Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Fortunato 1.2

Posted by Paurong sa Miyerkules, Agosto 1, 2007

UNANG KABANATA / IKALAWANG BAHAGI

“Si Elaine nga pala, Nato,” paliwanag ni Carmela sa isang seryosong boses.

“Sino nga siya?”

Lumapit si Carmela sa bata. Sa una’y hindi niya magawang tingnan ng diretso ang anak na nagsisimula nang uminit ang ulo; sa bandang huli’y napintahan niya ng huwad na ngiti ang kanyang mga labi.

“Hindi mo na ba siya naalala, kinakapatid mo siya.”

Hindi naniwala si Nato. Muling sinubukan ni Carmelang magpaliwanag sa anak.

“Ma–may mga bagay na… hindi ako nagkaroon ng lakas na–”

“Sino nga siya?” Mas malakas ang pagkakaulit ni Nato sa tanong niya.

“Sumusobra ka na, Nato. Huwag mo ‘kong pagtaasan ng boses.”

“Ako? Ako pa ngayon ang mali? Ha. Ano ba’ng gusto mong sabihin ko? Na natutuwa akong makita ang ‘kinakapatid’ ko?”

“Pumasok ka na sa kuwarto,” pakiusap ni Carmela kay Elaine na napakapit sa kanya. Pagkabura sa eksena ng bata, lalong lumisik ang mga tingin ni Nato.

“Bakit siya nandito?”

“Lumalamig na ang pagkain. Kung hindi ka kakain, bahala ka sa buhay mo.”

Pinakiramdaman ni Carmela ang pagkakapako ng tayo ni Nato sa likuran niya. Wala siyang naisip sabihin. Pinilit niyang kalmahin ang sarili. Umasa siyang mapapawi rin ang hinanakit sa puso ng kanyang panganay. Hindi niya magawang bulyawan pa ang anak na sa palagay niya ay sumama ang loob. Umupo siyang nanghihina, idinampi ang mga palad sa kanyang mukha, pumikit, at tuluyang nilamon ng mga luhang dumaloy sa kanyang mga pisngi.

Nagkulong si Nato sa kanyang kuwarto. Hindi niya ininda ang kaninang nararamdamang gutom. Ang tanging gumugulo sa kanya ngayon ay kung paano siya mawawala sa mundong ito o kung hindi man magkagayon ay kung paanong sa isang iglap ay maaaring magkaroon ng pagbabago sa buhay niya kahit sandali lang. Hindi niya matanggap ang pagkakaroon ng kapatid sa labas sa katauhan ni Elaine.

15 Tugon to “Fortunato 1.2”

  1. brath said

    pwede gawing palabas tong kwento mo sa tv ah hehe napadaan lng po

    xiao!

  2. dEe said

    hehe. uu nga pede gawing soap opera hehe. galing!

  3. Emoseb said

    11:00 am
    BRATH, DILAN — wah. hindi ko pinapangarap yun.

  4. stick said

    TUMAPOS KA NAMAN SANA NG ISTORYA PARA MASAYA. PARATI KA NA LANG NAG-UUMPISA NG KWENTO EH. KABITIN.

  5. marj said

    bkit nman? wla nman ako nigagawa ha..huhu

  6. tim ang said

    pwedeng ipangtapat ng rpn 9 sa kokey at marimar kung ipapalabas sa tv.

  7. Emoseb said

    4:52 am
    Ms. KRISTINE — tatapusin ko po ang FORTUNATO.
    Ms. MARJORIE — magsama kayo ng boyfriend mong sira.
    Mr. MARTIN — grabe.

  8. marj said

    huh? nyek, wala aqng ganun..
    we’re done..
    bkit ? anu kba, ndi nman aq si ano ha, bkit pati skin galit ka?
    hmpf..

  9. Emoseb said

    5:04 am
    Ms. MARJORIE — sige na nga, bati na tayo.

  10. ai nako jonell. haha. hihiramin ko na yung season 1. ipadala mo by lbc. joke! haha.

  11. Emoseb said

    8:27 pm
    CARL JOY — nako. pano kaya yun.

  12. marj said

    wow, bilis ha.. haha..
    bati na tayo..🙂
    asar, bumabagyo..

  13. Emoseb said

    8:59 pm
    Ms. MARJORIE — yes, Lord, yes, Lord, yes, yes, Lord. King of majesty, ansaya.

  14. dave said

    hmm, elaine, may naaalala tuloy ako.. alaalang masaya’t malungkot

  15. Emoseb said

    12:53 am
    Mr. DAVE — ay. lovelife ba yan. hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: