Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Fortunato 1.3

Posted by Paurong sa Huwebes, Agosto 9, 2007

UNANG KABANATA / IKATLONG BAHAGI

Maaaring sa mundo ng mga enkantada, isang pook na tinitirhan ng mga naggagandahang diwata. Maaari rin namang sa mundo ng mga kabaliwan, mga bagay na hindi nawawatasan ng pangkaraniwang pag-iisip ng tao. Maaaring sa mundo ng mga kinatatakutan. Noong minsan nga’y sa mundo ng mga nakabaligtad na puno. Pero kung isa man nga sa mga nabanggit o wala, si Nato lang ang makapagsasabi. Naputol ang pananaginip niya nang tumunog ang telepono sa baba. Sa mismong segundong pagmulat niya ng kanyang mga mata nawala sa kanyang memorya ang nagunaw na mundo ng panaginip. Animo’y sinabuyan siya ng malamig na tubig nang nagmamadali niyang dinampot ang telepono.

“Pucha, disoras na ng gabi!” Sinadya niyang balahurain ang pauna niyang salita sa paninigurong kilala niya ang nasa kabilang linya. Las diez y media ang basa niya sa orasan. Walang ibang puwedeng tumawag kundi si Niko, isip-isip niya.

“Oy, ano na? Puwede ka na ba ngayon?” Nanlalata ang boses ni Niko ngunit naging normal naman nito nang lumaon. “O, ba’t di ka makasalita. Ayaw mo ba?”

“Alam mo ba kung ano’ng oras na?” Muling inaninag ni Nato ang orasang natatabingan ng kurtina.

“Kailangan mo ng pera, diba? Tinutulungan na nga kita, ayaw mo pa.”

Noong huling beses na nagkausap sina Nato at Niko, napag-isipan ng huli na ipasok ang una sa trabaho niya. Isang trabahong noong una ay tinatanggihan pa ni Nato, pero sabi nga ng dieciocho años na si Niko, kelangan ng lahat ng tao ng pera kaya kung may pagkakakitaan, sunggaban agad. Natigilan si Nato. Hindi niya alam kung ano ang ipapakli.

“Nasaan ka ba?” mariing tanong ni Nato.

“Sa dating tambayan.”

“Ano’ng ginagawa mo diyan?”

Lumikha ng mahinang pagsinghot si Niko. “Nagtatrabaho.”

Muling natigilan si Nato. Kailangan mo ng pera, sabi ng isang walang-anyong boses sa kanyang sarili. Sunggaban mo. Tahimik na ang buong bahay. Mahimbing na ang pagtulog nina Carmela at Elaine sa itaas. Malayang-malayang makalabas ng bahay si Nato ngunit naroroon ang pag-aalinlangan niya.

“Alam mo bang nagmahal na ang bayad sa payphone?”

Naunawaan ni Nato ang ibig sabihin ni Niko: kailangang magmadali sa pagpasya.

Nawalan ng ekspresyon ang mukha ni Nato. “Sige, sige. Sige, puntahan kita.”

“Sss. Huwag mo ‘kong paghintayin dito ng matagal. Sige na.”

At ang hangin na lang ang naging kapiling ni Nato sa sala. Nilinga niya ang hagdanan, pagkatapos ay tumitig sa kisame. Tulog na sila, tulog na sila. Inayos niya ng kaunti ang kanyang sarili sa harap ng salamin bago siya lumabas ng bahay at tinanggap ang saboy ng liwanag ng buwan sa kahabaan ng kalyeng patungo sa tagpuan.

Wala na ‘tong urungan.

26 Tugon to “Fortunato 1.3”

  1. marj said

    wala aqng pasok..hehe, kaw?

  2. Emoseb said

    11:34 am
    Ms. MARJORIE — oh. you’re there. i’m sorry for the late response. i was writing an e-mail a while ago for my friend, Jelin, 16 years old. she lives in Honduras, by the way. so, you don’t have a class today. that’s pretty good. you’re week’s full of off-to-school days. comment allez-vous?

  3. marj said

    NP…
    yah, but we have classes tomorrow…kaw?

  4. Emoseb said

    11:39 am
    Ms. MARJORIE — i have a class tomorrow. after then, i will attend our general assembly for a school organization.

  5. marj said

    oic..what org?

  6. Emoseb said

    11:43 am
    Ms. MARJORIE — Web.IT. oh. batch logout. i should go now. i am not yet having my lunch (alone). you should meet me on tuesday after your class at noon so that i can eat with someone i love (naks). see ya. p.s.: how is he now?

  7. marj said

    haha, okay tuesday…
    who’s [i]he[/i] haha… i don’t care anymore..

  8. Emoseb said

    6:19 pm
    Ms. MARJORIE — it’s been a rough day. wooh. and i am still here on school. i am striving. take the utmost definition of that. haha. it’s good to here such from you, though.

  9. marj said

    *hear?
    uhm, why are you still in school?
    i’m really CRAMming for my nstp…haha, i’m not yet done…

  10. Emoseb said

    10:05 pm
    Ms. MARJORIE — you better take some rest.

  11. marj said

    yah, need those..haha
    uhm, favor ..
    please change my surname “samson” to “concepcion”..
    ’cause every time na nagse-search ako sa google ng “marjorie samson”
    eh, ung site mo ung nangunguna..
    bka xe mabuko ako..haha, pero wla nman aqng tintago..basta
    please..
    tnx!

  12. Emoseb said

    4:31 am
    Ms. MARJORIE CONCEPCION — asa ka naman. huwag mong itanggi ang apelyido mo.

  13. haha. dumaan lang ako jonell. mag-aral ka.

  14. Emoseb said

    3:02 pm
    Mr. CARL JOY — ayoko nga.

  15. marj said

    baliw, xe pagnagsesearch kuya ko sa google para hnapin ang friendster account ko, ang nkikita nya blog mo..bka kung anu isipin, haha…basta…
    better be safe than sorry…konek?
    salamat!🙂

  16. Emoseb said

    9:19 pm
    Ms. MARJORIE — e ano naman kung ganon. girlfriend ba kita. yuck.

  17. ^she said

    ..ngek nabasa ko na pala ng buo.. eheheh…

    ..kala ko may kasunod pa..

    =p

  18. Emoseb said

    10:19 pm
    Ms. SHELLA — siyempre may kasunod pa kaya lang nabobobo na ako sa pagsusulat ng kuwento e.

  19. ^she said

    ..asus na bobo ka jan..

    ..pa humble pa 2..

    =p

  20. nanine said

    Hi Jonell,
    Oh youre from the Philippines, thats nice! =) … I’ve found youre blog when I googled “Pakobo” .. me and my friends build a groupe that is called like this… so I only wanted to know what i happening when i search it! …

    Anyway! I’m 16 years old and live really in Germany… but in my oppinion France is a very beautiful country and the language sounds so wonderful, so i’m fascinated in the people and the mentality…! *g*

    Do you maybe have ICQ or msn? (instand messengers)?? because it’s very interesting to write with somebody that is living so far away!!.. please tell me on my e-mail if you want! nanine@freenet.de … or again at myspace!!

    thx for youre answer!! greetz nanni!!

    P.S. sorry for my awful english!!

  21. Emoseb said

    7:58 am
    Ms. SHELLA — nako.
    Ms. NANINE — got it.

  22. dave said

    okay.. dahil green-minded ako ngayon, na-iisip kong mukhang shocking ang susunod na parte nitong kwento.

  23. Emoseb said

    1:05 am
    Mr. DAVE — ang galing mo talaga! hands down!

  24. dEe said

    ui post ka na… hinihintay ko ang susunod na mga kabanata… hehehe. ano kayang work yun?

  25. Emoseb said

    12:22 am
    Mr. DAN — wow. sige sige. pinag-iisipan ko pa kasi.

  26. dave said

    hahaha! salamat.

    :O Medyo weird.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: