malaki na pagpapasalamat ko dun. pero dun naman sa ang habol lang ay exchange link (para sa promotion ng blog nila), no way.
    para sa akin, hindi ko kailangang ikabuhay ang blogrolling, nagsusulat ako dahil mahal ko ang pagsusulat.

  22. paurong said

    ARNEL,
    grabe. parang kailan lang tatanga-tanga pa ako sa high school. e hanggang ngayon naman e. hehehe. graduating na. malapit na.

  23. paurong said

    KAPATID,
    pumunta si paurong, diba?

  24. paurong said

    KAPATID,
    si zeke? hay nako. si zeke. sige na nga.
    “the feeling is mutual”? duh.

  25. paurong said

    KAPATID,
    grabe naman. ngayon mo lang pala nakita yung header na yan. nung sunday ko pa yata yan ginawa. oo, noong sunday nga. wala akong maisip kaya mcfloat na lang ang inilagay ko. siyempre dapat nandun ka kasi kapatid daw kita e. hahaha! sabi nila kagabi. magkamukha ba tayo? hahaha! isa pa. hahaha!

  26. paurong said

    MARJORIE,
    bakit ikaw, alam mo ba ang LOVE? kay sam? duh. no way. a big no-no.

  27. paurong said

    MARJORIE,
    don’t worry, di naman Niya tayo pababayaan e. just hold on.

  28. paurong said

    MARJORIE,
    hindi naman kasi ako nag-online ng linggo ng gabi.

  29. paurong said

    MARJORIE,
    article about sam on my blog? ano ako hilo?

  30. paurong said

    SHELLA,
    wala ako sa school sa wednesday. araw yun ng practice ng groups A and B. e group C ako. and by the way, sa monday na ako papasok e. thursday next week ang graduation ng group ko.

  31. paurong said

    NAGMUMURANG JUANA,
    whatever.

  32. paurong said

    AVY,
    ui musta ka na kaya?

  33. shet, kamukha. hehe. tapos kaboses mo pa si denib. anu yun. pinagsamang denib at padre salvi? hehe

  34. paurong said

    KAPATID,
    mixed genetics. sino ba tatay ko? wah. di ko alam.

  35. Miko Dela Cruz said

    Solved na ba?

  36. paurong said

    CHICO,
    alin ang solved?

  37. nislyn said

    ang panit nmn!

  38. gRacE said

    ISPIRITWAL. Ito ang pinakamatindi kong problema. Nahihiya na ako sa itaas e. Pero babalik pa rin ako dahil alam kong bukas-palad Niya pa rin akong tatanggapin. Hindi Niya ako pinababayaan kahit na lumalayo na ako sa Kanya. Hindi na maganda ‘yung ganun. Gagawin ko ang lahat mapalapit lang ulit sa Kanya. Hindi na kaya ako nagdarasa ng maayos. Hindi na rin ako nagbabasa ng Bible. Hindi na rin ako nagsisimba. Ayoko ng ganito. Mahirap sa kalooban kong hindi kami close ni God.

    i, too, have that as the biggest…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: