Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Marimar Episode 2: Ang Batang Marimar.

Posted by Paurong sa Martes, Agosto 14, 2007

Marimar Episodes

Marimar Episode 2 (August 14, 2007 Tuesday)

Tatlong bagay ang naging resulta ng aksidenteng pagbagsak ng eroplano: una, namatay si Lupita (Rita Avila); ikalawa, nawala si Mari Mar; ikatlo, nagdulot ng matinding kalungkot kay Gustavo (Jestoni Alarcon) ang pagkawalay niya sa kanyang mag-ina.

Napadpad sa tabingdagat ng isang isla si Mari Mar. Doon, inampon siya nina Lola Cruz Perez (Caridad Sanchez) at Lolo Pancho Perez (Leo Martinez). Inangkin nila itong isang tunay na apo sa kabila ng takot na baka hanapin ito ng kanyang mga magulang. Ang tanging pagkakakilanlan kay Mari Mar ay ang kuwintas kung saan nakaukit ang kanyang pangalan.

Dumaan ang isang buwan at hindi pa rin sumuko si Gustavo sa paghahanap sa kanyang nawawalang anak. Ang tanging umagapay sa kanya ay ang pinsan niyang si Esperanza (Bing Loyzaga).

Waring hulog ng langit na dumating kay Mari Mar ang isang kaibigan sa katauhan ni Angelika nang minsang naglalaro siya sa buhanginan. Pinag-interesang nakawin ng dalawang batang lalaki ang kuwintas ngunit nabigo ang mga ito nang tinaboy sila ni Angelika, isang malditang taga-kabilang ibayo. Simula noon ay naging matalik na silang magkaibigan.

Isang gabi, habang naglalakad sa kakahuyan sina Mari Mar at Angelika, nakakita sila ng isang ahas. Nilabanan ito ni Angelika at buhat nito’y dumulas siya sa pinakagilid ng bangin. Nag-abang si Mari Mar ng taong mapapadaan upang humingi ng tulong. Dumating ang isang pareng nakasakay sa isang kotse (sa kalauna’y makikilala bilang Padre Porres) at ito nga sumaklolo kay Angelika. Ngunit sa halip ay gumulong pababa si Angelika, na puno ng dugo ang ulo.

PANINGIT-PUNA: Hindi ko gusto ang paglalagay, at sa isang banda’y pati ang pagkakalagay, ng elementong back story. Hindi naman masama ang paggamit ng elementong ito, huwag lang sosobra at mas lalong huwag mawawalan ng saysay sa kabuuang kuwento. At isa pa, nakakatuwang makitang magkasamang muli sa telebisyon ang Super Twins.

8 Tugon to “Marimar Episode 2: Ang Batang Marimar.”

  1. Joanne said

    adik. bawat episode talaga gagawan mo ng ganto. sana gumawa ka rin ng ganito sa Death Note, Lovely Complex at Ouran High para masaya. hehe😀

  2. Emoseb said

    5:35 pm
    Ms. JOANNE — kung hindi man bawiin, ipalalabas sa gma ang death note.

  3. Joanne said

    seryoso? wag nalang! masisira ang death note kapag dubbed na siya. mas maganda manood nito kapag jap parin at may subtitles. at meron pala kong copy nun mula episode 1 hanggang 37. la lang. kaadik ‘yun eh.

  4. Joanne said

    teka, tungkol sa marimar ‘to. ba’t ko sinisingit yung death note? labo.

  5. Emoseb said

    5:50 pm
    Ms. JOANNE — buwisit ako ngayon, remember? peram ako.

  6. Joanne said

    ah oo nga nabubuwisit ka pala ngayon.😀

  7. Emoseb said

    12:05 am
    Ms. JOANNE — dapat hindi na.

  8. jessie said

    sana araw araw mapanuod ko ang marimar sa pinoy
    guzto ko kasi araw araw masuba bayan ko ito
    nasa germany kasi ako thanks sa lahat

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: