Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Pansit.

Posted by Paurong sa Sabado, Abril 14, 2007

Premyo sa isang raffle na sinalihan ng kanilang nanay ang nakasabit na orasan sa dingding ng maliit nilang bahay na gawa sa pinagdikit-dikit na mga plywood at pinagbigkisan ng ilang patapong kahoy galing sa kalapit na pabrika. Ang pagsayaw ng pulang kamay ng bago nilang orasan sa bawat segundong lumilipas ang nagpapasakit sa mga mata ni Me-ann. Naghihintay siyang sumapit ang ikawalo ng gabi sa pag-aasam na mapunan na ng pagkain ang kanyang tiyan. Kanina pa niya tinitiis ang gutom. Wala siyang perang maipambili ng maski anumang sitsirya o tinapay man lamang. Wala siyang ibang tangan kundi ang walang-pasubaling pag-aasam na magdadala ng pagkain ang kanyang nanay pagkagaling sa trabaho.Nakahilata naman sa malamig na semento ang kanyang bunsong kapatid na si Emil na inapoy ng lagnat kaninang umaga; sa awa ng Diyos, mabuti-buti na ang kalagayan niya sa ngayon. Nakipagtalo pa ito sa kanyang kapatid kung sino ang mauunang umuwi ng bahay kinagabihan, ang kanilang nanay o ang kanilang amain. Ang huli ay palaging nakikipag-inuman sa kabilang looban, kung minsan ay umuuwing wala sa tamang katinuan at kung ano-ano ang inuusal, minsan naman ay pinagmamalupitan ang dalawang kawawang bata kapag nalango na sa sobrang alkohol. Alam nilang mauuna ang kanilang nanay. Oo, tama iyon.

Patuloy na umasa si Me-ann sa pagdating ng kanyang nanay hanggang sa matanaw niya mula sa malayo ang payat na katawan ng isang babae. Sukbit sa balikat ang isang pulang bag, kumekending-kendeng sa paglalakad ang nanay ng dalawang paslit. Alam na alam ng buong loobang iyon ang trabaho ni Gina. Madali lang mapagtanto sa kanyang hitsura na isa siyang bayaran. Alam ba ng kanyang mga anak? Oo, alam na alam. Sa murang edad nina Me-ann at Emil, patunay sila sa kadisgrasyahan ng kanilang nanay. Si Me-ann, ang panganay, ay nabuo mula sa isang madilim na gabi limang taon na ang nakalipas. Hindi inaasahang nabuntis si Gina sa ikalawang pagkakataon ng ibang lalaki at ibinunga ang ngayo’y limang taong gulang na Emil. Sapul noon ay naging maingat na ang pokpok sa pagkirengkeng. Limang taon na niyang itinataguyod ang kanyang pamilyang walang haligi. Walang pakialam si Gina sapagkat ang mahalaga sa kanya ay mabuhay niya ang kanyang mga anak sa kabila ng kahirapan. Gayunman, kinasama niya ang isang basagulerong tambay sa kanto na tinatawag na amain ng dalawa niyang anak.

Pinabangon ni Me-ann ang kapatid para tukuyin sa pamamagitan ng pagtanaw kung may bitbit bang pagkain ang kanilang nanay. Hindi sila nagkamali sa pagpangarap na may dalang pansit si Gina. Pagpasok pa lamang sa pintuan ng barumbarong ay hinablot na ng gutum na gutom na si Me-ann ang puting plastik na hawak ng kanyang nanay at dagling inilapag sa munting mesa. Waring sa walang habas na leon ang inasal ni Me-ann. Gayon na rin ang ginawa ni Emil na hindi mapagkakailang malakas na ang pagkalam ng tiyan. Ni isa man sa kanilang dalawa ay walang nakapansin sa suot na takot ni Gina. Kung natanghuran man lamang sana nila ang mukhang iyon ni Gina…

Kunsabagay, ngayon lang ulit nakakain ang dalawang bata ng pansit. Hindi sardinas, hindi tuyo, hindi asin, kundi pansit. Para bagang ginto sa kanilang paningin ang pansit lalo na kapag uwi-uwi ito ni Gina. Halos manikluhod ang mga bilugang mata ni Me-ann sa pagsumamong huwag kaagad maabos ang pansit. Kung maaari lang sana’y parating napapasukan ng pagkain ang kanyang bibig. Kung puwede lang sana ay walang pagkaubos ang pansit na iyon. Ngunit hindi. Ilang minuto lang ay natapos din. Natapos din ang palabas. Natapos ang panaginip at kinailangan nang gumising.

At kasabay ng paggising ang pagtulog.

Maaga dapat matulog ang mga bata, ‘yan ang parating paalala ni Gina. Pagkatapos ng araw na iyon ay panibagong umagang kailangang harapin. Nariyan na ang pagpasok sa eskuwela ni Me-ann at ang pakikibaka ni Gina sa pagdelihensya ng pera. Araw-araw. Parang gulong sa pag-ikot. Kailangang magamot ang bawat hapding sumusugat sa kanilang kalamnan at mapawi ang pagkagutom.

Hindi ba’t malalim na ang gabi? Isinara na ni Gina ang mga pinto ng kanilang maliit na kublihang tinatawag na bahay. Nailatag na ni Me-ann ang banig na paghihigaan.

Hanggang sa marinig nila ang sigaw ng kanilang amain mula sa malayo. Paulit-ulit na mura ang pumukol kay Gina. Animo’y isang batalyon ang lumusob sa kanilang barumbarong. Ang kanilang amain—ang lasenggerong amaing malupit sa kanila. Ang mga mata ni Me-ann ay hindi nagsinungaling. Ang pagkakita niya sa paghugot ng patalim ng kanyang amain ay hindi kasinungalingan. Maging ang sunud-sunod na pagbaon ng patalim na iyon sa katawan ng kanyang nanay ay hindi kabulaanan. Lahat ay katotohanan. Binalot sila ng matinding hintakot. Hindi malaman ni Me-ann ang gagawin. Hanggang sa itutok sa kanyang liig ang patalim at wala nang sigaw na kumawala pa sa kanyang kalooban.

WAKAS

36 Tugon to “Pansit.”

  1. rowjie said

    miss u too. hehe🙂

  2. emong said

    pagandahan b yan ng celfone? ung sa taas…

  3. ang simula said

    ang sarap..

    ahehe..

  4. miss u too.

  5. nasan ka na ba? lagi tayong hindi nagpapang-abot. nakakasar..

  6. ano ang masarap? yung pansit. hindi nagbabasa.

  7. cat said

    uy may mga lovers na pala dito..hehehe, kidding

  8. abi said

    haha…pagandahan nga ng cellphone…

  9. abi said

    anu ung manikluhod? “…manikluhod ang mga bilugang mata…”

  10. nako. hindi ko muna binasa kasi 30 mins lang aki dito.

    pero ngayon talaga ang 100th day eh! (alam mo na kung anong tono ginagamit ko.)

  11. Arch said

    ang lalim nito ah
    (nilink po kita)

  12. TEA said

    The story is familiar. Really. I’ve read it before, in a short story written by some Filipino author. We studied it in Fil Lit.

    Anyway, Frani would study Nursing in FEU. I sure hope you two would get to meet. And well, you know. His whole name’s Christian Glen Frani.

    Welcome back.

  13. lovers? ahem. ano yun?

  14. aba. sa tingin mo naman naniniwala na akong nagbabasa ka.

  15. sosyalin.. pumunta ng u.p. kasama si martin.
    sana kasama ako. huhuu..

  16. abi said

    hindi na nga ako magbabasa…simula nung nagbalik ako d mu na inappreciate ung pagbabasa ko.

  17. sa fil literature nio? ano ang title nang masaliksik ko kung ano ang pagkakatulad. magkapareho ba? grabe naman.

    anyway.. i have four batchmates na nursing. siguro naman makikita ko si frani.

  18. paurong said

    ABBIE,
    ui, wag kang magalit naaapreciate ko yun abbie. nag-iinarte lang ako.😦

  19. abi said

    kaw talaga… all dis tym kala ku talaga galit ka na sakin… ung mga reply mu kc sa friendster eh…pati dun sa mga comment ko…hehe…ano, sasama k ba s swimming? 20+ na ang sasama…

  20. paurong said

    para namang hindi mo alam na ganun talaga si paurong.. dun sa swimming, alam mo rin dapat na hindi ako makasasama. sorry.. may new post ako. enjoy!

  21. bi2t said

    nakakatuwa ung mga words…tuwang2 tuwa ako lalo na dun sa last… di ku nman inexpect… na pinatay din c me-ann… ang galing kc nakapasok ako dun sa istorya n parang napapanood ko sa imagination ko kung ano ung mga nangyayari…magaling ang bawat pagdescribe mo sa mga bagay…

  22. bi2t said

    pagod na pagod ka na, ala energy tapos nakasulat ka pa! tapos may time limit pa…gling…

  23. paurong said

    ABBIE,
    maraming salamat sa pagbabasa ng kuwentong ito. makaaasa kang mas lalo ko pang pag-iigtingin ang mga susunod.

  24. paurong said

    ABBIE,
    mamaya ikaw naman ang wala nang energy kakapuyat. take note ako lang naman ang bampira dito.

  25. TEA said

    Hindi ko na matandaan, eh. Pero sobrang laki talaga nung similarity kasi, una, pokpok yung nanay, pansit din yung pagkain, ganyang-ganyan yung situation.

    Hay, nakalimutan ko na talaga.

  26. toniwoni said

    wah. lifted na pala leave… xet, anyways what a nice story i would dare say… naaalala mo pa ba ako? ako yung professional snob dun sa send-off ni denib… hope ya remember me… xet.😄

  27. Dexter said

    oi… sa tingin ko, may pagkakaparehas ang iyong kwento sa “Ama”, iyong short composition sa haligi… hehe. pero konti lang naman iyong pagkakaparho e, partikular na ang pansit, hehe. hahaha.

    At saka nabitin ako don sa wakas. Pagkabasa ko, bigla kong nasabi, un lang un… wahaha.

    Pero, ok rin naman ung kwento mo e. Sinasalamin non iyong buhay ng ibang mga Pilipino dito sa ating bayan. Wahehe…

    Continue writing huh. pagp2loy mo yan!!

    God bless!

  28. pokpok at pansit.. common subjects na yun. sa susunod iba naman tulad ng taong mahilig makipagsex sa animal (may term dun e) at saka exotic foods. hehehe.

  29. oo naman. tandang tanda ko pa. pati ang features ng face ng body. hekhekhek.. nice. thanks nga pala. hehe.

  30. wow naman. akala ko nakalimutan mo na ako.
    una sa lahat, hindi ko inisip ang “Ang Ama” sa pagsulat nito. sadyang nagugutom lang talaga ako. nakakatawa… hahaha! maraming bagay ang masasabi ng isa na nakakabitin pero kung susuriing maigi ay malalaman mo ring husto na yan. pwamiz..

  31. mr. pencil said

    pansit!

    gusto ko ng pansit.. hay nako… hay naku ulit…😀 hehe!!

    binabati kita sa bagong istorya!!😀

  32. paurong said

    MARLON,
    obviously hindi mo binasa.. i thought. i thought. assuming tlg ako.

  33. mats said

    Hi Jonell!! Yup… moving out ako but moving in sa mas home ko… http://justemaristel.com

    magcocomment pa din ako🙂

  34. paurong said

    MATS,
    nagulat talaga ako dun pero that’s fine naman..😀 smile ulit.

  35. Roland said

    Ang kuwentong ito ay sumasalamin sa araw-araw na buhay ng mga Pilipinong maralita sa ating bansa. Talagang kahirapan ang pinaka-mabigat na problema ng bansa natin ngayon. Nakakalungkot man pero totoo, pero ang kasalukuyang administrasyon ang lalong nagpapalala sa problema ng kahirapan sa bansa dahil sa lantarang pagnanakaw sa kaban ng bayan. Sana magsimula na ang unti-unting pagbabago ng kalagayan ng mga Pilipino ngayong darating na Mayo.

  36. paurong said

    ROLAND,
    very well said.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: