Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Douze – Papuntang Quiapo.

Posted by Paurong sa Huwebes, Hunyo 21, 2007

Labimpitong araw na ang nakalipas mula nang simulan kong maramdaman ang hihip ng hangin sa isang college student. Ang college student na iyon ay ako, siyempre.

Obvious ang adjustments lalo’t higit pagdating sa layo ng school, sa laki ng pamasahe, sa kabonggahan ng ibang kaklase, at iba pa. Pero, sa totoo lang, ang pinakamalaking kailangan kong makasanayan ay ang paggamit ng pangkaliweteng armchair. Noon sa high school, hindi ko naman na-experience maipatong ang braso ko sa ganoong klase ng armchair, maliban na lang sa pagkakataong nag-take ako ng UPCAT.

Sa tuwing mapapasok sa usapan ang UPCAT, palagi akong tinatanong kung bakit hindi ako nakapasa sa entrance exam na iyon. UP is UP nga naman. Pero, maigi na rin na hindi ako naging isa sa kanila. I’m not one of them, that’s it! Masaya naman ako kung nasaan ako ngayon. Wala akong pagsisisi kahit na marami pa ring tao ang nagsasabing hindi ko naman dapat ito kinuha. Bakit daw hindi Creative Writing. Bakit daw hindi Journalism? Bakit daw hindi kahit anong may connection sa pagsulat. E sa hindi iyon ang gusto ko, ano’ng magagawa nila?

At isa pa, gusto ko ang kinalulugaran ko ngayon. Kung ano ang pinag-aaral ko, at ginagastusan ko ng malaking school fees, interesado na ako, may passion pa.

Dahil sa noong isang araw ay nagsuot na ng uniporme ang mga kaklase ko, nagsuot na rin ako ng uniform ngayong araw. Sa isang linggo siguro, lahat na kami ay naka-uniform na.

– 

Pangatlong linggo ko na ito pero ni isang beses ay hindi pa nasusulatan ang library card ko. Mabuti na lang at nakahiram na ako ng libro. Ang title ay “Trip to Quiapo: Scriptwriting Manual” ni Ricky Lee. Medyo nangapa ako sa paghiram ng libro kasi first time ko.

Nahirapan na naman akong makasakay ng FX pauwi kaya napilitan na naman akong sumuong sa lumilipad na dyipni. Mahaba-haba ang nabasa ko habang paliku-liko ang sasakyan. Mahilu-hilo na nga ako ngayon, e. Para tuloy akong nagkaroon ng hang-over.

7 Tugon to “Douze – Papuntang Quiapo.”

  1. stick said

    bakit nga ba hindi ka kumuha ng course na may connection sa creative writing? hindi mo din naman masisisi yung mga taong katulad ko na nag-tataka kung bakit at sa mga nanghihinayang sa talent mo sa pag-sulat. Aminin mo man o hindi, we all believe na magaling ka mag-sulat. . .kaya lang, ayaw mo lang aminin. Anyway, adik ka rin naman sa computer kaya okay na rin yang course mo. Ingat na lang lagi. God Bless!

  2. paurong said

    KRISTINE

    nakakatuwang isiping pinagpapakitaan ako ng mga boys-hater.

  3. toniwoni said

    Sa tuwing mapapasok sa usapan ang UPCAT, palagi akong tinatanong kung bakit hindi ako nakapasa sa entrance exam na iyon. UP is UP nga naman. Pero, maigi na rin na hindi ako naging isa sa kanila. I’m not one of them, that’s it!

    wah. it pains me.
    at oo, kilala pa kita.

  4. paurong said

    TONI
    why should it pain you?
    buti ka nga u.p. eh.

  5. kcr - the cursor said

    may kahati ka sa hinagpis na iyong nararamdman. maging ako ay naghangad na makatungtong sa lupang kinatatayuan ng makasaysayang lalaking nakahubad. sa magkaparehas na pagkakataon, maging ako ay dapat nasa linya ng pagsusulat.. eto ako ngaun…sa Malayong Silangang Unibersidad – Kolehiyo ng Silangang Asya (FEU – EAst ASIA College)… =p apat na taon nang niyayakap ang kursong sa akin ay napamahal na. Malayo man ang kursong ECE sa Journalism… masasabi kong masaya narin ako dahil bahagi ako ng grupong bumubuo ng limbagang “the Cursor”…

    Ikaw… Gusto mo bang makibahagi???

    -= kcr =-

  6. paurong said

    KCR
    wow. ansaya.

  7. dave said

    pwede pa namang i-pursue ang pagsusulat kahit iba ang kurso mo. ayos nga yan, may karagdagan ka pang kaalaman. oo, sali ka sa org na yan para mahasa rin ang pagsulat mo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: