Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Marimar, Episode 1: Ina, Ama, Anak.

Posted by Paurong sa Lunes, Agosto 13, 2007

Marimar Episodes

Marimar Episode 1 (August 13, 2007)

Sa laot isinilang ni Lupita (Rita Avila) ang kanyang anak kay Gustavo Aldama (Jestoni Alarcon) sa tulong ng kaibigan niyang si Silva. Mari Mar ang ibinigay niyang pangalan, hango sa salitang Kastilang ‘Mar’ na ang ibig sabihin ay ‘dagat’. Bukod sa siya ay ulila na, ang dukhang si Lupita ay hindi tanggap ng mga Aldama. Wala sanang pananahanan ang mag-ina kung hindi sila natagpuan ni Gustavo. Ipinangako niyang dadalhin ang mag-ina sa Maynila upang makapamuhay ng maayos.

Nang malaman ang planong iyon ng Mama ni Gustavo, nagmakaawa itong huwag nang umalis ang anak. Ipinangako niyang hindi niya na pag-iisipan pa ng masama si Lupita at buung-puso na niya itong tatanggapin sa pamamahay ng mga Aldama. Inakala nina Lupita at Gustavo na malinis ang hangaring ito. Matapos nitong bigyan ng gatas na may pampatulog si Lupita, ikinasabuwat niya ang isang lalaki upang magkunwaring katalik nito. Buong gabing hindi napakali si Gustavo dahil sa pagkawala ng asawa. Nang malaman ang kinaroroonan ng asawa, nadatnan niya itong kasiping ang kasabwat na lalaki. Lubha niya itong ikinagitla. Tuwang-tuwa sa tagumpay niya, pinalayas ng Mama ni Gustavo si Lupitang dala-dala ang sanggol.

Kinabukasan, natagpuan ni Gustavo ang vial ng pampatulog at kanya rin namang narinig ang katotohanan mula sa bibig ng kanyang Mama habang kausap nito ang kasabwat na kaibigan sa telepono. Nagpasiya si Gustavong iwanan ang kanyang Mama dahil sa ginawa nito sa pinakamamahal niyang asawa. Humayo siya upang hanapin ang mag-ina.

Makalipas ang pitong taon, napalaki ng maayos ni Lupita ang anak niyang si Mari Mar. Nang minsang nagtitinda sila ng mga kakanin, nasumpungan sila ni Selva. Nangako itong ililihim ang tungkol sa mag-ina.

Samantala, ibinalita kay Gustavo ng pinsan niyang si Esperanza (Bing Loyzaga) ang masamang balitang pumanaw na ang mga magulang nito dahil sa isang aksidente. Sa puntod, sinabi ni Selva kay Gustavo ang kinaroroonan ng mag-ina niya.

Pinuntahan ni Gustavo ang mag-ina. Noong una’y ipagdiinan ni Lupitang wala siyang ginagawang mali kay Gustavo, ngunit nang sabihin ng huling alam niya na ang totoo ay nawalan ang una ng taros sa paniniwala. Agad na kinilala ni Mari Mar ang kanyang tatay lalo na’t matagal na siyang nangungulila sa katauhan ng isang ama. Binilhan ni Gustavo ang kanyang anak ng isang kuwintas na may pangalang “Mari Mar”, at sinigurado rito ang magandang pamumuhay sa Maynila. Sa loob ng eroplano, ibinigay ni Mari Mar sa kanyang ama ang isang likhang-guhit ng isang tatay, isang nanay at isang anak.

Sa kinasamaang palad, nagkaroon ng diperensya ang makina ng sasakyan ng eroplano kaya bumunsod ang isang malagim na aksidenteng naghiwalay kina Mari Mar at sa kanyang mga magulang.

PANINGIT-PUNA: Lumang istilo na talaga ang pagdadagdag sa mga remake. Hindi na ito bago kaya walang dapat ipagtaka kung marami pa tayong ikabibigla dahil sa marami nilang pagbabago sa ibang subplots at ibang characters. Malalaman niyo rin ang sinasabi ko kapag lumaon na ang serye. Sa ngayon, maganda ang itinakbo ng unang episode kahit na sobrang dami ng patalastas. Magaling ang pagkaka-edit ni Bb. Joyce Bernal.

4 Tugon to “Marimar, Episode 1: Ina, Ama, Anak.”

  1. Mary Grace Mora said

    thanks po sa comment.

  2. Emoseb said

    4:25 pm
    [pumuslit sa english class ko]
    ayos lang yon. no problem.

  3. tim ang said

    Buti na lang, pimost mo yung first episode. Di ko kasi natapos. Actually, hanggang dun lang ako sa pinanganak si Marimar.

  4. Emoseb said

    7:00 pm
    Mr. MARTIN SISON — bote naman! hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: