Ang Blog ni Paurong!

Dahil hindi plantsado ang buhay ng tao.

Marimar Episode 3: Ang Pagdadalaga ni Mari Mar.

Posted by Paurong sa Miyerkules, Agosto 15, 2007

Marimar Episodes

Marimar Episode 3 (August 15, 2007 Wednesday)

Umuwing alalang-alala si Lola Cruz (Caridad Sanchez). Agad niyang ikinuwento kay Lolo Pancho (Leo Martinez) ang nangyari sa palengke: May isang lalaking naghahanap ng isang nawawalang bata, nagpakita sa kanya ng litrato ng isang batang babae at itinanong kung nakita niya iyon. Si Mari Mar–hinahanap na ng kanyang mga magulang. Hindi natinag si Lola Cruz. Ayaw niyang pakawalan si Mari Mar sa pag-iisip na mas maigi ang bata sa kanila.

Samantala, isinugod nina Mari Mar (Ella Cruz) at Padre Porres (Buboy Garovillo) si Angelika (Nicole Dulalia) sa hospital. Sinisi ni Angelika si Mari Mar sa nangyari sa bangin. Hindi nagawang magpaliwanag ni Marimar dahil pinagpilitan ni Angelikang iniwan niya ito at hindi ito tunay na kaibigan. Dalawang beses na sinipa ni Angelika si Mari Mar at dalawang beses din naman itong bumagsak sa sahig. “Ayaw na kitang makita,” sabi sa kanya ni Angelika. Umiiyak na umuwi si Mari Mar sa mag-asawa. Nangako siyang hindi na pupunta sa kabilang ibayo.

Ngunit, kinabukasan, naisip ni Mari Mar na kailangan niyang mapuntahan si Angelika upang makapagpaliwanag. Hindi siya pinayagan nina Lola Cruz at Lolo Pancho. Pursigidong tumakas si Mari Mar, sumakay ng bangka at mag-isang sumagwan patungo sa kabila upang kausap si Angelika. Nagulat siya ng makitang pa-Maynila na ang kaibigan at ayaw na talaga siyang makita nito.

Naramdaman ni Mari Mar ang lungkot ng pagkawala ng isang kaibigan. Nang malapit na siyang bumalik sa kanilang isla, natagpuan niya ang isang bagong kaibigan sa isang aso. Agad na ikinatuwa niya ang aso.

“Ano kayang ipapangalan ko sa’yo? Ah! Alam ko na! Dahil marami kang pulgas, Fulgoso. Fulgoso ang ipapangalan ko sa’yo!”

Simula noon ay magkasama na sina Mari Mar at Fulgoso (Nigel; voice of Michael V.). Hanggang sa nagdalaga si Mari Mar (Marian Rivera). Nakasanayan niyang sumayaw sa tabingdagat. Paminsan-minsan ay pumupuslit sila ni Fulgoso upang makarating sa kabilang ibayo. Dahil sa wala silang huling talangkang makakain, kinailangan ni Mari Mar na magdelihensiya.

Sa resort ng mga Santibañez ay mayroong isang malaking salu-salo. Ipinakilala ni Renato Santibañez (Richard Gomez) ang kanyang asawang si Angelika Santibañez (Katrina Halili). Masusing ipinahanda ni Corazon (Manilyn Reynes) ang mga pagkain. Pumuslit sa kusina si Mari Mar upang makapagnakaw. Nahuli siya ni Nicandro (Gabby Eigenmann). Nanamantala ito sa dalaga at hihingi sana ng halik kung hindi dumating si Sergio (Dingdong Dantes). At nagkakilala nga sina Mari Mar at Sergio, na sa kalauna’y mapaiibig sa isa’t isa.

PANINGIT-PUNA: Mahusay ang unang araw ni Marian Rivera sa pagganap sa telebisyon bilang si Mari Mar na sadya namang nakabibighani. Kakaiba talaga ang alindog ni Marian, ewan ko ba!

15 Tugon to “Marimar Episode 3: Ang Pagdadalaga ni Mari Mar.”

  1. jemari said

    himarimar ang ganda mo talaga sa picture paano p kaya pag personal n baka himatayin ako s ganda m alam mo b na no1 fans mo ko I LOVE YOU

  2. Joanne said

    hala. kumusta naman…

  3. Harteloos said

    Iba talaga si Marian.. Younger version ni joyce jimenez eh… tas may appeal pa na hindi maexplain.

  4. Emoseb said

    1:28 am
    JEMARI — hindi po ako si marimar. hehe.
    JOANNE — ano na naman yan?
    HARTELOOS — maganda talaga siya. at saka sexy.

  5. Joanne said

    natawa ako dun sa comment bago ‘yung comment na ginawa ko. hahaha. ginawa kang Marimar? hahahaha.

  6. onenicolo said

    elow po ang ganda nyo po sa personal!!!!!!!!!!!!!!

  7. onenicolo said

    pwede nyo po ak o tulungan kasi po mama ko hirap na hirap po dahil babad sa utang po sana po tulingan nyo ako god bless you

  8. Joanne said

    ayos jonell, ang ganda mo pala sa personal! wahahahaha!

  9. Emoseb said

    12:18 am
    JOANNE — ano ba yan. sino kaya si onenicolo?

  10. Joanne said

    ewan. kaya nga ginawa ang IP address at email address eh. ‘tulingan’ mo na kasi at ‘babad’ daw sila sa utang.

  11. frencis said

    sana ako nalang ang kasama ni seryo sa mari mar

  12. frencis said

    ano ba yan jemari

  13. frencis said

    marimar ang ganda talagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa ng mari mar. I LOVE YOU

  14. frencis said

    I FEEL AGOOD SOMEBODY

  15. thess cruz said

    Ganda ng marimar buong pamilya ko dito sa CA ay inaabangan lagi. Ang ganda talaga..galing nilang umarte. Lalo na ngayon mare-realize ni Marimar kung gaano niya talga love si Sergio. I really love it!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: