Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Sa telepono kong antigo.

Posted by Paurong sa Lunes, Hunyo 25, 2007

Hindi ako dapat papasok ngayong araw. Hindi ako tinatamad. Wala akong sakit. Pero gusto ko talagang umabsent dahil sa tawag sa telepono na natanggap ko kagabi.

Kahihilamos ko lang ng mukha nang magring ang telepono. Ilang linggo na mula ng huli akong makatanggap ng tawag. Iyon ay mula sa kaibigan kong taga-Makati na si Carl Joy na isang freshie sa U.P. Akala ko si Joy ang nasa kabilang linya. Nagkamali ako nang sa boses ng babae ang narinig ko.

Wrong number yata, naisip ko. Pero nang sabihin niya na ang balita, saka ko narealize na ako talaga ang hinahanap niya.

“Nasagasaan si Brian. Pumunta ka dito sa ospital.”

Agad akong nagmadaling magbihis. Dahil sa natutulog na ang lola ko, sa pinsan ko na lang ako nagpaalam. Kung anu-anong bagay ang pumasok sa isip ko habang nakasakay sa jeep. Panay ang kadadasal ko sa pag-asang hindi magiging malala ang kondisyon ng kaibigan ko. Unti-unting nabasa ang aking pisngi dulot ng pag-agos ng luha mula sa aking mga mata na mamula-mula na pagdating ko sa ospital.

Sinabi sa akin ng isang nurse kung saang room naroon ang taong hinahanap ko. Tumakbo ako sa pag-akyat sa hagdan. Para akong hinahabol ng isang kriminal.

Ang kaibigan ko. Ang matalik kong kaibigan.

Dinatnan ko sa labas ng emergency room ang pinsan niyang nakausap ko sa telepono. Umiiyak siya. Nang mapansin niya ako, agad niyang ipinaliwanag sa akin ang buong pangyayari. Hindi ko naitago ang pighati at labis na lungkot.

Nang dumating na ang mga magulang ng kaibigan ko, pinilit nila akong umuwi na dahil sa may pasok pa ako ngayong araw. Hanggang ngayon, habang nandirito ako sa school, hindi mapalagay ang loob ko. Sabi ng doktor kagabi, gumiginhawa na ang kaibigan ko. Pero maayos na ba siya? Kailan siya magiging okay?

Hindi ako dapat pumasok ngayong araw. Nagdadalawang-isip pa ako kung papasok pa ba ako sa mga klase ko. Bahala na.

14 Tugon to “Sa telepono kong antigo.”

  1. emong said

    ahm… c carl joy? anung hapend sa kanya? ahm, xa ba ung kamukha ng kuya ko? ung matangkad? ah basta,,, kmuxta na ba xa? haayyzz… ok lang yan..

    walang hindi nagagawa ang panalangin!!!

  2. deejay said

    ipinagdadasal ko na okay na sana ang iyong matalik na kaibigan.😛

  3. tim ang said

    ang bait mo namanng kaibigan. sana gumaling agad

  4. stick said

    . nasagasaan si brian

    sasagasaan din kita

  5. emong – haha. hindi ako nasagasaan. wah. natatakot nga akong tumawid eh. hindi nagbabasa itong si emong. nakow.

    jonell, hindi na ako nakakatawag sa iyo. teka lang. tatawag ako. haha. wala ka pa raw sabi ng lola mo. 7:24 pm ngaun.

    dasal na lang ang maitutulong ko kay brian. naudlot ang aking pangarap na maging doktor eh. sabi mo naman ay ok na siya. mas mabuti kung walang mababaling buto sa kanya at makakagalaw pa siya ng maayos.

    natakot ako nung sabi ni emong na ako yung nasagasaan. haha.

  6. wala ako sa blogroll mo. hmph.

  7. paurong said

    EMONG
    nagbabasa ka ba or what?

  8. paurong said

    DENIB
    ipagdarasal din kita diyan sa japan.

  9. paurong said

    MARTIN
    masama din ako.

  10. paurong said

    CARL
    galit yata sa’yo si earlmond. nasagasaan ka raw. grabe naman. yung qaf kelan kaya?

  11. paurong said

    CARL
    nalagay na.

  12. paurong said

    KRISTINE
    anong sagasaan? ano kaya yun?

  13. huwag kang mag alala sa frend moh.. gagaling un.. ipag dadasal ko na maging ok na sya sa kanyang kalagayan..haha.. tsaka kumusta ang best friend mo ngayon..? alagaan mo sya ng mabuti.. at sa lahat bantayan mo sya kung talagang importante sya sayo.. pasensya na wala na kong na advise sayo..anu pa nga ba..sige si lord ang bahala dyan sa best freind mo.. infat ka palage..hehehehe…bantayan mo best friend mo..hehehehehe……at sana maging maligaya na kayong dalawa..sa mahabang panahon…

  14. Emoseb said

    12:18 am
    WUFFY_APPLE — matagal na to e.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: