Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Paunang salita.

Posted by Paurong sa Martes, Hulyo 10, 2007

Ang pinakamasaklap na bahagi ng pagiging isang manunulat ay ang paglalapat ng unang mga salita. Tulad ngayon, ilang bura na ang ginawa ko bago ko pa ito masimulan. Nakapag-aksaya na ako ng ilang piraso ng yellow pad bago ako makaisip ng concept para dito.

Actually, hindi naman ako authentic na manunulat. Nagpipilit lang talaga ako. Pero dahil sa ang definition ng manunulat ay isang taong nagsusulat, e di manunulat nga ako.

Heto na nga, ngayong nagsisimula na talaga ako, gusto kong ipakilala ang tauhan ko. Sige na nga, pangunahing tauhan na para mas maging pormal ang introduction.

Ang pangalan niya ay Miko.

Bilang isang may-akda, tinitiyak kong hindi ako basta-basta nagbibigay ng pangalan sa isang character. Halimbawa, sa kaso ni Miko, mababaduyan kayong mga mambabasa kung iba ang itatawag ko sa kanya, kaya Miko na lang. Maraming mababahong pangalang ayokong gamitin lalo na’t hanggang maaari ay gusto kong ipakita ang kadisentihan nitong si Miko. Sa buong buhay niyo naman siguro, nakarinig o nakakilala na kayo ng isang taong may pangalang Miko.

Hindi ko naman kuwento ito bilang isang taong nabubuhay sa totoong mundo kaya hindi na ako masyadong liliku-liko pa. Ang kuwento ni Miko ang gusto kong malaman ninyo, at, siyempre, gusto kong makita niyo ang mundong ginagalawan niya.

At magsisimula ang kanyang kuwento sa pagsunod mo sa mga susunod na pahina.

18 Tugon to “Paunang salita.”

  1. marj said

    ewan.

  2. unang salita? amen. ^^

  3. condorhero said

    hmm… basa ka ng mga gawa ni edgardo m reyes, rogelio sikat, dominador mirasol, ave perez jacob, ricardo lee, rogelio ordonez at efren abueg… makakakuha ka ng idea sa knila.. the best sila… ^_^…

  4. musaddik said

    why don’t you write in English .

  5. paurong said

    CONDORHERO
    nagbabasa naman ako.. pero yung iba sa mga nabanggit mo ay hindi ko pa nakakasalamuha.

  6. paurong said

    MUSADDIK
    good idea.

  7. marj said

    kristine, uy, yikee..=)

  8. emong said

    ahm.. oo may naririnig akong pangalan na ganyan…

    si MIKAEL… nyahaha… jowks,.,

    naumpisahan mu na ba yang kwentu nyang si miko?

    well, sinasabi ko sau… simulan m,o na…

  9. paurong said

    MARJORIE SAMSON
    papansin ka talaga.

  10. paurong said

    EARLMOND SABLAON
    anoh??? sinong mikael? ano yun.
    miko kaya. m-i-k-o. hindi mikael.
    sige, dahil may umudyok na sa akin, sisimulan ko na!

  11. Jian said

    Ayan ha, puro comment ko na sa mga pages ng blog mo!!! siguro naman di ka na magtatampo kasi di ako nagpaparamdam. Sige, galingan mo ha, nagbabasa ako!!!
    Hehehe…

  12. paurong said

    MARC JIAN GAON
    wow naman kabubukas ko pa lang ng post na to may comment kaagad. nako.

  13. Jian said

    bakit ayaw mo?

  14. Jian said

    Ei add mo ako ngayon sa YM bilis chat tau

  15. paurong said

    MARC JIAN GAON
    nakakatuwa lang naman.

  16. paurong said

    MARC JIAN GAON
    yung tao ba ako no? ayan naadd na ah.

  17. angeline said

    oy rogelio sikat,
    magpakita ka!
    JOKE..

    may kamg anak b dto c ckat na yan?!

  18. uo ng said

    mga ulul. wla nmng mhanap na answer !!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: