Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Fortunato 1.1

Posted by Paurong sa Miyerkules, Agosto 1, 2007

UNANG KABANATA / UNANG BAHAGI

Matapos ang isang oras na biyahe, pumanaog si Nato sa jeep dala-dala ang ngiti sa kanyang mga labi. Sa sobrang kasabikang masabi sa kanyang nanay ang magandang balita ay kumaripas siya ng takbo papasok sa kanilang munting bahay.

Nagulat si Carmela sa pagbulaga sa kanya ng anak. Sa mga sandaling iyon ay naghahanda siya ng hapunan. Malapit nang maluto ang sinigang, ang paboritong ulam ni Nato, nang iabot nito sa kanya ang isang piraso ng papel. Nakangiti niyang binasa ang nilalaman niyon at agad-agad na niyakap ang anak.

“Hindi ako makapaniwala, Nato. Totoo ba ‘to?”

“Totoo ‘yan, Nay.”

“Kunin mo nga ‘yung salamin ko nang masigurado ko ang nakasulat dito,” utos ni Carmela, sabay turo sa isang maliit na mesa. “Masyadong maliliit ang sulat nito.” Pagkasuot sa salamin, naibulalas niya ang isang malakas na “Salamat, Diyos ko!”

Abot hanggang langit ang ngiti ni Nato. “Pa’no ba ‘yan, Nay? Scholar na anak niyo.”

Hindi mapigilan ni Carmela ang sobrang kagalakan. Muli niyang niyakap ang anak, mahigpit na mahigpit at—

“Nay naman. H-hindi na ‘ko makahi–“

Bumitiw si Carmela. Bumalik siya sa niluluto niyang hapunan. “Alam mo namang matagal ko nang ipinagdarasal ang scholarship na ‘yan. Hindi ako makapaniwala.”

“Maski ako po. Alam niyo, Nay, iilan lang po kaming nakatanggap niyan. Wala na tayong babayaran diyan. At isa pa, private school. Mantakin niyo, Nay, private school.”

“Iba nga yata talaga kapag matalino ang anak mo. O, siya, ilagay mo na nga itong ulam sa hapag.”

Marahang kinuha ni Nato ang mangkok ngunit napatda siya. “M-may bisita ba?” Laking pagtataka ni Nato nang mapansing tatlo ang platong nakalapag sa mesa.

Hindi nakaimik si Carmela. Nawala ang kaninang siglang nag-uumapaw. Napako ang tingin ni Nato sa kanyang nanay. Aabot marahil ng ilan pang minuto ang titig niyang iyong punung-puno ng katanungan kung hindi dahil sa sunud-sunod na yabag sa hagdan. Napalinga si Nato sa isang batang babae, ibinalik ang mausok na tingin kay Carmela at itinanong kung saang impiyerno nanggaling ang batang iyon.

3 Tugon to “Fortunato 1.1”

  1. dEe said

    wow naman. sinisimulan mo na pala ang drama special mo hehe. feeling ko maganda itong story na ito..

    susubaybayan ko ito pramiz hehe. kip it up. wag kang hihinto sa pagba-blog ha… at pagsulat, marami ka pa ring napapasaya, kahit feeling mo eh wala na.

    nakahanda na nga pala yung CD na gusto mo. kelan ba tayo magkikita. hehe. hindi nga pala ako magpapakita sa iyon. basta kailangan me dala kang cel that time para makuha mo yung CD.

  2. marj said

    asar ka namn eh..lhat na lng di mu tinutuloy..pati ung miko..
    speakign of miko, may movie si sam na ang title ay miko..
    gege… =)

  3. Emoseb said

    11:07 am
    DILAN — hala. hindi pala ako nakapagrespond kaninang hatinggabi. bangag ako e. drama special? hehe. salamat sa pagbabasa. kelan ka na ba puwede? gusto ko nang mapanood yung dalawa. alam mo ba yung qaf?
    MARJORIE — ewan ko sa’yo. galit ako sa’yo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: