Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Ni Kapirasong Langit.

Posted by Paurong sa Lunes, Abril 30, 2007

All characters in this story have no existence outside the imagination of the author and have no relation whatsoever to anyone bearing the same name or names. They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the author, and all incidents are pure invention.

Alay sa mga umaasam.

Dadalawpung gamu-gamo ang naglalaway sa ilalim ng malagintong liwanag na nagmumula sa matayog na troso ng kahoy na pinagkabitan ng bombilyang nagsisilbing ilaw sa madilim na lugar ng Kalye Pulangbakal. Sa unang sulyap, mabibigyan ng kahulugan ang salitang “katahimikan” lalo na’t ang lugar na iyon ay halos hindi madaplisan ng malalakas na ingay tuwing gabi… maliban siguro sa gabing ito.

Kung maaabot lang marahil ng mga kaawa-awang kulisap na iyon ang sa kalangita’y nakasabit na buwan, na ngayo’y bilug na bilog, walang pag-aalinlangan nila itong sasambahin sa kawalan ng kaalamang huwad ang Haring Buwan. Hindi baga nila nalalamang ang tunay na pinagmumulan ng matinding liwanag ay ang hugis-bolang araw? Kung iyon naman ang kanilang sisintahin, tiyak na mas masahol pa ang kanilang kahahantungan kaysa sa sinapit ng ninuno nilang ikinuwento kay Jose Rizal ng kanyang butihing ina.

Anu’t ano pa man, patuloy lang sa pagpapak ng liwanag ang mga gamu-gamong iyon, animo’y mga pulubing pumipiyesta sa isang bilaong pansit na bigay ng isang pulitiko. Gayundin naman, hindi sa kanila naging sagabal ang tatlong lalaking nasa ilalim ng ilaw-dagitab na may mga sinag na kable ng kuryente. Nakapaligid sila sa isang mababang lamesang kinalalapagan ng isang pitsel ng alak, isang platito ng kanilang pulutan, isang lalagyan ng maliliit na piraso ng yelo at mga baso. Pang-ilang ulit nang kain ng sisig ang isa sa kanilang tatlo.

“Ano na bang balita senyo ni Weng?”

Hindi kaagad nakasagot ang tinatanong. Walang kamalay-malay si Errol na mapapasok sa masayang usapan nilang magkakaibigan ang tungkol sa kanyang dating girlfriend.

“Si Rowena? Matagal na kaming nagbreak.”

“Kelan pa?” sabad ng may kaarawang si Aris.

“Nung ‘sang linggo.”

“Ayos ka ha!” sabi ni Redd pagkaubos ng alak sa baso niya. “Nung katapusan lang naging kayo. One week lang. Para talagang damit ang turing mo sa babae.”

“Manahimi ka diyan. Minahal ko si Rowena,” paliwanag ni Errol. “‘Kita ko nga sa palengke kahapon, eh. Kasama ermat niya.”

“Ano’ng sabi mo?”

Hi!

“Ganun lang? Wala man lang Rowena, please–please come back to me… Let’s give our love another chance…

Sumabay si Aris sa pagkanta ng Back 2 Me ng Eraserheads. “Wish you were in my arms and you’re whispering you love me, too…

Hindi na napaghiwalay ng panahon ang tatlong magkakaibigan. Kasabay ng pagtatapos nila sa high school ang pagsisimula ng panibagong yugto ng kanilang buhay bilang magkakaibigan. Mali. Kapatid nga pala ang turing nila sa bawat isa. Sa nakalipas na tatlong taon, bihirang makita ng sinuman na magkakahiwalay ang tatlo. Sa eskuwelahan, isang beses lang sila nagkaiba-iba ng silid-aralan. Sa kanilang huling taon, napagbuklud-buklod muli sila at siya ngang pagtatag ng kanilang samahan.

Kapag tiningnan silang tatlo sa mga sandaling iyon, kagaya ng pagtuklas ng mga gamu-gamong nakapaligid pa rin sa bombilyang hindi napapata ang sindi, walang bahid ng pag-aatubiling masasabing mahaba na ang kanilang napagdaanan.

“Gina ba pangalan nun?” tinukoy ni Errol ang girlfriend ni Redd. “Gina, ‘no?”

“O bakit? Walang namang iba. Sa’ting tatlo ikaw lang ang babaero.”

“Wala akong magagawa. Habulin talaga,” buo niyang pagmamalaki bago uminom ng kaunti at nagpatuloy. “Naka-score ka na ba kay Gina?”

“Wag mo kong itulad sa’yo. Malinis intensyon ko sa kanya.”

“Ang corny mo, Redd! Kelan ka pa naging ganyan? Pero, kung tutuusin, ayos na yon kesa naman ‘tong birthday boy natin.”

“Oo nga, Aris. Bakit ba wala ka pang gf?”

Hindi umimik si Aris. Inayos niya lang ang kanyang pampormang salamin, pati na rin ang pagkakaupo niya sa bangko.

“Alam mo namang pihikan yan e!” sabi ni Errol kay Redd. “Ano naman kung never pa siyang nagka-girlfriend?”

“Ayoko pang magkaroon ng girlfriend.” Sa mahina at mabigkis na pahayag na iyon ni Aris sila napatahimik.

Kung hindi man madalas, palagi ganoon si Aris. Walang pagkakataon sa isang araw na hindi lalabas ang pagkamalungkutin niya. Kakaiba siya sa dalawang iyon na sa kabubuuan ay makulit at may pagkapilyo ngunit tanggap siya ng mga kaibigan. Iyon ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan sa kanilang tatlo. Walang iwanan.

Muling nabalisa ang may kaarawan. Nabasag lang ang lahat ng malakas na boses ni Errol. “Tubig na lang ‘tong nasa lalagyan.”

“Lahat na ‘yon ng ice cube sa freezer namin.”

“O, siya. Ako na ang bahala. Nasa diskarte lang ‘yan.”

Waring nabasa ni Redd ang nasa isip ni Errol.  “Kina Ditas. Bilisan mo.”

At nagmadali ngang tumindig si Errol para maghanap ng mapagkukunan ng yelo. Nanatili lang ang mga gamu-gamo sa kanilang puwesto. Nakaabang. Nakaantabay. Napupunit ang sarili dulot ng nakaambang pangamba.

Itutuloy.

10 Tugon to “Ni Kapirasong Langit.”

  1. Roland said

    FIRST!

    I’m glad your back. Nice story by the way, wala paring kupas! Makahulugan parin at makatotohanan. Galing ng tatlong guys, the best of friends! Sana meron din ako niyan. Sige ipagpatuloy mo lang ang pagsulat ng kuwento ha, aabangan ko ito.

    Roland

  2. anim na patatas said

    ey…

    10th P po… “manahimi…. ano un lasing lang talaga..

    16th P po… :napapata” ang sindi… napapatay nga ba un?

  3. MaGnE said

    welcome back!!!!!!

    keep it up!! ur stories are worth reeading!! godbless!!!!

    /MaGnE/

  4. emong said

    oi… ako si anim na patatas.. hehe
    medyo nakakarelate ako sa 3 magkakaibigan…
    welcome back nga pala…
    alam mo ba ung 3 frends na yan.. sa frenzta na lang para pm..

    cge..

    GLAD ur back.. keep it up..

  5. nako. ang haba na naman. sa bahay na lang. nasa comp shop ako. pero alam ko na ang mga plano mo sa kwentong to eh. susubaybayan ko ito. titingnan natin ang iyong skills sa pagsusulat ng alam mo na.

  6. toniwoni said

    wee. lifted na naman… hindi ko pa siya nababasa eh… sandali lang kasi ako online he…
    it’s nice that you’re back.. akala ko ba may31 pa? hehe… keep up the good work with your writings…😀

  7. abitot said

    yehey! you did it again. pinapasabik mu n nman ako. wala lng. ang kyut kc talaga ng pagdedescribe mo sa mga bagay2…(^^,)

  8. marj said

    wui, mixu na, paramdam ka nman.hehe
    musta ka na pu?
    dami q kwento sau, hehe..
    wula ka pa fone?
    850 pla ung sa HIGH SCHOOL MUSICAL LIVE ON STAGE!
    libre mu aq ha, comment kns sa frenster q, hehe..
    mixu, mwuah mwuah..🙂
    go sam!!🙂
    God Bless!!!
    mwuah..

  9. what?

  10. vener said

    thanks po

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: