Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Archive for Agosto, 2007

TV Ratings GMA7 and ABS-CBN (Aug. 28–Aug. 30)

Posted by Paurong sa Biyernes, Agosto 31, 2007

August 28 (Tuesday) Daytime:
1. Eat Bulaga! (GMA-7) – 22.5%
2. Kung Mahawi Man ang Ulap (GMA-7) – 20.6%
3. Meteor Garden (GMA-7) – 20.5%
4. Wowowee (ABS-CBN) – 20.3%
5. Kapamilya Game KNB? (ABS-CBN) – 19.8%
6. Pati Ba Pintig ng Puso (GMA-7) -18.8%
7. Takeshi’s Castle (GMA-7) – 18.7%
8. Daisy Siete (GMA-7) – 18.2%
9. Foxy Lady (GMA-7) – 16.7%
10. Boy & Kris (ABS-CBN) – 13.8%

Primetime:
1. Marimar (GMA-7) – 33.5%
2. 24 Oras (GMA-7) – 32.2%
3. Impostora (GMA-7) – 31.5%
4. Mga Mata Ni Anghelita (GMA-7) – 30.5%
5. Kokey (ABS-CBN) – 29.9%
6. Ysabella (ABS-CBN) – 27.3%
7. TV Patrol World (ABS-CBN) – 26.4%
8. Jumong (GMA-7) – 25.3%
9. Kapamilya Deal Or No Deal (ABS-CBN) – 23.9%
10. Walang Kapalit (ABS-CBN) – 20.8%

August 29 (Wednesday)

Daytime:
1. Meteor Garden (GMA-7) – 23.9%
2. Eat Bulaga! (GMA-7) – 22.7%
3. Daisy Siete (GMA-7) – 22.3%
4. Kung Mahawi Man ang Ulap (GMA-7) – 22%
5. Wowowee (ABS-CBN) – 21%
6. Pati Ba Pintig ng Puso (GMA-7) – 21%
7. Kapamilya Game KNB? (ABS-CBN) – 20.5%
8. Margarita (ABS-CBN) – 16.4%
9. Foxy Lady (GMA-7) – 16%
10. Takeshi’s Castle (GMA-7) – 14.9%

Primetime:
1. Marimar (GMA-7) – 34.8%
2. Mga Mata Ni Anghelita (GMA-7) – 34.7%
3. Impostora (GMA-7) – 32.8%
4. 24 Oras (GMA-7) – 32.7%
5. Kokey (ABS-CBN) – 31.8%
6. TV Patrol World (ABS-CBN) – 29.4%
7. Ysabella (ABS-CBN) – 28.7%
8. Kapamilya Deal Or No Deal (ABS-CBN) – 26.5%
9. Jumong (GMA-7) – 26.4%
10. Walang Kapalit (ABS-CBN) – 22.5%

August 30 (Thursday)

Daytime:
1. Eat Bulaga! (GMA-7) – 24.1%
2. Meteor Garden (GMA-7) – 23.9%
3. Wowowee (ABS-CBN) – 22.6%
4. Kapamilya Game KNB? (ABS-CBN) – 19.5%
5. Kung Mahawi Man ang Ulap (GMA-7) – 18.4%
6. Daisy Siete (GMA-7) – 17.9%
7. Pati Ba Pintig ng Puso (GMA-7) -17.8%
8. Takeshi’s Castle (GMA-7) – 16.3%
9. Margarita (ABS-CBN) – 16%
10. Foxy Lady (GMA-7) – 15.4%

Primetime:
1. Marimar (GMA-7) – 35.7%
2. Mga Mata Ni Anghelita (GMA-7) – 33.2%
3. 24 Oras (GMA-7) – 32.4%
4. Impostora (GMA-7) – 32.2%
5. Kokey (ABS-CBN) – 30.4%
6. Ysabella (ABS-CBN) – 29.9%
7. Kapamilya Deal Or No Deal (ABS-CBN) – 29%
8. TV Patrol World (ABS-CBN) – 28.2%
9. Jumong (GMA-7) – 27.6%
10. Walang Kapalit (ABS-CBN) – 23.9%

Source: AGB Nielsen Philippines

Posted in ABS-CBN, GMA7, Life, Personal, Ratings, TV | 3 Comments »

Wowowee’s Wilyonaryo Controversy Updated!

Posted by Paurong sa Huwebes, Agosto 30, 2007

WowoweeIkinasindak ng maraming manonood ang nakita nila noong Lunes, August 20 sa noontime show na Wowowee. Marami na ring kopya ng video ng episode nito ang nasa Youtube at talaga namang umani ng kabi-kabilang batikos.

Ang “Wilyonaryo”, na bagong portion ng Wowowee, ang tinutukoy sa kontrobersya. Maaaring manalo ang kahit na sino ng 2 million pesos, 1 million pesos, 500 thousand pesos o House and Lot. Kagaya ng maraming game show, binibigyan ang contestant ng dalawang choices, kung kukunin o hindi kukunin ang premyo o alok. Ganyan ang takbo ng ibang game show tulad ng Deal or No Deal, Laban o Bawi, Taktak Mo o Tatakbo, Tok Tok Tok, Pera o Bayong at iba pa. At gaya nga sa mga nabanggit, kagawian nang alamin pagkatapos ng laro kung nasaan ang jackpot na premyo.

Noong episode na iyon, ang contestant na si Weng ay nanalo ng kabuuang P137,000, batay sa naging alok ng host na si Willie Revillame at sa napanalunan nito sa elimination round. Sinabi ni Willie na nasa violet na wheel ang jackpot na 2 million pesos. Nang buksan niya ang laman nito, 0 ang lumabas at hindi 2.

“‘Yon, walang laman!” ang pagkagitla ng co-host na si Mariel Rodriguez nang makita ang laman ng violet na wheel.

“Mali-mali, sandali… ang two million… Ay! Hawak ko pala!” ang natatawang sabi ni Willie matapos hilain mula sa violet na wheel ang isa pang film na may nakalagay na “2”.

Ipinagpipilitan ng ABS-CBN executives na ang nangyari ay isang “honest mistake” at hindi isang “scam”. Pero bakit kailangang dalawa ang laman ng wheel? Ang tanging sagot na nakikita ko dito ay upang magkaroon ng another choice, ang ibig sabihin may posibilidad na ibigay sa contestant ang premyo o hindi. Malinaw na malinaw, walang duda.

Maglabas man ng depensa ang Wowowee sa nangyaring ito, maraming tiwala na ang nabasag at maraming tao na ang nag-aalangan sa kredibilad ng naturang noontime show.

Willie Revillame’s Reaction on the Recent Wowowee’s Wilyonaryo Controversy (August 29, 2007):

“Hindi po ako nandadaya… ‘Wag n’yo paglaruan pagkatao ko. Kayo na bida. Sa’yo na ratings. Sige ‘Eat Bulaga’ na No. 1.

“I never cheated. I cannot do that. Here in ABS-CBN we will never do that.

“I’m sorry, pasensya na po kayo. Humihingi ako ng tawad. Kung tatanggalin po ako dito tatanggapin ko po ‘yon. Hindi po ako nandadaya.

“Kala mo napakalinis mong tao. Kung maganda ang istasyon n’yo ilabas n’yo ang totoo… Ako po nagsimula sa Channel 7 pero wala akong sinabi ni isang masamang salita sa Channel 7.

“Nirerespeto pa rin kita. ‘Wag mong hintayin na mawala ang respeto at paghanga ko sa iyo… Wala po akong ginagawang masama sa inyo.”

The following is the official statement of ABS-CBN (August 30, 2007):

“There was no cheating in the August 20 episode of ‘Wilyonaryo’, the new game portion in Wowowee.

“There are two parts in ‘Wilyonaryo’, the elimination and the final rounds. In the elimination round, the contestant won P37,000. In the final round, the contestant agreed to get the one hundred thousand pesos (P100,000) offered by Willie. This brought the contestant’s total winnings to one hundred thirty seven thousand pesos (P137,000).

“The revelation of where the P2 million jackpot prize is happened after the contestant decided to get Willie’s offer. Since ‘Wilyonaryo’ is a new game, a mechanical glitch occurred in the reveal portion.

“Wowowee assures all its supporters that all games and contests in the program are executed with transparency, fairness, and honesty.

“Wowowee will continue to give cheer, help, and fulfillment of the dreams of millions of viewers around the world.”

WHAT THE BLOG AUTHOR THINKS ABOUT THE ISSUE:

Inabangan ko talaga ang paglabas ng official statement ng ABS-CBN tungkol sa nangyaring “kababalaghan” (hayaan ninyong tawagin kong gayon) sa August 20 episode ng Wowowee. At ngayong alam ko na ang katayuan nila ay maaari na akong magsalita, bilang isang tagasubaybay, bilang isang may pakialam, at bilang isang mamamayang naghahangad, tulad ng karamihan, ng kalinawan sa mga ganitong uri ng kaganapan.

Ang batayan ng lahat ng ito ay ang official statement ng ABS-CBN. Tignan nating maigi. Dalawang bagay ang pinupunto ng official statement: (1) walang dayaang naganap at (2)nagkaroon lang ng mechanical glitch at bago pa lang ang palabas kaya nangyari ang ganoon.

Ipinabatid sa official statement ng ABS-CBN na nangyari na ang pagpili ni Weng, ang winning contestant sa Wilyonaryo noong araw na iyon, ng “Winame” kaya siya nanalo ng P137,000. Ngunit, hindi ba, ang usapan dito ay tungkol sa violet wheel na naglalaman dapat ng “2” at hindi “0”. Ilang ulit kong binasa ang official statement, at wala akong matunghayang pangungusap na magtuturo sa akin ng pahayag nila tungkol sa sinasabing daya. Ito ang dapat na pinag-igihan nila ng paliwanag, dahil ito ang ugat ng lahat. Hindi magtataka ang mga tao, kabilang ng ako, kung hindi dahil sa pagkakaroon ng dalawang numero sa isang gulong sa Wilyonaryo.

Tignan nating maigi, kung ang pinili ng contestant ay ang violet wheel sa halip na white wheel, tiyak na nadaya ang kahabag-habag na karaniwang taong naghahangad lang na maambunan ng perang magagamit niya upang makaangat sa kinasasadlakang hirap. Ngunit, malinaw na hindi ganoon ang nangyari. Umoo ang contestant sa alok na P100,000 ni Willie at umuwing may P137,000, ang kabuuang premyong napanalunan niya.

Sa pagbukas ni Willie sa violet wheel, nagulat si Mariel Rodriguez, co-host ni Willie Revillame sa Wowowee, na “0” ang laman niyon at hindi “2”. Nang humilang ulit si Willie ay lumabas ang isa pang film na may nakalagay na “2”. Ang ibig sabihin, dalawang film ang laman ng wheel, hindi isa. Kung lalapagan kita sa harapan mo ng dalawang inumin, ang isa ay soft drink habang ang isa ay iced tea, magkakaroon ka ng control sa kung alin sa dalawa ang iinumin mo, hindi gaya kapag iced tea o soft drink lang ang ibibigay ko sa iyo, wala kang magiging control sa gawi ng pagpili sapagkat wala naman talagang pagpipilian. Kapara ito ng sinasabi kong control sa wheel. Control sa pagbigay ng premyong nakabatay sa kung ano ang laman ng wheel.

Now, think about it.

Posted in ABS-CBN, Game Show, TV, Wowowee | 44 Comments »

Mga Mata ni Anghelita Theme Song.

Posted by Paurong sa Miyerkules, Agosto 29, 2007

As requested by many readers and passersby of my blog, here is the lyrics of the top-rating drama series on primetime. Mga Mata ni Anghelita is about a young blind girl who was given the eyes of the Virgin Mary. The story revolves on how she battles evil by her wholeheartedness and goodness. Mga Mata ni Anghelita is aired after 24 Oras on GMA7, Monday-Friday.

Mga Mata ni Anghelita Bill

NANG DAHIL SA IYO
Mga Mata ni Anghelita theme song
Performed by: Maricris Garcia
Composed by: Tata Betita

Nang Dahil Sa Iyo Lyrics

Hindi ba pansin
Mundo ay kay bilis
Ang mga mata’y laging may luha
At mali minsa’y magiging tama

Minsan sa gitna ng lahat
Mayro’n pa ring liwanag
Gabay upang iyong makita
Ang mundo’y maganda pa rin pala

Nang dahil sa iyo
Payapang puso’t isip
Nakita ko sa’yo
Ang tunay na pag-ibig

Minsan sa gitna ng lahat
Ikaw ang siyang liwanag
Gabay upang aking makita
Ang mundo’y may pag-asa pa pala

Nang dahil sa iyo
Payapang puso’t isip
Nakita ko sa’yo
Ang tunay na pag-ibig

Dahil sa gitna ng lahat
Ikaw ang siyang liwanag
Gabay upang aking makita
Ang mundo’y may pag-asa pa pala

Nang dahil sa iyo
Payapang puso’t isip
Abot-kamay ko na
Ang nais kong makamit
Nakita ko sa’yo
Ang tunay na pag-ibig

Posted in GMA Telebabad, GMA7, Mga Mata ni Anghelita, Music, Telenovela, TV | 10 Comments »

Vin y Jonell.

Posted by Paurong sa Miyerkules, Agosto 29, 2007

A year passed before Arvin and I were able to play O2Jam together. I still remember those times when he was telling me a lot of things about this game. He really is an addict.

Posted in Personal | 3 Comments »