Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Sunshine Dizon: from Bakekang to Impostora, to replace Asian Treasures on June 18.

Posted by Paurong sa Miyerkules, Abril 18, 2007

Sunshine Dizon, from Bakekang to Impostora

Kay Sunshine Dizon ibinigay ng GMA-7 ang lead role ng upcoming primetime drama series na Impostora matapos maging matagumpay ang nauna niyang soap na Bakekang.

Kung tutuusin, puwede pang pahabain ang kuwento ng Bakekang lalo na’t hindi naman maipagkakailang ito ang nangunang drama sa telebisyon sa mga nagdaang buwan. Kahit mataas ang ratings nito, kinailangan na itong tapusin dahil sa matagal nang nakabinbin ang Lupin ni Richard Gutierrez, na siyang papalit sa timeslot ng Bakekang.

Dapat ay 18 weeks lang ipalalabas ang Bakekang, pero dahil sa kasikatan ng mga batang role ng kambal na sina Kristal at Charming, pinahaba ito ng dalawang linggo. Dahil pa rin sa patuloy na pag-arangkada ng show ay na-extend ulit hanggang sa gawin nang hanggang last Friday ng March ang Bakekang. Worth it naman dahil tumabo hanggang 39.7 ang rating nito.

Kitang-kita ang dedikasyon ni Sunshine sa Bakekang lalo na’t nagpataba pa ito para lang sa show. Dahil dito at sa galing na rin sa pag-arte, ang pangunahing tauhan ng Impostora ang project na ibinigay sa kanya ng Kapuso Network.

Ang Impostora ay ang palabas na papalit sa Asian Treasures sa June 18. Bida rin dito sina Iza Calzado, Jean Garcia, Mark Anthony Fernandez, Alfred Vargas, Gladys Reyes, Jenina Garcia, Luis Alandy, Gary Estrada, Ana Roces, Romnick Sarmienta at Mart Escudero.

Ang direktor nito ay ang balik-GMA-7 na si Maryo J. de los Reyes.

9 Tugon to “Sunshine Dizon: from Bakekang to Impostora, to replace Asian Treasures on June 18.”

  1. toniwoni said

    wah. really, sweat manunuod ako nito. idol ko kasi talaga si sunshine eh. does this make you what? — kapuso / kapamilya?

  2. tim ang said

    ayoko kay sunshine eh. para ang ikli naman ng asian treasures. ang daya naman.

  3. inay said

    si Bakekang magiging Impostora … mukhang mas maganda ang istori😉 aabangan ko yan!

  4. paurong said

    TONI,
    nanonood ako ng programs ng dos at siete.. which makes me neutral.

  5. paurong said

    MARTIN,
    magaling si sunshine. palagi niya akong pinaiiyak gabi-gabi. hangang-hanga ako sa kanya.
    mahaba na rin yung asian treasures.. almost six months.

  6. paurong said

    INAY DI-MAGIBA,
    gagandahan pa raw nila ang bakekang. sure ako dun.

  7. MARY said

    Iza calsado ang ganda mo kahit9 lang ako marunong akong mag-computer,kumanta,sumayaw,at good lak!!!!!!!!!!!!!
    galingan mo ha, pagpapanuorin kita okay
    sana taasan nang kunti yong asian treasures
    kasi nandoon si angel locsin

  8. del said

    sobrang gusto kong gumanap si sunshine maka bida man o kontrabida, mas effective sya pag kontra bida. solid kapuso po aq…. more powers po s in ung lahat mga kapuso!

  9. Rocy said

    nice ang ganda ng teledrama…naka2excite ang kwento..
    Gud luck!!! and more power…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: