Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Anim – Tangka.

Posted by Paurong sa Martes, Hunyo 12, 2007

Nang pumasok ang buwan ng Oktubre, sumama ang panahon sa bawat araw na dumaan. Pabago-bago ang naging kilos ng hangin. Nakadalawang magkasunod na pagsuspindi sa mga klase dahil sa sama ng panahon. Isang Biyernes, nagdalawang-isip ang Mommy ni Kim na papasukin siya.

“Dito ka na lang kaya sa bahay? Mukhang hindi maganda ang panahon.”

“Mommy, hindi pwede. Biyernes pa man din. Magdadala na lang ako ng payong.”

“Hindi ako papasok ngayon, ‘nak. Uwi ka ng maaga para may kasama ako dito. Masama ang pakiramdam ko.”

“Sige, Mommy.”

“Teka. Kunin mo ito.” Inabot sa kanya ang isang lupon ng mapupulang bulaklak.

“Ano ‘to?”

“Nakalimutan mo na ba? Pista ngayon ng Birhen. Ialay mo ‘yan sa Simbahan. Maaga pa naman.”

“Sa Birhen po ba o sa kamatayan ni Daddy?”

Hindi nakapagsalita si Mrs. Cynthia Tiopez.

“Kamatayan ngayon ni Daddy, diba?”

“Oo,” matamlay na sagot ng Mommy niya.

“Ok.” Wala nang ibang naisip sabihin si Kim. Alam niyang may hindi siya alam. Alam niya pero hindi niya talos kung ano iyon.

“Sana buhay pa siya ngayon para nakikita niyang lumalaki ka.”

Napatungo si Kim; hindi pa rin alam ang sasabihin. Gusto niyang sigawan ang magulang ngunit hindi niya magawa. Gusto niyang sumbatan ang taong nasa harapan niya ngayon—isang taong nililiho ang kanyang buong pagkatao, isang taong nagbabalatkayo. Paggalang. Dapat niyang igalang ang kanyang nanay—ang taong nagdala sa kanya sa mundong ito. Ngunit dapat bang hayaang ibulid ang dapat noon niya pa nawatasan? Walang sasagot ng tanong na iyan hangga’t hindi malinaw ang lahat.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: