Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Kindergarten.

Posted by Paurong sa Linggo, Hulyo 15, 2007

Kasabay ng pagsalok ng tubig ang pagragasa ng sigaw ni Nanay. Damang-dama ko ang galit niya habang pilit na ibinubuhos ang lamang tubig ng tabo. Naroong hatawin niya ako o dili kaya’y kurutin sa tuwing hindi ako sumusunod. Ilang sandali ang lumipas bago ko natanggap ang sunud-sunod at nagmamadaling pagdaloy ng tubig sa buo kong katawan.Hindi nagtagal ang takot ko sa tubig at sa pagsigaw ni Nanay. Kinuha niya ang tuwalyang nakasampay sa ulunan namin. Ikinusot niya ang tuwalya sa buo kong katawan upang matuyo ako. Sa wakas, tapos na.

Sa sala, nakaupo sa papag si Tatay. Ang mga kapatid ko ay nangakaupo sa harapan ng telebisyon. Tumayo si Tatay para kunin ako at bihisan. Lumabas ng bahay si Nanay, karga-karga ang bunso kong kapatid, ng nakakunot ang noo at malalim ang paghinga.

Nang maisuot na sa akin ang pares ng itim na sapatos, lumabas na kami ng bahay ni Tatay.

Limang taong gulang ako noong ipinasok nila ako sa paaralan. Kinder daw ang tawag doon. Pagdaan namin sa asul na tarangkahan ng eskuwelahan, natuwa akong pagmasdan ang dami ng mga batang naglalaro sa damuhan. Dinig na dinig ko ang ingay ng masasayang batang naglalaro, nagtatawanan, nagkukulitan. Ihinigpit ko ang kapit sa yayat na kamay ni Tatay. Kumirot ang tiyan ko.

Nang mapuntahan na namin ang lugar ng mga batang kaedad ko, nakita ko ang maraming magulang na nasa labas ng silid-aralan. Tahimik ang lugar na iyon. Ang boses ng isang babaeng nakapula ang umalingawngaw sa lahat ng dako. Lumugar ako sa likuran ni Tatay habang kinakausap niya ang babaeng nakapula. Ma’am daw ang itawag ko sa kanya. Siya raw ang guro ko. Umoo ako, pero hindi ko sinundan ng paglakad ang babaeng nakapula.

“Sige na, pumasok ka na,” udyok ni Tatay. “Marami nang bata sa loob.”

“Halika,” nakangiting paanyaya sa akin ng guro.

Ang pagkakapit ng kamay ng babaeng guro ang humiwalay sa akin kay Tatay. Sa bawat yapak ng paa ay nakapako lang ang tingin ko kay Tatay. Palayo, palayo, palayo. Nang ipinid na ang pinto at nawala na sa paningin ko si Tatay, hindi ko na nahayaan pang hilain ako ng guro. Maraming bata sa paligid ko. Ang karamihan sa kanila ay nakatingin sa akin. Hindi man lang ako nagawang bolahin ng mga makukulay na laruan sa paligid. Hiniling akong maupo ngunit walang boses akong tumanggi. Nanatili akong nakaupo sa sulok. Sa kanan ko ay nakatayo sa harapan ng mga bata ang babaeng guro. Takut na takot ako. Ibinaling ko ang aking paningin sa lahat ng bahagi ng silid-aralang iyon sa pag-asang masumpungan ang mukha ni Tatay. Pero wala. Nanatili lang ako sa sulok na iyon. Hindi nagtagal, lumala ang pakiramdam ko sa aking sikmura. Dahan-dahan itong hindi kinaya ng sistema ko. Hindi ko nakuhang ngumiti, ni sumigaw.

Ang matagal kong pagkasabik sa pagbukas na muli ng pinto ay naganap matapos ang isang oras. Wala akong ibang naisip kundi ang makabalik kay Tatay at matakasan ang klaseng iyon. Pinatayo ng guro ang lahat ng mga bata at pinapila. Pilit niya akong pinatayo at pinasingit sa pila upang maging maayos at matiwasay ang paglabas naming mga estudyante niya. Kinder ang tawag dun. Naamoy ko kaagad ang kabigatan ng suot-pambaba ko. Hinanap ng mga mata ko si Tatay at nang matagpuan ay tumakbo ako at kumaripas ng takbo palapit sa kanya na nasa malayong bahagi ng hintayan.

Nang makauwi na kami sa bahay, napansin ni Nanay ang mabahong amoy ng suot-pambaba ko. Dinala niya akong muli sa CR, hindi upang paliguan, kundi upang hugasan ang puwet ko, at gawan ng paraang malinis ang suot-pambaba kong punung-puno ng tae.

34 Tugon to “Kindergarten.”

  1. dianne said

    rumaragasa ba ang boses? ngaun ko lang yun narinig.

    nangakaupo- ngaun ko lang din nakita ang salitang to. pwede namang nakaupo na lang. hehe.

    Ihinigpit ko ang kapit sa [y]ayat na kamay ni Tatay. Kumirot ang tiyan ko. — Payat ba dapat to?

    uhm. hanep sa storya. ayaw ko na tuloy may early childhood education. ganyan nga pala ang mga bata sa pre-school. hehe.

  2. marj said

    yuck.. tae, kaw ba yan?

  3. marj said

    nako. maayos nman ang comment ko eh..

  4. marj said

    nung kinder xe aq, tulog pa ako, napaliguan na ako ni mama, tpos gigising lng ako para pumunta ng skul tpos matutulog ulit ako sa skul..

  5. dianne said

    rumaragasa ba ang boses? — figure of speech.

    nangakaupo- plural form ng nakaupo.

    Ihinigpit ko ang kapit sa [y]ayat na kamay ni Tatay. Kumirot ang tiyan ko. — meron talagang term na yayat. at iba yun sa payat.

    di ako linguistic.
    di rin matalino.

  6. paurong said

    DIANNE VILLAPANDO
    pasensya na sa grammar ko. hindi po ako kasintalino mo.

  7. dianne said

    tsk.
    drama mo.
    di nga ako matalino e.
    hay naku.

  8. paurong said

    MARJORIE SAMSON
    ang ingay kasi dito kaya ibinaba ko yung phone.

  9. paurong said

    DIANNE VILLAPANDO
    hindi raw matalino. pero journalist sa baguio.

  10. paurong said

    MARJORIE SAMSON
    lokohan talaga yun. yung nanay mo talaga, o. walang yuck dito.

  11. dianne said

    kung sumali ka, di na ako aabot ng baguio.

  12. paurong said

    DIANNE VILLAPANDO
    as if naman. kaya nga ako hindi sumipot sa contest e dahil hindi ako magaling, mapapahiya lang ako dun.

  13. dianne said

    nge.
    magaling ka kaya.
    in denial ka lang.

  14. paurong said

    DIANNE VILLAPANDO
    pano mo nasabi. aber.

  15. dianne said

    tsk.
    obvious naman sa mga sinusulat mo e.
    kung ayaw mo, sige. edi hindi ka na lang magaling.

  16. paurong said

    DIANNE VILLAPANDO
    sa mga isinusulat? bakit inaamag na nga e.

  17. dianne said

    bahala ka nga diyan.
    palagi na lang issue kung magaling ka o hindi.
    pag magaling ka, ayaw mo.
    pag hindi, ayaw din.
    bahala ka.

  18. paurong said

    DIANNE VILLAPANDO
    pag sinabing hindi magaling? ano ka! tanggap ko naman yun ah!

  19. dianne said

    asus.

  20. paurong said

    DIANNE VILLAPANDO
    i hate me.

  21. dianne said

    okay. hehe. joke lang.
    bakit naman?

  22. paurong said

    DIANNE VILLAPANDO
    kasi hindi na ako nakakapagbasa ng english novels.

  23. dianne said

    korni naman. para yun lang e.

  24. paurong said

    DIANNE VILLAPANDO
    it’s important in my life.

  25. dianne said

    okay.

  26. marj said

    =)

  27. marj said

    di mu na nman kelngan magbasa, magaling kna sa english…

  28. paurong said

    MARJORIE SAMSON
    ano kaya yun? weh.

  29. Jian said

    hay nako,ano ba yan, ang sama naman ng unang araw ni Miko!!!
    Siguro ganito nangyari sayo ‘no?!?

  30. paurong said

    MARC JIAN GAON
    ano kaya yun? imbento mo na naman.

  31. stick said

    .paano ako napupunta sa dashboard mo

  32. paurong said

    KRISTINE BERNADETTE NACION PONCIANO
    .paano ako mapupunta sa puso mo

  33. nash said

    ang lalim naman yun mga binigkas mo!! para akong malulunod sa dalos ng iyong pagsalita!!

  34. 10:43 AM

    NAHSRA KRISTINE SUAREZ — nyek. ano kaya yun. hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: