Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Badingerzi at Vakloosh.

Posted by Paurong sa Biyernes, Hunyo 22, 2007

Napagtripan na naman ako ng isang bakla sa isang computer shop kaninang madaling-araw bago ako bumiyahe papuntang school. Mapilit talaga siya lalo na’t alam niya na isa akong estudyante. Masarap daw. Fresh na fresh daw. Bottomline: tumanggi ako. Hindi naman kasi ako baklang kagaya niya. Madilim pa noong mga sandaling iyon. Wala pa sigurong 5:00. Hindi naman siya halata kapag tinignan. Pero yung mga mata niya mismo ang nagsabi ng gusto niya. Mapilit siya. Hindi ako nagpatalo sa kanya. Hanggang sa kahuli-hulihang segundong nakatitig siya sa’kin ay hindi ako sumang-ayon sa gusto niya.

Matiwasay akong nakasakay sa isang itim na FX. Doon ako naupo sa likuran. Pagkabayad ko ng pamasahe, huminto ang sasakyan para pasakayin ang isang pasahero. Lintik! Kung makadikit ang binti sa binti ko, parang ayaw nang mahiwalay sa itim kong pantalon. Kaming dalawa lang ang pasahero sa likuran kaya siguro kampanting-kampante siya. Hindi ko rin siya pinatulan.

Malagim na ang nakaraan ko, bakit ko pa dadagdagan? Sariwa pa sa akin ang pagmomolestiya, ang kawalang-hiyaang ginawa sa akin ng isa kong pinsan. Palibhasa, noong mga panahong iyon ay bata pa lang ako. Sixteen years old na siguro siya noon. Sa tuwing naaalala ko ang tagpong iyon sa bahay nila, hindi ko mapigilang mangatog at manlambot. Sa tuwing bumabalik sa gunita ko ang araw na iyon kung kailan halos nakawin niya ang buo kong pagkatao…

Masakit isipin. Pero tanggap ko na isa iyong katotohanan. Na nangyari iyon sa buhay ko. At bahagi na ng aking nakaraan.

33 Tugon to “Badingerzi at Vakloosh.”

  1. jehzlau said

    wow nice entry ah… ok lang yan.. life must go on kahit may nakaraan… basta ingat lang lagi… kahit tutukan ka.. dedma lang.. marami na ring naka tutok sa akin eh.. nyahaha! dedma lang po ang kelangan..🙂

  2. jemme said

    waAAAAAAAAAAAA katakot naman ng nangyari sayoo.. waaa! huhuhu.. ako di ko yan ma take. hehehe.. bababa nalang me at sasakay ng iba.. pag sundan.. takbo takbo at takbo lang. hehehe..

  3. stick said

    totoo ba yan?

  4. paurong said

    JEHZLAU —
    ano naman kaya ang tumutok? hmmm…

  5. paurong said

    JEMME –
    mukhang malabong makatakbo kung nakagapos na ang sarili sa nakaraan.. awts. andrama!

  6. paurong said

    KRISTINE –
    dalawa lang yan. kung totoo, hindi totoo. kung hindi totoo, totoo.

  7. ewanko said

    musta ka na??

    tagala na ako hindi nakakabisita d2..hmm..

    nice entry..totoo nga ba to??? ampfufu mga bakla talaga..mga walang magawa sa buhay..hahaha

  8. paurong said

    IRISH –
    ayos lang naman.
    matagal na rin akong hindi nakakapag-blog.
    salamat ng marami.

  9. jemme said

    hehehe syempre exciting eh.. kaya natapos kong basahin yun… hahaha!

  10. Justine said

    tlga po.. ngyari sau yan..
    grabe ha..
    kaw kea yung tnu2koy ni ate rina..?????

  11. paurong said

    JEMME –
    salamat sa pagbasa nun kahit malaswa. hehe.

  12. paurong said

    JUSTINE –
    ano ang sabi ni rina sa’yo.
    at the first place, sinong rina? ung pinsan mo o ung sa church?

  13. japboy said

    aw brokeback. hehehe.

  14. Tresa said

    Magaling magaling magaling!! Magaling ka talagang magsulat!!

  15. Neil said

    Grabe naman ang naranasan mo. Nakaka-relate ako. Pero siyempre, hindi ako magbabanggit dahil kamag-anak ko rin sila. Hehehe. At ngayon, dinakmal na siya ng karma. Hahahaha.

    Matagal na kong hindi nakakabalik dito ah. Pasensya na. was busy and all.

  16. nako jonell. produkto ka pala ng pangmomolestiya. halata eh (joke).. haha.

  17. toniwoni said

    joy, ano ba yang language na yan…
    anyways, kilala pa naman kita ano…
    at kung totoo nga iyan, i share the pain…
    naligawan na ako ng tibo…
    at ang kapatid ko naman ay laging nadadapuan ng mga bading ng guadalupe nuevo… awwts. ingat ka na lang lagi!😛

  18. paurong said

    JAPBOY
    hindi yan brokeback. iba kuwento nun.

  19. paurong said

    TRESA
    mas magaling ka sa’kin. associate mo lang ako sa skulpaper noon.

  20. paurong said

    NEIL
    marami tayong busy sa blogging world. salamat sa pagbisita.
    mukhang sariwa pa sa’yo ang karanasan mo.

  21. paurong said

    CARL
    ganun talaga.

  22. paurong said

    TONI
    ako naligawan na ng bakla.

  23. tim ang said

    kamusta na? ngayon lang ako napadaan matapos ang mahabang panahon.

  24. paurong said

    MARTIN
    alam mo kung bakit? kasi u.p. ka. un lang yon.

  25. emong said

    waaaaahhhh???

    well, lahat may purpose!!!

    a test of f8 lang yan…

  26. emong said

    ang tagal na hindi nakabisita dito ah,. ang dami na palang post mo… bkit pri na ung… basta..
    ahm… ung palitan natin ng bag, sa wed ha.. mga anung tym, db hindi na 3pm, mga anung tym ba? kc mga trip talaga natin eh..
    ahm…

    cge

  27. marj said

    one word
    YUCK!
    di q lam tungkol jan ah..
    anu ba? explain mu nman kng bkit di ka sumipot, daya mo..
    miss kpa jang nalalaman.. bleh…

  28. paurong said

    EMONG
    test of fate. exam na lang tayo sa up.

  29. paurong said

    EMONG
    inaamag na yung bag mo.

  30. paurong said

    MARJ
    nako. ano kaya yun.

  31. marj said

    hehe… =)
    go sam!!😀
    mwuah

  32. paurong said

    MARJ
    nag-aaksaya ka ng space.

  33. dave said

    ganyan talaga pag attractive tayo🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: