Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Nang hinalay ng high school teacher.

Posted by Paurong sa Biyernes, Hunyo 29, 2007

Kung pamilyar ka sa American TV series na ito, nakataas na siguro ang isa mong kilay habang nakatitig sa screen ng computer. At kung nakapanood ka na ng kahit isang eksena mula sa award-winning na palabas na ito, malamang e pinagdududahan mo na ako.

Matagal ko nang alam ang Queer As Folk. Noon pa yatang third year ako. Pero dahil sa hindi ako nakatira sa America at wala rin namang cable dito sa bahay, never pa akong nakapanood ng QAF.

Hanggang sa two days ago nang makabili ako ng DVD ng complete seasons ng Queer As Folk.

Hindi ko napigil ang sarili ko sa pag-iyak habang nasasariwa ang masalimuot kong nakaraan sa mundong hindi maaakala ng sinumang kilala ako, sa pangalan man, sa mga kuwento at tulang isinusulat ko, o sa mukha.

Maraming eksena sa TV series na ito ang sumasalamin sa maraming katotohanang naganap sa magulo kong mundo. Habang nakakatatlong episodes akong napapanood every night, mas lalong tumitindi ang sakit na nararamdaman ko, sakit ng alaala, sakit ng nakaraang nandito pa ring nakaukit sa utak ko.

Nang mapanood ko ang unang beses na magsex ang main characters na sina Brian at Justine sa tenth minute ng first episode ng first season, nanumbalikdiwa sa akin ang ginawa sa akin ng isa kong high school teacher. Oo, isang high school teacher. Isang high school teacher na bumaboy sa dignidad ko. Tandang-tanda ko pa ang hapong iyon. Stranded ako sa school dahil sa nahuli akong nagvandal sa pader. Noon pa man e pansin ko na ang malalagkit niyang tingin sa akin. Noong una’y hindi ko iyon binibigyan ng pansin. Pero nang hapon ngang iyon ay natupad ang kanyang mga pantasya.

Sa totoo lang, takot akong sabihin ang nangyaring iyon isang taon na ang nakalipas. Takot akong mahusgahan ng mga tao sa paligid ko. Kaya siguro tahimik ako. Maraming lihim na nakaangkas sa buntot ko. At sa pamamaraang ito, sa pamamagitan ng pagsusulat, ay nasasabi ko ang mga matagal nang nakakubli sa puso ko.

Ayoko nang maulit ang ilang beses na kahayupang nangyari sa akin. Ayoko na.

34 Tugon to “Nang hinalay ng high school teacher.”

  1. loudthinker said

    Well its too brave of you to post it here! I admire that courage. Not a lot of people are as brave as you are when it comes to skeletons in their closets. I mean to admit it to yourself that it happened is one and to post it in public is another. At least somehow even if you dont admit it, you’re somewhat over it. Maybe not totally but i can tell that the wounds are healing already. (And you’re how old now, thats what? a couple of years ago? maybe more.)

    I also know someone who actually experienced the same thing, trust me i know how you feel, it doesnt happen to me personally though but i also have the same pain.

    But what the heck, this is how we know life. Imperfect. We just need to be strong and brave the currents.🙂

  2. paurong said

    LOUDTHINKER
    it’s been so nice of you to say those things. i appreciate it so much.

  3. Rovie said

    hi!! wala napadaan lang😀

  4. paurong said

    ROVIE
    rovie? as in rovie? as in?

  5. isagani x, m.a. said

    Yo,

    Alam mo pa ba ang YM ko? anbesol99 or anbesol98

    Kung mag oonline ka man at online ako, please message me. Meron lang akong gustong itanong.

    Chico

  6. marj said

    waah, sino un? anu nanyare?
    bkit ka kc nagvandal?
    kwento mo ha, at wag mo akong kakausapin in french.. haha =)
    mwuah, GBU!!

  7. paurong said

    CHICO
    alam ko pa rin naman ang ym mo. sige.

  8. paurong said

    MARJ
    kailangan ko pa bang sabihin sa’yo yun? manlibre ka muna.

  9. ♥katrisha♥ said

    wa? true? tapang mu ah. bilib akuu sa iu.

  10. paurong said

    KATRISHA
    siyempre totoo. serbisyong totoo lang.

  11. milcah_maganda said

    When I’ve read your story, there’s something bothering me…
    1 question… “Totoo ba talaga ‘yung sinulat mo?”
    I’m afraid kung totoo nga… Because for me you are so brave to tell those things.
    If I will be on your slipper I don’t have a bit of that braveness of you… “Ang tapang mo Jonell Estillore”. I hope you can share that braveness with me. I hope I can be your friend… “bff” Thanks… “Life will be worhless without God”
    “God has a plan for each and everyone of us. Just wait. Be patient. God will provide”

  12. milcah_magnda said

    :-c

  13. lory said

    ei… ur so brave… sobrang napahanga mo ako…

  14. paurong said

    MILCAH
    don’t be bothered. be bothered by other things than this mess. we can be friends, of course.

  15. l0nely said

    You’re not alone sa experience na to. I have a friend who went through the same thing and he got over it with our support and prayers.
    What goes around comes around… =)

  16. paurong said

    LONELY
    thank you for those words. yeah, what goes around comes around.

  17. paurong said

    LORY
    salamat din sa’yo.

  18. marj said

    nyaks, di ka nman sumisipot eh..

  19. marj said

    sabi q sau, maganda ang combi ng pink at blask.. nyahaha.. =)
    mwuah..

  20. paurong said

    MARJORIE
    so, manlilibre ka nga?
    eto na nga yung blog na gusto mo diba?

  21. marj said

    nyaks, hehe..ou eto gusto ko..
    cge libre kita, pero wag muna ngaun, dami gastos eh..haha =)
    go sam! mwuah, GBU, lam mu, nanghihinyang tlga ako dun sa HSM..huhu..

  22. red said

    acceptance and forgiveness will set you free

    matanong ko lang: what’s will the unexplained interest sa QAF?

  23. paurong said

    MARJORIE
    akalain mong manlilibre nga. mayaman nga kasi. nursing e.
    yung sa hsm, wag ka nang mag-alala, sa panaginip na lang tayo manood.
    walang katapusan ka yatang nagkucomment sa post na ito.
    doon ka na lang lagi sa latest entry ko para makita ko kaagad, ha?

  24. paurong said

    RED
    forgiveness is nothing without acceptance.
    ano ulit ung tanong? if you’re asking about the interest sa QAF, it is so liberal.

  25. bingskee said

    i am somewhat affected by this. honestly, i am in awe at the braveness. sabi, time heals the wound but the scar is there. i hope the pain is gone after posting about it. but i know it is not as easy as anybody wishes it to be or thinks it to be. my prayers for you.

  26. paurong said

    BINGSKEE
    please do not be affected. the life i had is never to be regretted.
    sayang lang at hindi ko alam ang spelling ng past tense ng verb na regret.
    maraming salamat!

  27. emong said

    well… evrything happens 4 a reason,.

  28. paurong said

    EARLMOND SABLAON
    ano na namang kaartehan yan. jowk.

  29. dave said

    matapang ka nga. ano na kayang nangyari sa techer na yun?

  30. matapang nga ang ginawa mo…

  31. paurong said

    DAVE
    baka ganun pa rin siya.

  32. paurong said

    BIHAYENGPINOY
    maraming salamat.

  33. haru_chan said

    paurong, ikaw ba si jonell?

  34. HARU_CHAN — hindi ako si paurong, ako si emo. oo, ako nga si jonell, bakit, sino ka?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: