Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Tagu-taguan.

Posted by Paurong sa Sabado, Hulyo 21, 2007

Sa harap ng isang malaking puno
Nagsimula akong matutong
Samyuhin ang buhay na walang saysay.

Ipinikit ko ang aking mga mata
At lubus-lubusan umasang
Makikita ko ang mga dapat kong hanapin.

Nagbilang ako ng isa hanggang sampu
Kinabahan, nabagabag nang buksan mga mata.
Nananatili ba ang mga ugat ng puno sa kanya?

Matayog ang punong sinanggalan ko
Bago sumuko sa huli at lumapag sa batuhan.

Pula ang damo, itim ang langit
Nasaan ang pighati mo sa akin?
Kagaya lang ng taguan
Puwedeng makita, puwedeng hindi.
Huwag mo akong hahanapin sa malayo.

3:11 pm / Sampaloc, Manila

13 Tugon to “Tagu-taguan.”

  1. Arnel said

    may nagtatago sa yo?
    makikita mo rin yun balang araw.
    hindi sa lahat ng laro ng taguan ay ikaw ang taya.🙂

    *to kill a mockingbird? maganda yan. ituloy mo lang. hehe.

  2. ARNEL UYACO

    walang nagtatago sa akin. ako mismo ang nagtatago. isinisilid ang sarili sa loob ng isang hawla ng kawalaan. taya man o hindi, nakapinid pa rin ang mga mata. nawawalan ng gana sa bawat pagbilang.

    kahihiram ko pa lang niyan. sarado na yung library sa skul ko, namilit pa rin akong humiram.

  3. Richmond said

    Wow

  4. RICHMOND
    i’ll take that as a compliment, those that word is too ambiguous.

  5. isagani x, m.a. said

    Hindi na ikaw ang PAURONG na nakilala ko noon.

    Tunay ngang napakalaki ng iyong ipinagbago sa pagsusulat. Mas malinis, mas madulas, mas may saysay.

    Ang pagpili ng salita, hindi maitatanggi magaling. Ang pagkakaayos ng mga iyo, mainam kaysa dati.

    Nag uumpisa nang mahinog ang mga salita … wag kang mapapagod mag sulat.😛

    Hihintayin ko ang iyong pagsikat, idol😛

  6. Cai-kulit said

    keep it up.. musta?…

    take care.

  7. CHICO
    hindi na talaga ako ang dating paurong na nakilala ng lahat. dahil hindi na ako paurong sa pangalan man o sa totoong buhay. salamat. napanganga ako sa nabasa kong comment mo.

    CAI PIO RODA
    ok lang ate.

  8. tolitz said

    langya, parang ito yung dapat na basahin ng character sa kwento ni sawn [pasakalye.wordpress.com]. (sawn’s paglubog ng araw ). bagay na bagay.

  9. gplay said

    may rubdob ang tula.
    nakapagtataka pa kaya?

    *astig yang mockingbird! The very idea that the booker’s league banned this book in America proves how prejudice is seen until now.

  10. TOLITZ — mabasa nga yang kuwento ni sawn. naintriga ako.

    GERALD — marubdob? talaga. woh. marami na nga kayong nagsabing maganda yung mockingbird. sana mabasa ko na nang mabilis.

  11. rina rose said

    yung tinutukoy mo eh yung comment ni isagani di ba? ah oo..
    ewan ko, di naman kasi talaga ako marunong sumulat gaya nyo.. kaya naman hindi ako magiging isang mahusay na kritiko pagdating sa ganitong uri ng mga akda…. at di ba alam mo, jonell?? pinakamabigat ang dating sa akin ng emosyon o damdaming nangingibabaw sa mga gawang pampanitikan… ang mensaheng nais iparating nito at kung ano ang pinaghuhugutan ng may-akda para sa mga ito (though the last may not be necessary, it just depends on the who the writer is and how he is related to me)……

  12. RINA ROSE DELEÑA BAUTISTA — ang emosyon sa tulang ito ay nakalutang, maaaring maapuhap, pero puwede rin namang hindi mawatasan.

  13. nikki_pinsan ni vieira said

    Hi… gandang-ganda ang mga c-mates kouh sa tula mouh…whoa…

    pati titser kouh…

    haha…

    thankzou…

    hmm…

    wat daw mining ng pula ang damo itim ang langit…?

    Paurong says: Buti naman nagandahan sila. Teka pano ka nga pala napadpad dito? Salamat ha. Sino nga pala teacher mo?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: